A/N: Nililinaw ko lang po na hindi pa po siya naghihiganti. Ipapakita ko po muna sa iilang chapters yung buhay niya talaga bago siya nagbago para mas ramdam yung paghihiganti niya. =)
FLASHBACK
----CASSANDRA POV-----
"Ui! Uwi na ako! Bakit ba ayaw niyo pa akong paalisin?!Ui!Saan niyo ba ako dadalhin?!" Tinutulak lng naman ako ni Lucas at Gell sa balcony ng bahay ng kaibigan namin -_-
Nag momovie marathon kasi kami eh tapos naman na, pero ayaw nila akong pauwiin o pababain manlang, samantalang yung mga kasama namin nagbabaan na. Kaming tatlo nalang nandito. Paglabas ko...
Napasigaw ako. Palipat lipat ako ng tingin sa baba ng balcony saka kila Lucas at Gell. Si Lucas namumula na nahihiya.Samantalang si Gell, parang pinasukan ng kiti kiti sa katawan kung kiligin.Talo pa ko eh." ANO TO?!" Pagtingin ko lang naman sa baba ko.Yung mga kaibigan namin may hawak na sign...
'I LOVE YOU CASSANDRA!' Isa isang nakasulat yung mga letter sa paper nila na kasing laki ng bond paper. Tagdadalawa sila ng letter.Tapos lahat sila nakatingin samin na nakangiti na parang sinasabi na sagutin ko na si Lucas.Kinikilig ako Emerged! :") I was like Ene beeee :">
PRESENT
"Uy girlaloo!!!Andyan ka pa?!"
Sa sobrang gulat ko nahulog ako sa upuan ko.
"Punyate--"
"Teka!Bago mo ko murahin ng abnormal mong mura,ibaba mo muna palda mo.Ano to teh?Showcase?"
"Agad agad kong sinara ang sexy legs ko at binaba yung palda ko.Nu ba yan!
"Kasi naman eh!Tulungan mo nga ko tumayo!Badterp ka!"
Inabot naman agad ni Carlo yung kamay nya sakin.
"SALAMAT CARLO!"I said with a wild smile and a peace sign pa. Nanlaki naman bigla yung mata niya. Hahaha!
"HOY!ANONG CARLO!BAKLITANG TO!PREFER TO BE CALLED CARLA!"Sigaw nya tapos ginawa nya yung pangmalandi nyang tawa na sa tingin ko eh nakakatakot imbis na nakakaakit.
"Okay carlo."I said with a flat look.
Nakakaasar naman eh,Siguro kung sinagot ko sya pagkatapos na pagkatapos nya ko yakapin mula sa likod nung araw na yun siguro.....
"Hoy!Sabi nang Carla eh!Isa pa hahalikan na kita!" Sabi niya then I smirked. Tiningnan ko siya mata sa mata na may mga matang pagnanasa tapos lumapit ako sa mukha nya. 2 inches apart nalang ang pagitan ng mukha namin. Biglang nanlaki mata nya.
"Sige nga. Gawin mo nga CARLO." Gusto ko ng matawa kasi parang namumutla siya pero pinipigilan ko. Pinaulit ulit ko pa yung "Carlo" Tapos pumikit siya, edi pumikit din ako. Bigla kong naramdaman yung kamay niya sa pisngi ko. Nararamdaman ko din papalapit na yung mukha niya. Onti nalang.
"AHHHH! AYOKO NA! DI KO KAYA!" Tapos masuka suka pa siya. Excuse meeehh?
"Hoy! Swerte mo nga kung mahahalikan mo ko no!" Sabay tawa ko ng malakas! Bigla siyang tumingin ulit.
"'Pag di ka tumigil hahalikan na talaga kita! Seryoso na ko." Sabi niya ng may seryosong mukha. Omaygaaahhhd! Parang straight boy na siya. Sana lalaki nalang siya. Sure ako dudumugin siya ng fans. Ang gwapo gawapo niya kaya tas ang ganada pa ng built na katawan niya. Pwede na siyang magmodel sa Bench. Err okay wait. Hindi ko pinagnanasaan si Carla. =_= Nakakadiri naman yun.Parang girl to girl. Ewwww
"Ulul.Tigil tigilan mo nga ko.Isumbong kita kay Tito eh."
"Tara punta tayo Canteen libre kita.Hihi!Ganda ng buhok mo ngayon teh."
