CASSANDRA POV
Isa't kalahating buwan na simula nung nagpakilala sila sakin.Hindi naman masyadong protective parents ko no?Samantalang sabi ng doktor, after two weeks, pwede na akong lumabas. Dyusko naman! Bagot na bagot na ako dito.Wala na! Wala na akong bakasyon! Malapit na magpasukan!
"Ahm Carlo, pwede bang patingin ng mga albums ko?"
"Oh.." Inabot nya sakin. Dinala kasi nila yung mga albums ko, baka daw may maalala ako.Habang tumitingin ako, meron akong napansin. Parang familiar sya eh.
"Etong lalaking to.." Sabay turo ko. Tumingin sila at nagulat sila. Bakit? Anong meron? Sino ba to? Parang familiar talaga eh. Nakaakbay yung lalaki sakin sa picture tapos ako nakapeace sign. Halatang masaya kaming dalawa sa picture na to.
"Anong name nya? Kaano-ano ko sya?" Nagtinginan ulit sila at tumango.Lumapit naman sakin si Carlo.
"Si Lucas, wag mo syang lalapitan Cass." Bakit? Mamamatay tao ba to? Mukha namang hindi kasi nakaakbay pa siya sakin diba? Tapos parang close kami.
"Bakit naman? Mukha naman syang safe ah?" Nagtataka kong sabi sa kanila.
"Kaibigan mo sya dati Cass." Kaibigan dati?Medyo nadismaya ako ah.Ang gwapo nya. Ay ay! Ano ba nanaman tong iniisip ko?! Sabay pukpok ko sa ulo.Nahilo naman ako sa pagkapukpok ko.
"Uy Trixie, nababaliw na ata tong bestfriend natin eh."Babatukan ko sana, kaso bad yun.Bigla namang may pumasok na lalaki. T-t-teka! Siya yung nasa album na to! Lucas? Ughh! Ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako.Biglang may nagflash na mga memories sa utak ko.
"I love you Cassandra!"
"Mahal mo ba ako?"
"Cass may aaminin ako."
"Hello!I'm Lucas Fabio!"
"M-may amnesia daw si Cass?" Nagulat naman sila sa pagdating ni Lucas daw.
"Lucas Fabio!" Napatingin sila sakin at lalong nagulat. Bakit? Takte!Di ako kriminal! Ay, bad word!
"NAKAKAALALA KA NA?" Sigaw nila. Pero nangingibabaw yung boses ni Megaphone. Megaphone tawag ko kay Gell.Jusko!Pano pa kaya pag gumamit to nang microphone?! Masisisi nyo ba ako?
"Cass!Naaalala mo ako?"
"Ay sows. Si Lucas lang naman pala magpapaalala sa kanya!Eh kung alam ko lang paggising napaggising mo eh pinush ko na sayo si Lucas!" Sabi ni megaphone sabay hampas sa ere.
"Siya lang naaalala ko eh.Hi Boyfriend!Miss mo ko?" Kaya pala di ko na daw siya kaibigan!Siya ang boyfriend ko!
"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAT?" Sigaw nila.Nagtaka naman ako sa reaksyon nila. Lahat sila nagulat, si Carlo parang nagalit tapos si Lucas namumula.Nako!Nagkamali ba ako?Nakakahiya naman!Assuming!
"B-bakit? Mali ba ako?" Kinakabahan kong tanong.
"Ano ka nakajackpot? Syempre---" Biglang tinakpan ni Carlo yung bibig ni Trixie.Tapos may binulong sya.
"S-syempre oo. Ahaha!Hehe." Sabi nya ulit. Nagtitinginan lang sila. Si Lucas parang istatwa. Ano ba tong boyfriend ko! Robot ba to? Hindi manlang akong yakapin. Hindi niya ba ako namiss?
"Cass hindi ako--" Tinakpan nanaman ni Carlo bibig nya.Napakagalang talaga nya ano po? Pagktapos ay hinila nilang apat si Lucas palabas. Susunod sana ako pero pinigilan nila ako. May surprise daw sila sakin na gagawin. Surpise daw eh bat sinabi pa? Ano ba sasabihin ni Lucas? Anong hindi? Hindi sya lalaki? Erase!Erase! Sa pagkakaalala ko sya ang boyfriend ko!
CARLO POV
Nagulat kaming lahat nung naalala ni Cass si Lucas. Ay sila lang pala. Ako kasi nagulat na nasaktan pa. Bakit si Lucas una nyang naalala?Iuntog ko na kaya yung ulo ni Cass? Para maaalala nya ulit lahat?Kaso baka matuluyan siya. Kaya hindi, hindi pwede yun. Pero itry kaya natin? You'll never know diba? Hahaha!Joke lang.
"Uy!Ano ba!Bitawan nyo nga ako!Trip nyo?"Sabi ng hayop na to habang kumawala sa hawak namin sa kanya.
"Lucas, magpanggap ka munang boyfriend nya." Nagulat sya sa sinabi ko.
