Chapter 9

43 5 0
                                    

CARLO POV

"Tita! Asan po si Cassandra? Okay na po ba siya?" Tumatakbo ako papalapit kila tita. Nakaupo si tita dun sa waiting area habang umiiyak tapos yung papa naman ni Cassandra parang hindi mapakali.

"Carlo!  Nasa E.R sya. Nabangga yung sasakyan niya sa poste!Tapos tinakasan siya nung driver ng truck!"Sabi ni tita habang umiiyak.  Kawawa naman si tita, pati sya nadadamay sa kalokohang ginawa ko. Kung umamin lang sana ako habang maaga pa edi sana hindi nangyari to. Tanga mo Carlo! 

"Hush tita, Everything's gonna be fine." Umupo ako sa tabi nya tapos hinimas himas ko yung likod nya.

"CARLO! ASAN NA SYA?! UWAAA! NOOOO! UWAAAAA!!" Okay, Carlo. Ihanda mo na yung tenga mo sa babaeng nakalunok ng megaphone.Tumingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng microphone este ng boses. At ayun nga, nakita ko si Gell na tumatakbo papunta dito. Parang gusto ko nga tumakbo kasi nakakatakot yung itsura niya eh.

"Gell hindi pa sya patay. Wag kang OA!"  I said with a flat look. Tapos bigla namang lumabas yung doktor. 

" Umm.. Excuse me, Sino po ang kasama ng pasyente?"

"Kami ho." Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin at tumingin sa doktor. Lord parang awa nyo na! Sana okay lang sya. Please po. Promise magpapapakalalaki na po ako pagtapos nito!

"Luckily, konting sugat at gasgas lang naman ang nakuha nya. Ililipat na namin sya sa room nya. Kailangan nya rin muna magpahinga. It will be better if she stays here for a few days."

Nakahinga naman kami nang maluwag. Except kay Gell na kumikinang pa ang mga mata na nakatitig sa doktor. Maglalaway na ito!

" Doc, Salamat po sa inyo! Salamat po talaga! "Biglang sabi ni gell,with matching shake hands pa. "Ang galing nyo naman!Tara ho doc, free na po ba kayo today? Treat ko kayo. Doc, may girlfriend na po ba kayo?" Tingnan mo tong si Gell. Kani-kanina lang alalang-alala ngayon naman kala mo nanalo sa lotto. Kahit kelan talaga eh. May sira ata sa pag iisip to e.

"Hoy Gell! Naaksidente na nga si Cass nagawa mo pang lumandi!" 

"Leche ka Carlo! Iti-treat ko lang si Gwafu e-este si Doc, Ang saya ko kasi! Hehe.." 

 "Halika na nga!"  Kinaladkad ko nga sya paalis. Nga nga ung doktor eh. Hahaha! Pero nakokonsensya talaga ako. Ako may kasalanan eh. Babawi ako sayo Cass.

"Hoy bakla! San tayo pupunta?"  Sabi ni Gell.

Wow! Sa gwapo kong to, nakuha pa ako tawaging bakla neto. Halikan ko kaya to? Ay hindi wag na. Peytpul ako kay Cass. Stick to one ata ako.Sabay palo ko sa dibdib ko."Tanga ka ba o tanga?! Syempre kay Cass."

Tumunog yung phone ko.Sinong bwisit naman to? Lagi nalang may tumatawag sakin. Peste! "Hello?"

"Sir, pinapatawag po kayo dito sa office." Yung malandi kong secretary. Syempre naiintindihan ko sya, Sa gwapo kong to?Sinong hindi ang magkakagusto? Kahit nga yung mga sampayan na may nakasampat na panty, nalalaglag kapag dumadaan ako eh.

"Jane, kung hindi importante, pakisabi di ako pwede ngayon."

"Pero sir, urgent daw." 

Tss! Ano ba yan! No choice! "Sige, I'll be there in 30 minutes."  With that binaba ko na yung phone ko at itatapon ko na ng wala ng magulo sakin. Joke.Badtrip kasi eh. Naglakad na ako paalis pero syempre nagpaalam na ako kay Gell at pinauna ko na sya.