"ARAAAYYY!!!!ANO BA?! KALBUHIN KAYA KITA?!"Sinabunutan ba naman ako ng bongga! As in me?! CASSANDRA FORTEZA? Like Hellloooo?!
"ANO?!ISUSUMBONG MO PA KO?HA?HA?" He, err She said while flipping her hair.
"Hindi n---Uy si tito ba yun?!" HOHOHOHO.
Sabay bitaw nya sa buhok ko na pakiramdam ko matatanggal na sa sobrang higpit at lakas ng hatak nya.Tumahimik naman bigla ulit ako. Naaalala ko ulit lahat nung memories namin nung lalaking yun. Bigla naman akong may naisip na plano.
"Bakla! May naisip akong bright plan!" Si Carla naman lumiwanag yung mata tapos lumapit agad. Chismosa talaga tong baklang to eh! Basta ganyan, ang bilis bilis! Tapos eto na nga kinwento ko na.
"HUUUWAAATT?!ISESEDUCE MO SI PAPA Lu...Hmmmppp!" Bago nya pa matuloy yung sasabihin nya eh sinuksukan ko na ng pagkain yung bunganga nya.As in BUNGANGA talaga!Nasa canteen kasi kami ngayon. Nako!Baka may makaalam pa ng plano ko!
"Sabi ko wag kang maingay eh!Tatahiin ko na yang bibig mo ha!Umupo ka nga!Ang OA mo!" Pinush ko siya sa chair niya!Ang laki talaga ng bunganga ng baklang to! Not literally. I mean ang chismosa niya kaya!
"NOOOOOOO!!Wag mong itutuloy Cass!Wag!" Sabi niya with matching takip takip pa sa bunganga niya.Habang niyuyugyog pa ung mukha niya from side to side tas mangiyak ngiyak yung itsura niya. Grabe ha?Anong pinaglalaban nito? Mamatay ba ako? Nakakakaba tuloy!Bwisit na baklang to!
"Bakit naman?"I said curiously.Well naintriga ako no! Kung nakita niyo lang siya!
"NOOOO!!WAAAAG!"Sigaw niya pa ng mas OA!Tinanong ko ulit siya with my irritating tone. Like duh? Parang mamamatay na ako kung magdrama siya eh.
"NOOO!AKIN LANG SYA!" Lecheng baklang to.Binatukan ko nga.
"Gaga!Supalpal ko kaya yung mukha mo dyan?!" Kukuha na sana ako ng plato para ibato sa mukha ng baklang to ng biglang syang magsalita na nagpadilim ng tingin ko.
"Ano te?Chelsea Rivera lang ang peg?!" Chelsea. Biglang nagbago ang aura ko. Nagdilim paningin ko. IKUKUMPARA NIYA PA AKO SA MALANDING YON? Minsan talaga napapaisip ako kung bakit yun nagustuhan ni Lucas. Mukha siyang palaka!
"Unang una sa lahat, nauna ako sa kanya!Yang malanding tipaklong na yan ang nang agaw.Kaya wag mo kong itulad sa kanya.Pangalawa,Iba ang gagawin ko no.Sa kanya panglalandi sa akin, getting back something that a certain somebody borrowed,pangatlo,wag mo nga mabanggit banggit yang palakang yan.Baka mamaya biglang lumabas,nakakatakot lang.
"Ay te sorry.Andyan na sya oh." Tinuro niya yung sa may bandang likod ko. Kinabahan ako. Lalo akong naiinis. Bumibilis tibok ng puso ko. Dahil kung andyan si Palaka. Malaki ang chance na kasama niya siya.
Pagtingin ko sa likod ko ,tama ang hinala ko,nandun nga sila.Ang Malanding tipaklong kahawak kamay si...si....
"TEH NAKATINGIN SAKIN SI PAPA LUCAS!!!"Sigaw ni Carlo mula sa likod ko.Kilig na kilig ang bruha! Halos mamilipit na sa pwesto niya!Lantoooood!
Humarap na lang ulit ako kay Carlo.Hindi na ko nag salita.Hindi ko na sya babarahin kahit alam kong....
Sakin nakatingin si Lucas at hindi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wicked Cinderella
Romance"My attitude is that if you push me towards something that you think is a weakness, then I will turn that perceived weakness into strength." That's my motto. Oh yes! I will let you all taste my sweet revenge!