"HAHAHAHAHAHA! Joke ba yan pre? HAHAHAHAHHA!" Nakng!Ang hirap na nga nito para sakin tapos tatawanan lang ako neto? Eh kung sapakin ko na lang kaya to? Pero magtimpi kay Carlo.Napabuntung hininga ako.
"Hindi ako nakikipaglokohan pare.Seryoso ako.Dun siya masaya. Hayaan na natin sya hanggang sa maalala nya na tayo." Tumigil siya sa tawa nya at sumeryoso ang mukha nya.
"Sure." Sure agad? Napakababaero talaga neto kahit kelan eh! Si Chelsea nga lang tumagal dyan eh. HAAA! Ting nakikita ko talaga pagmumukha neto, umiinit ulo ko! WOW! At pumasok na agad ang gago. Subukan nya lang halikan si Cass! Papahalik ko sya sa aso namin!
"Uy Lucas! Bat kayo lumabas?" Sabi ni Cass pagpasok namin, nagpout pa! Pacute tong babaeng to ha!
"Grabe ka naman. Miss mo ako agad babe?" Aba! May Babe pa talaga! Kundi lang para kay Cass eh!Pigilan niyo ko!Pigilan niyo ko! Baka hindi ko matantsa to!
"Uy Carlo!San ka pupunta?" Tanong ni Gell sakin. Buti pa sila Gell napansin ako!Eh yung dalawa busy sa landian!Para rin akong tanga eh. Pinagpanggap ko si Lucas tas magseselos ako?
"Labas muna ako, baka makapatay ako dito."Sabi ko sabay labas.Sumunod naman silang lahat sakin.Kaso naisip ko na baka reypin ni Lucas si Cassandra kaya hindi ako pumayag at pinabalik silang lahat sa loob pero ayaw nila.
"Hahahaha! Di yan. Tara!"Sabi nila. Lima kaming lahat. Magbabarkada kami. Alam na nilang lahat ang totoo. Na ayun nga, lalaki ako. Actually, lahat naman na sa school except si Cass.
''Baka nga sya pa mangrape kay lucas eh.hahaha!!"Sabi ni Gell. Sunggaban ko tong hayop na to eh. Alam na nga niya yung nararamdaman ko yung kay Cass tapos gaganyan pa siya!
------------------------------------------------------------------------
LUCAS POV
Magpanggap daw na boyfriend ako ni cassandra?Win win.Pumunta lang ako dito para mangamusta tapos magiging girlfriend ko na sya.Pero di ko ineexpect yun ah.Akala ko ba mahal niya si Cassandra?Ano nangyari?
"Oh."May inabot sya sakin.Pagtingin ko albums pala.
"Ano gagawin ko dito?"Kinuha ko naman yung album sa kanya.
"Ewan ko.Ikaw bahala." She shrugged.
Binuksan ko yung photo album.Ang daming pictures.May picture ng family nya, merong friends nya, meron nga samin eh pero alam mo kung ano masakit?Mas marami yung picture nila ni Carlo.Sinara ko yung photo album.
"Alam mo, gusto ko na makaalala.Araw araw may pumupunta dito.Tinatanong kung kamusta na ako.Isasagot ko ok lang pero sa totoo lang naiirita ako.Ngingiti ako sa kanila, makikipag usap pero hindi ko naman sila kilala." Sabi niya habang nakatingin sa may bintana tapos bigla siyang tumingin sakin.
"Pero alam mo kung ano yung mas malakas na inspiration ko?"She asked then smiled.
"Yun yung mga taong laging nandito.Yung araw araw na pumupunta at nagaantay na makaalala ako.Andyan yung babaeng Megaphone, Yung si Carlo, Yung si Trixie,tapos yung iba pa naming kaibigan,yung mga magulang ko."She smiled.
Nasasaktan ako.Lalo na pag nakikita ko yung ngiti nya na ganyan.Kasi alam ko na hindi naman ako yung dahilan ng ngiti nya.If anything, ako pa yung dahilan kung bakit hindi na sya makangiti ng ganyan.Kaya siguro mas mabuti na na nakalimot sya.Para nagagawa nya ulit sumaya.
"You'll get you memories soon.I promise."Sagot ko sabay kiss sa noo niya.Pero sana, pag nakuha mo na ulit yon, hindi na mawawala yung ngiti sa mga labi mo.
CASSANDRA POV
"I know."Sagot ko."Teka nasan na ba yung iba?Ang tagal naman nila!"I laughed.Ang drama na kasi eh.I know nakalimot ako pero may feeling akong dati pa man ayaw ko na sa drama.
"Probably giving us time."Nakangiting sagot ni Lucas."Kumain ka na ba?"
Umiling ako."Alam mo, sa totoo lang kanina pa ko nagugutom eh."
Tumawa sya tapos kinuha yung pagkain sa may lamesa."Say ahh."
Awwww...Ang sweet naman pala nitong boyfriend ko eh. Galing galing ko pumili!"AHHH...."
BINABASA MO ANG
Wicked Cinderella
Romance"My attitude is that if you push me towards something that you think is a weakness, then I will turn that perceived weakness into strength." That's my motto. Oh yes! I will let you all taste my sweet revenge!