Chapter 27

1.1K 29 4
                                    


Andy's Pov

Natapos na kami sa ilan pang mga rides at nagpahinga muna kami sa isang bench..Hindi ko inaasahan ang mga reactions ni Kurt kanina bwahahaha sobrang nakakatawa..Para siyang bakla haha akalain mo yung crush mo kung matakot ay daig pa yung mga babae..hayst..pero di naman ako naturn off no..mas lalo nga akong naturn-on kasi sa dami ng babae ay ako pa ang inaya niyang sumama sa kanya dito

At dahil sa first time ko rin naman ay di na ako nagreklamo ng kung ano-ano kasi baka sabihin niya pa na ko na nga yung dinala niya dito ay magrereklamo pa ba ako..Ang saya ng araw na to..Ang saya saya sana bukas ay may puntahan pa kami kasi baka last na namin bukas kasi kinabukasan nun ay mga pasok nanaman kami

Medyo naiistress na rin ako sa school dahil sa mga paper works at idagdag mo pa si Troy..Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin siya,kahit hindi naman dapat..Di ko kasi maiwasang isipin na wala na talaga akong bestfriend na nagngangalang Troy at wala na yung mga sweet moments naming dalawa as bestfriends..Namimiss ko ang lahat ng yun lalo na yung mga kalokohan namin sa isa't-isa..Yung may kukunin sa bag na gamit at tiyaka itatago..tapos pagnagyaya magice cream ay ilalabas na..Para kaming tanga nun..Hayst sana mabalik ang lahat ng yun..Pero sa tingin ko ay malabo na

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon..Kumusta na kaya sila nung girlfriend niyang coloring book..Hindi naman ako bitter sadyang ayoko lang si Reign para kay Troy..pero nandiyan na eh wala na tayong magagawa..Hanggang ngayon ay staying strong pa rin sila.Ang swerte ni haliparot kay Troy kasi mahal na mahal siya nito..Oo mahal din niya ako pero as a bestfriend lang

Lahat naman siguro tayo ay ayaw masaktan pero ako kahit na sa walang kwentang dahilan ay nasasaktan pa rin ako..kahit na wala akong karapatan..Ang tanga ko rin kasi eh no alam ko naman na wala akong pagasa pero ipinagpipilitan ko pa rin ako sarili ko sa isang taong di naman ako gusto..Buti na lang at may Kurt na nandito sa tabi ko na kahit papano ay napapasaya ako..I know anything happens for a reason but in my case alam ko na may reason behind this pero he didnt bother to explain or say it to me..pinagmumukha niya lang akong tanga..Aminado akong tanga ako pagdating sa mga sitwasyon na to pero sobrang naman kung mas pagmumukhain niya pa akong tanga..Double kill na ako nun

"Andy is there a problem?"

"Ah-huh?N-no..Nothing"

"Oh?okay"kunot noong sabi niya

Ngumiti na lang ako sakanya ng pilit para naman hindi siya makahalata sa kung ano man ang pinagiisip ko ngayon

"Gusto mo ng cotton candy" tanong ko na nakapagpangiti naman sa kanya

"Sure"nakangiti pa rin sabi niya

"Diyan ka lang ah,wag kang umalis"

'Gaya ng pag-alis at pangiiwan niya sakin ng walang paalam'

Dumiretso na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa stall ng nagtitinda ng cotton candy

Namiss ko ring kumain nito..sa pagkakatanda ko ay bata pa ako nung huling bumili ako neto..Siguro dahil na rin sa sobrang pagkabusy kaya di na ako nakakaisip na bumili nito..isa rin to sa mga favorite kong pagkain

"Kuya pabili ho..dalawa yung may gatas po"sabi ko sa matandang lalaki na nagtitinda ng cotton candy

"Sandali lang ineng"

sinuklian ko nalang siya ng ngiti para pagsangayon sa sinabi niya

Naghintay ako ng kaunting minuto..at binigay na sakin ang binili ko ibinigay ko naman ang bayad at sinauli sakin ang sukli

Napagdesisyunan ko ring bumili ng drinks para saming dalawa

Naglakad na ako pabalik kay Kurt at nung siguro naramdaman niya na papalapit ako ay tumigil siya sa pagpipindot at ngumiti ng napakalapad sakin

I Fell Inlove with my Bestfriend Where stories live. Discover now