Chapter 48

802 16 4
                                    


Andy's Pov

I don't know why am i so happy right now.

Is it because of that "i love you?" aaaaaaaaaargh, bat ganto ako kiligin. fck

Nandito kami ngayon ni Troy sa sala at nanonood ng TV. Nakasandal ako sa balikat niya at ang isang braso niya naman ay nakaakbay sakin.

Wala sina mom at dad because of work at sina tito't tita naman ay maaga daw umalis sa di ko malamang kadahilanan. Si Kurt? i bet nandun nanaman yun sa "my girl" na sinasabi niya.

Tangina kelan niya kaya ipapakilala samin yung girlfriend niya. Girlfriend na nga ba?

"Uhm, Troy. Kelan kaya satin ipapakilala ni Kurt yung girlfriend niya?"

Nangunot ang noo nito. What's wrong, i am just asking.

"Why are you that interested?"

tsk, eto nanaman siya.

"Wala, girlfriend yun ng bestfriend ko eh. Kailangan kong makilala." paliwanag ko. wait what? ba't ako nageexplain sa gagong to.

"What again Andy?" humiwalay na siya sakin at halatang halata na galit ito

"Kailangan ko pa bang ulitin? Troy di naman sa lahat ng oras dapat kang magselos. Kapatid mo yun at nagkataong bestfriend ko din."

"Im not jealous." malamig na sabi niya at humarap sa TV.

Fck. Ang sweet sweet lang namin kanina tapos eto nanaman kami ngayon? nagaaway dahil sa bwiset na selos na yan.

"Wag ka ng magkaila Troy. Kitang kita ko sayo na nagseselos ka. For pete's sake, bestfriend ko lang ang kapatid mo at nagtatanong lang ako kung kelan niya ipapakilala satin yung girlfriend niya tapos ayan ka nanaman. Bwiset!" di ko na napigilan ang pagsigaw ko sakanya, hmmp! bahala siya.

"Oh alam mo naman pala na nagseselos ako tapos magtatanong ka pa? tinawag pa namang valedictorian, bobo naman."

"Tangina Troy, ikaw ang bobo! Nagtanong ako ng maayos tapos sasabihin mong "why are you that interested?." ginaya ko pa yung pagkakasabi niya ay nilagyan ko pa ng hand gestures na qoutation mark, o diba best actress.

"Eh kasi ako ang boyfriend mo, natural na magseselos ako kung magtatanong ka tungkol sa isang lalaki."

"Ikaw na rin ang nagsabi na boyfriend kita so ibig sabihin non ikaw ang mahal ko kahit hindi pa naman tayo! Tanginang boyfriend boyfriend yan, di pa nga tapos manligaw!" napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa kabobohan ng boyfriend ko.

Yieee, boyfriend? kinacareer.

"Eh dun naman din aabot yun diba."

"Eh pano kung hindi."

"Edi dun ka na sa Kurt mo!" napanganga nalang ako sa inasal nitong si Troy. Pta para siyang bata!

Bigla siyang tumayo at padabog na tumaas sa hagdan, wow sariling bahay ah? Narinig ko rin na padabog niyang sinara ang pinto ko.

"HOY KUNG MAKASARA KA PARANG SAYO YANG PINTONG YAN AH!!" sigaw ko, tangina niya para siyang babaeng may mens.

Padabog ko ring inayos ang pagkakaupo ko mula sa sofa at pinagkrus ang mga braso ko. Bahala siya sa buhay niya. Bakla!

"Kayong mga bata talaga, hay nako!" napatingin ako sa papadating na si manang na may dalang tray ng pagkain.

"Manang naman kasi e, si Troy parang bata!"

"Hayaan mo na, ganyan lang talaga sila. Buti ka pa nga nakakaganyan pa sayo si Troy eh yung asawa ko hindi na, hinding hindi na."

Napayuko ako sa sinabi ni Manang. Hindi ko alam ang buong istorya pero sa pagkakaalam ko matagal ng patay ang asawa niya.

I Fell Inlove with my Bestfriend Where stories live. Discover now