Chapter 13

71 2 0
                                    

CASSANDRA POV

Nakatapos na rin sa wakas sa pagluluto si Carlo.Sa Maniwala kayo at sa hindi, lahat ng daliri nya may hiwa o sugat na.

Nakakatuwa lang kasi syang asarin eh.

Natapos na yung karumaldumal na lutuan at kainan kaya ngayon, pareho na kaming walang magawa.Oh well, atleast ngayon hindi ako mag isa na nabobored.

"Oh ano na?" Nagkasabay pa kami nang sabi.

"Mmmm.." Ano kayang pwedeng gawin? Kumain, kumain o kumain? Ah alam ko na! Kumain!

CARLO POV

Tinitigan ko si cass wierdly.Halatang halata sa mukha nya kung anong iniisip nya.Parang nakasulat mismo sa mukha nya.

PAGKAIN

KAKAKAIN LANG NAMIN FOR CHRIST' SAKE! San ba nilalagay ng babaeng to yung mga kinakain nya? Buti hindi sya tumataba.

Kaya bago pa siya makapagsalita

Mabilis akong nag-isip ng suggestion at inunahan ko siya.

"Nood tayo?"

"Meron ba tayong papanoorin? Wala.naman akong mga CD eh."

"Teka." Pumasok ako sa kwarto niya tapos may kinuha akong hardrive sa may drawer niya. Nagpadownload kasi siya sakin ng mga movies nun tapos pinasave niya sakin.

"Oy anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Hinila niya ako palabas ng kwarto habang nakapingot pa sakin. Paglabas namin napansin niya yung hardrive ko. "Ano yan?" Tas ayun inexplain ko na sa kanya tapos sinet-up na namin yung TV. Bale ganto yung itsura namin, may table sa gitna ng Tv at sofa niya. Flat screen yung TV na parang mini cinema na.Kumuha naman si Cass ng mga chips and drinks.

"So alin sa mga to yung papanoorin natin?" Sabi ni Cass. Ang dami kasing movies na nakadownload dun. Iba ibang genre din.May comedy,romance,sci fi, mystery,horror,action, at kung ano pang maisip nyong genre.

"Ikaw pumili. Ano ba gusto mong genre?" 

"Comedy nalang."

"O sige manood tayo ng horror."

"Eh bat mo mo pa ko pinapili kung may naisip ka na pala?!"

"Wala hindi ko lang trip mag comedy ngayon eh."

"Odi mystery nalang, Mala Sherlock Holmes."

"Sci Fi nalang para educational."

"Basag ka pala eh!" 

"O sige ppara walang away Romance nalang!"At ayun pumayag naman siya. Hahaha!Inaasar ko lang naman siya eh.Pinili namin yung "Safe haven" ni Nicholas Sparks. 

"Huy Huy , maganda ba to?"Tanong nya sakin ng pabulong.Tinignan ko sya pero nakatitig lang sya sa screen habang kumakain ng popcorn.Ang laki pa ng mata nya.

"Mas maganda ka---Este O-oo maganda."Sagot ko naman.

"Ha?Anong sabi mo?"Tanong nya sakin.

"WALA! SABI KO MAGANDA YUNG MOVIE!"SIgaw ko sa kanya para marinig nya na.

"Ah."Nakangiti nyang sabi."Maganda pala ako ah."She smirked.

Halos mabulun-bulunan ako sa sinabi nya.NARINIG NYA YON?!?!

Hindi ko na lang pinansin kasi nagsisimula na yung movie pero shet ito na ata yung pinakamagandang araw sa buong buhay ko.Pwedeng pwede na ako mamatay ngayon--ay JOKE.Baka may mangyari pang mas maganda mamaya.

The movie was good.It lasted for an hour or so, Hindi ko na matandaan masyadong maraming nangyari.

At one point, Naghahamapasan kami.Well actually,Sya lang ang nang hahampas.Naiintindihan ko naman sya kasi sobrang nakakailig talaga.Alam ko, lalaki ako pero hindi ibig sabihin non wala na akong karapatang kiligin, Okay? Nandun kasi sa part na, bumibili na yung bidang babae tapos pinagbentahan sya nung anak nung bidang lalaki tapos nakatitig lang sa kanya yung bidang lalaki.

Hindi ko alam yung nararamdaman ni Cass kasi babae sya pero alam na alam ko yung nararamadaman ko non.MASAKIT,KASI HINAHAMPAS NYA KO NG HINAHAMPAS.PALAKAS NG PALAKAS PA.Deputa.