FLASHBACK

Uwian na namin. At dahil swerte ako, Magkocommute ako ngayon pauwi. Nasira daw kasi yung kotse ko sabi nung driver. Oh diba? Ayaw ko pa naman nagkocommute.Nagpara ako ng taxi at sumakay." Sir, kilala nyo po ba yung nasa likod natin? Kanina pa po tayo sinusundan ng kotse na yan eh." Sabi nung driver. 

"Hindi po manong eh. Ibaba nyo nalang ako sa gate ng subdivision namin."  Nung bumaba ako, bumaba rin yung pasahero sa kotseng sumusunod samin. Tumakbo ako ng mabilis papuntang bahay namin. Actually, trap ko to. Di naman ako tanga para bumaba dahil sinusundan ako. Talagang gusto ko syang bumaba at pagdating sa bahay namin eh ipapahuli ko sya sa guard. AYAN NA! Nandito na kami sa gate. Smirk~

"Wait lang Carla! Ha...Ang bilis mo. Haa!" Hingal nyang sabi habang nakalagay pa yung kamay sa tuhod nya. T-teka! Tiningnan ko nang mabuti yung humahabol sakin.Si Gell to ah!

"GELL?! Ba't mo ko sinusundan?!"

"May sasabihin sana ako sayo sa uwian kaso di na kita naabutan agad, kaya sinundan na lang kita."Sabi niya nang may malawak na ngiti na abot tenga.Hinatak ko sya palayo sa gate namin, para makapag-usap kami. Mahirap na. Baka akalain ng guards eh bakla talaga ako at isumbong pa ako sa papa ko.

"Ano ba sasabihin mo?" Bigla syang yumuko.Tapos namula siya.

"C-carla, m-may gusto ako sayo!" ANO DAW? Bingi na ata ako.

"Ano?Pakiulit, nagkamali ata nang dinig ang tenga ko."Oo yun yon. Maglilinis na ako mamaya ng tenga ko, kung anu ano naririnig eh!

"Sabi ko may gusto ako sayo!"Okay that's it!Tama ako nang narinig!Tomboy ba to? Okay lang sana kung alam nyang lalaki talaga ako kasi diba ang alam nya bakla ako? Baliw na ata to eh.

"Pero Gell, bakla ako."

"Alam ko na ang totoo Carlo! Araw-araw kitang sinusundan pauwi hanggang sa malaman ko na lalaki ka pala!"

"Pero may iba na akong mahal."May iba nga akong mahal kaso mukhang wala naman akong chance. Bukod sa hindi naman nya na mahal ko sya eh bakla pa ang tingin niya sakin.

"Sino?"  Sabi nya na parang pinipigilan nyang umiyak.Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba talaga. Eh alam narin naman na niya ung sikreto ko eh. Kaya ayun sinabi ko nalang na si Cass nga. Nagulat naman si Gell nun dahil nga bestfriend namin si Cass pareho. Araw araw kaming magkasama kaya nung mga unang linggo medyo awkward pero nasolusyunan naman na namin at natanggap niya na yung totoo.

END OF FLASHBACK

Move on na sakin si Gell ngayon at pumayag syang isikreto yung tungkol sakin. Okay, sa haba ng kwento ko. Nandito na ako ngayon sa office ko. May sasabihin lang pala yung papa ko, bakit di nalang ako tinawagan. 

"Carlo, blah blah blah blah blah blah blah." Kung ano ano sinasabi. Di ko naman naiintindihan kaya agree lang ako ng agree. Hanggang sa matapos na. Babalik na ako sa ospital.Kinuha ko naman yung phone ko.

Yan! May tumatawag nanaman! "Hello?" 

"Carlo! Si Cassandra gising na, but she's acting weird."  Si Gell yung tumawag.

"Ha? Sige pupunta na ako dyan."Anong kababalaghan nanaman kaya ang nangyayari?Jusko mga High school palang kami bakit ganto na? Baka naman naadvance ni Lord yung mga pangyayari samin? Joke lang.

**** HOSPITAL

Room 401,402...403!

"Cassandra!"  Tumingin sya sakin ng dahan dahan with a flat look.Halatang nanghihina siya.

"W-who are you?"Sabi niya nang may pagtataka sa mukha niya. Nagulantang naman ako sa narinig ko. Hindi niya ako kilala? Anong..Anong nangyayari?

Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon