Andy' Pov
A week after
....
Palagi nalang akong kinukulit ni Kurt
Sinabi ko na sa sarili ko na magmomove on na ako pero di ko magawa kasi palagi ko siyang nakikita at nakakasama
Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya
Pero sana naman sa pagkakataong ito ay saluhin na niya ako
Kasi kung hindi baka tuluyan na akong masaktan at mapagiwanan
Si Troy naman ay busy sa pangliligaw kay Reign
Akala ko ba magpapatulong siya sakin eh ni isang beses hindi ko na siya nakakasama
Nakakasama ko rin naman pero hayst minuto lang
Kasi naman palaging susulpot si Reign at aayain si Troy kung saan
Kaya ayun medyo wala na kaming alam sa isa't-isa
Dati kasi kung ano ang nangyayari sa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ay ikinikwento namin sa isa't-isa pero ngayon malabo ng mangyari
Yan ang ikinakatakot ko ang tuluyan ng malayo sakin ang bestfriend ko
Pero sana wag naman...
Wednesday ngayon at naglelesson ang prof namin
Ewan wala akong ganang makinig mag-aaral nalang ako sa bahay
*buntong hininga*
Naalala ko nanaman si Troy kasi halos lagi kami ang nagkakasabay sa pagreview ng mga lessons namin minsan naman nagtuturuan kami kung ang isa ay di alam ang sagot
Nakakamiss din yung mga time na yun
Miss ko na siya!
"Hoy!"mahinang bulong sakin ni Kurt
Magkaklase kami ngayon sa subject na to at obviously magkatabi pa kami
Masaya nga ako eh
Palagi na niya akong pinapansin at palagi na kaming magkasama minsan nga siya na ang sumusundo sakin eh
Sweet no!di tulad ng bestfriend ko
Wag kayong mag-alala ganun pa rin ang pananamit ko tulad nung dati weeks palang ang lumipas no
Tsaka parang wala lang yun kay Kurt
"Anong iniisip mo diyan?"tanong sakin ni Kurt
"Wala nagdedaydream lang"nakangiti kong sagot sa kanya
"Alam ko ako nanaman ang iniisip mo"pang-aasar niya
"Aba loko ka ah"kunwari naiinis ako pero totoo naman hihi
Minsan may pagkamahambog rin tong si Kurt pareho sila ni Troy sabagay kambal haha
Tanga ko ba?
Nasanay na ako dito kay Kurt hindi ko nga alam kung bakit ako nito pinansin eh dati dinidedma lang ako neto
Pero mas okay na ngayon
Sana dumating yung point na mainlove siya sakin
grabe talaga ang mga imaginations mo Andy itigil mo na yan!
Yan palagi ang sinasabi ko sa sarili ko kasi pag tungkol kay Kurt lahat imaginations kasi imposible naman na magkatotoo diba
Wala yang gusto sakin
iba ang mga type niyan na babae
YOU ARE READING
I Fell Inlove with my Bestfriend
Teen FictionAndy Gomez is not that so called "typical girl". She has traits that only few has. His bestfriend, Troy Lopez is well-known for being a playboy. He used a girl just to forget someone. Will their friendship last if one of them confess it's feelings...