Tapos yung part na binisita nung lalaki yung babae sa trabaho nya...Grabe.Hindi ko lang talaga kasi mapigilan yung sarili ko,Lalaki din ako at kinikilig din.

CASSANDRA POV

Hayop na lalaking to.Kung hindi ko lang alam, baka napagkamalan ko pang bakla to.Alam nyo ba kung anong ginawa sa akin?! MUNTIK NA AKONG PATAYIN!! 

Tinakpan nya yung mukha ko ng unan tapos diniin diin.Sa sobrang diin natumba ako,Aba hindi pa nakontento ang loko.Diniin pa lalo. Akala ko nga nagusap sila ni kamatayan para patayin ako eh.

Mas malala pa palang kiligin to.Now,I know kung bakit hindi safe manood ng sappy,cliche, Romantic,comedy and isang lalaki at isang babae.Dahil malamang lamang pagkatapos ng movie, yung lalaki na lang ang buhay.Bwisit -_-.

 "Oh ano nang susunod na panonoorin natin?"Tanong ko.

"Ewan. Ano ba maganda? Teka tawagan ko yung kuya ko, magtatanong ako."

"Sige tanong nalang din ako kay Trixie."

Kinuha ko yung cellphone ko tapos dinial ko yung number ni Trixie.Mahilig kasi manood ng movie to. Libanagan niya yan eh. Kaya tuloy kung anu-ano pumapasok sa utak ng babaeng to. Lakas mag imagine! O diba? Kahit nakalimutan ko sila alam ko parin. Kasi ting binibista nita ako, lagi siyang may mga dala na kung anu anong CD tas kung anu ano dinadaldal niya. "Hi Cass!Bakit?"

"Magtatanong lang sana ako kung anong magandang panoorin. Wala kaming mapanood eh."

"KAMI? SINO KASAMA MO?" 

"Si Carlo. Why?"

"OMG! ALAM KO NA! American Pie!Maganda yun promise!Comedy siya!" Sabi niya habang tumatawa tawa pa. Mukhang comedy nga.Nagthank you naman ako tapos binaba ko na.

"Uy Carlo, American Pie daw maganda eh."

"Oo nga. Yun din sabi sakin nung kuya ko eh.Baka maganda talaga.Tara download nalang natin."

Habang hinihintay namin matapos yung download nanood muna kami ng TV. Nakakatuwa nga kasi natulog si Carlo eh. Ang pogi talaga nang lalaking to!Kaya ayun pinicturan ko nalang siya.Nagprepare naman ulit ako ng snacks. This time popcorn and juice naman. Paggising niya sinet up niya na. Pero dahil wala kaming mahanap na American Pie 1 sa internet. American Pie: Band Camp yung nadownload namin kasi yun lang yung available.

Kaso nung napanood na namin. LOKO TALAGA SILA TRIXIE! Ano ba naman to? Bakit ganto? Kakasimula pa lang, lumuwa na yung mata ko sa mga nakikita ko! I can't believe this!Buong movie tuloy puro kung saan saan lang kami tumitingin. Walang nagpapatay kasi, nahihiya kami parehas magsalita o gumalaw man lang. Nahihirapan na nga ako huminga. I admit naman na nakakatawa talaga siya saka nakakakilig kaso SPG! Nakahinga naman kami ng maluwag nung natapos na yung movie.Kaso ang tahimik namin. At hindi ko na matake kaya ako na ang nambasag.

"Anong oras ka uuwi? Ang dilim na sa labas oh!"

"Bakit? Gusto mo na ba ako umuwi?" Tapos kunyari nagtatampo pa siya. Nako Carlo! Wag mo kong dinadaan sa ganyan mo! Crush pa naman kita! Pogi kaya niya!Oo, alam ko may boyfriend na ako. Hindi ako two-timer. Crush lang naman. You know, humahanga lang.

"Hindi no! Ang drama nito!" Binatukan ko siya.

"Aray ko naman!Joke lang naman eh! Eto na nga oh. Uuwi na po ma'am!" With matching saludo pa yun. Ang dami niyang alam no?Sinamahan ko naman siya palabas ng condo ko. 

"Sige babye na! Ingat ka!" Tapos nag winave ko yung hand ko.

"Babye. Ingat ka rin." Tapos..tapos..

Kiniss niya ako sa forehead ko. Normal lang naman sa friends yun diba? Diba? Eh yung nararamdaman ko normal ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon