Chapter 4

68 5 0
                                    

CASSANDRA POV

"Langya ka Carlo! Sabi nya ililibre nya ako! Humanda ka talaga sakin, susugurin kita sa apartment mo! Letse ka CARRRRLLLLOO-"Lumabas na ako ng ice cream shop. Iniisip ko pa kung paano ko papatayin si Carlo nang tumama ako sa isang tao.BAM! With sound effets pa yan!Nagsorry ako sa nabangga ko. Kaso natigilan ako nang tumingin ako sa kanya. Namutla ako, pinagpawisan ako,nagsitaasan balahibo ko. Ilang inches lang agwat namin. Para na kong natatae sa nararamdaman ko.

LUCAS FABIO!

--CASSANDRA POV--

Nagsisisigaw ako. Niyakap yakap ko siya. Sabi ko miss na miss ko na siya. Pero joke lang. Ang totoo napatulala na lang ako. Parang nagyelo yung buo kong katawan. Hindi ako makakilos.

"Uy mama! May statue sa daan oh!Woooow!" Narinig kong sabi nang isang bata sa may kabilang daanan.Napatingin naman ako sa bata.Tinuturo turo pa niya kami ni Lucas sa mama niya.Kaso biglang sumigaw yung bata nung paglingon ko. Nagulat ata kasi biglang gumalaw yung sinasabi niyang statue. Tumingin ulit ako kay Carlo. Hinawakan ko yung pisngi niya, nanlaki yung mata niya. Halatang nagulat pa siya lalo. Sinamantala ko na, tumakbo ako ng mabilis!Kaso tinawag niya ako saka hinahabol!Habang tumatakbo, napagpasyahan kong pumunta sa mall. Pumasok ako sa isang store ng mga damit. Paghawi ko ng mga damit nagulat ako. Nasundan ako ni Lucas!Patay!

 Tumakbo ulit ako, HAH! Grabe, ang bilis nya naman. Pumasok ako sa National Book Store. Paglingon koOMYGLOB! Hinahabol niya parin ako!Tumakbo pa ako, paglingon ko wala na.Napahinga ako ng malalim.Nakaramdam ako ng pagtanggal ng tinik sa lalamunan ko.Buti na lang. Hindi pa ako ready na makaharap siya!Pumunta ako sa Food Court. Gutom na ako, uhaw na uhaw pa ako! Letseng Lucas yon!

 "Miss, pabili ho ng mineral."Sabay punas ko pa ng pawis ko. Kadiri. Pawis na pawis ako.Gusto kong maligo!Ang init!

"Bayad ho dun sa mineral" Sabi ni LUCAS?!Pucha naman!Andito nanaman siya! 

"Ano ba?! Aso ka ba?! Habol ka ng habol ah!"

"Ba't mo ba ako iniiwa-- HOY!"Tinakbuhan ko ulit siya. Kaso nahawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya ako pabalik sa kanya. Ano bang kailangan sakin nito?Kinabahan ako sa naisip ko. Ipapasalvage niya na ba ako?!

"Tatakasan mo nanaman ako ha! Halika nga dito!"Kinaladkad niya ako paalis ng food court. Nagpumiglas naman ako.Pakipot effect, mga ganon. Bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sitwasyon ko ngayon. Magagalit ba ako o Kikiligin? No. Scratch that. Wala akong gusto sa kanya.Oo wala talaga!

"Hoy bakla!San mo ko dadalhin ha?!Papatayin mo na ba ako? Hindi ako makakapayag!"

"Sinong Bakla?!" Lumingon siya sakin na may masamang tingin. Pero hindi ako nagpatinag!Sinamaan ko din siya nang tingin. Siya pa gaganyan eh siya tong nangangaladkad!Ang kapal ng fes niya!Sinigawan ko naman siya nang siya yung tinutukoy ko. Aanga anga pa to eh.

 "Ak-"Hindi ko siya pinatapos at binara ko siya.

"Ay hindi! Yung tubig ko bakla!"Sabay taas ko nang bote ng tubig na hawak ko sa kabilang kamay ko.

"Halikan kita dyan eh!"Nagulat kaming dalawa sa sinabi niya. Napaisip ako. Ano Cass? Just go with the flow or what?Sige go with the flow nalang tayo!Joke!Umiwas siya nang tingin.Tapos tumigil kami sa isang restaurant na may class ang dating.

"Hoy ano to?!" Pagalit kong tanong. Syempre kunyare galit ako. Nagtataka nga ako eh. Diba dapat galit ako? Pero bat ganto nararamdaman ko?

"Restaurant." I rolled my eyes. Like duh? Alam kong restaurant yan no. I have 2 eyes kaya!

"Alam ko! I mean anong gagawin natin dyan?"

"Diba gutom ka na?"Sabi niya sakin. Pero ang totoo oo. Ice cream palang nakakain ko kanina. Iba ibang flavor lang. Syempre sabi ko hindi.Kaso traydor ang tiyan ko. Bigla ba namang tumunog. Namula naman ako sa hiya! Ano ba naman tiyan!Bakit ngayon ka pa tumunog?! Ang cliche naman neto!

Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon