Chapter 10

43 5 0
                                    

CASSANDRA POV

Ughh. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. Dahan dahan ako bumangon. Nasan ba ako? Sumandal ako sa may headboard nang kama. Tiningnan ko yung paligid ko. Nasa isang kwarto ako. Nanghihina yung katawan ko. Pagtingin ko may mga bandage yung katawan ko.Pati yung ulo ko meron.Biglang may pumasok.

"CASSANDRA!"Tumingin ako sa sumigaw.Isang babae na morena na hanggang balikat ang buhok ang pumasok.Sino sya?

"Cassandra, Ok ka lang? Magsalita ka nga!"  Sabi nya habang niyuyugyog ako. Nahihirapan nga ako magsalita eh.

"S-sino ka?" Natigilan sya sandali, pagtapos ay lumabas sya. Tingnan mo nga naman. Pagtapos ako pilitin magsalita, iiwan ako? Maya maya, bumalik sya. Pero may mga kasama sya. 

Apat sila. May matandang lalaki, matandang babae.Mag-asawa ata sila at mukhang mayaman. Meron namang isa pang lalaki,matangkad,maputi,at gwapo yung lalaki.Kasabay nya ung babae kaninang nakalunok ata ng megaphone. Magsyota ba sila?

"Cassandra!" Eto nanaman, magsasalita na nga ako! T-teka, Ang sakit ng ulo ko. Napahawak ulit ako.

"W-who are you?" Namutla silang lahat. May mali ba akong nasabi? 

"H-hindi mo kami kilala?" Sabi nung babaeng megaphone.Wow. Alam niya naman pala kung paano niya hinaan yung boses niya eh!Iniisip ko kung kilala ko sila pero hindi talaga.

"Hindi." Sabi ko. Tapos ay niyugyog nya nanaman ako.

CARLO POV

"H-hindi mo kami kilala?" Sabi ni Gell.

"Hindi." Sabi ni Cass. Tapos niyugyog sya ni Gell. Ayan Gell! Yugyugin mo pa. Baka sakaling mayuyog yung utak nya at bumalik yung memories nya!

Lumapit sa kanya sila Tito Leo. "H-hey!"

"She lost her memory.She can't remember any of our names." Sabi naman ni Tita Saf habang yumuyuko.

"Hindi pwede yon!I'm your father, Leo Forteza!And she's your mother!!" Sigaw ni Tito Leo habang tinuturo niya yung sarili niya pati kay tita Saf. Kasalanan ko to eh. Promise Cassandra, babawi ako! Eto sinusumpa ko. Pag hindi kita niligawan, papatol ako sa kapwa ko lalaki!

"I don't understand.Wala akong matandaan." Lalo kaming namutla sa sinabi nya.Cass...

"Excuse me Sir, gusto raw po kayong kausapin ni Doc."  Sabi nung nurse na pumasok, bago sya lumabas eh kinindatan pa ako. Tusukin ko mata mo eh.Dapat talaga masanay na habulin ako lagi nang mga babae.

----------------------------------------------------------------------------

CARLO POV

DOCTOR'S ROOM

"A memory reverse?" Sabay sabay naming sabi.

"Yes.It suddenly occurs during a traumatic experience and causes short-term memory loss." Paliwanag ng doktor.Pag talaga seryosong usapan nang mga mayayaman. Mapapa nose bleed ka talag sa english.

"Will my daughter regain her memory?"

"It's difficult to tell at this point.However she still has the abilities to function normally. And she still has to be hospitalized."

It's understandable that she went into shock from the accident. But losing her memory seems to much.Pati tuloy ako napapaenglish! May ibang nangyari. Pero ano? Hindi kaya pakana to lahat? Pakana ni Chelsea? Pero bakit nya naman gagawin yun? Kailangan kong malaman ang nangyari at kung si Chelsea nga ba ang may pakana.

Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon