S21: Goodbye

207 1 0
                                    

S21: Goodbye

[L: Language]



~Samantha's POV~


BLAG!


Napangisi ako nang sikmuraan na naman nila ako. Pagkaubo ko ay tumalsik ang dugo mula sa aking bibig. Lalong lumaki ang ngisi ko.


Hindi ba sila napapagod?


Kasi ako, hindi pa.


"Is that all you've got? Amputa! Para kayong mga bakla! Nagpapa-under at nagiging sunod-sunuran sa isang tanga." mayabang kong sabi sa kanila.


Nakita ko ang pag-igting ng panga ng lalaking sumampal sakin, kahit ito'y nakamaskara pa. Lalo akong napangisi, imagining his irritated face behind that mask.


Akmang magsasalita na ito nang biglang umeksena si bitch habang may hawak na isang baso ng alak.


"Well, really? Tanga ako? What does that make you, then? A filthy son of a bitch?"


Tumawa ako. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya, marahil dahil sa inis.


"Correction. Babae ako. I'm not a son of a bitch. I'm really it's daughter. Nag-aral ka ba talaga? Tanga na nga, bobo pa."


PAK! 


Hindi natanggal ang ngisi sa mukha ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng kanang pisngi ko mula sa malakas na pagkakasampal niya.


"Bastos ka, ah!" sabi niya saka ako dinuro.


"Talaga?" Ngumisi ako ng bongga para mainis talaga siya. "Bastos, nakahubad eh."


Sinampal na naman niya ako, hindi alintana ang patuloy kong pagsuka ng dugo.


"Wala ka talagang hiyang babae ka!"


Akmang sasampalin na naman niya ako nang biglang sumulpot si Adrian, out of nowhere. Hindi ko alam pero sumibol ang pag-asa sa loob ko.


Pag-asang maililigtas niya ako.


"Heart!"


Napatingin si Heart kay Adrian. Halata ang gulat sa mukha nito. Siguro dahil sa paano nalaman ni Adrian ang lokasyon namin.


"A-Adrian?" Biglang umamo ang boses nito. Tumayo siya ng tuwid saka hinarap si Adrian na kasalukuyang tumatakbo palapit samin, sakin actually.


"A-Adrian, a-anong g-ginagawa mo d-dito?" Nagmukha siyang nauutal na tutang gala.


SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon