Chapter 50

674 21 11
                                    

Andy's Pov

May tumatapik sa pisnge ko kaya agad akong nagising mula sa pagkakaidlip ko.

"Hey we're here." sinalubong niya ako ng napakatamis na ngiti pero hindi ko pinansin iyon.

Agad agad? Tumingin ako sa labas at nakalanding na nga ang eroplano. Kulang pa tulog ko tsk.

"Huh? Ba't parang ang bilis? kakatulog ko lang."

"Anong katutulog, kanina ka pa tulog. Btw, kumain na ako, bigay nung cabin crew kanina. Di na kita ginising kasi sobrang sarap ng tulog mo, di ka ba nagugutom?" sabi niya sabay kuha ng backpack niya at ipinatong iyon sa kanyang hita. "May sandwich akong dala, ginawa ko.. for you." sabay kindat

Kikiligin na ba ako nun?

May kinutkot siya sa loob ng backpack niya at inilabas ang isang maliit na lunchbox.

"Ikaw gumawa niyan?" dumadamoves nanaman ang tukmol. "Ako? maniwala? sus."

"I made it, for real." binuksan niya ang lunchbox at isinubo sakin ang sandwich. "Here."

Wow.. papakainin moko ganon? Binebaby mo ata ako eh!

"Hey ako na, pababa naman na rin lang tayo." tanggi ko at kinuha ang sandwich mula sa kamay niya. "Ayusin mo na yang mga dala mo."

"Tsk, panira ka talaga eh no. Hello! I'm trying to be sweet here." sabi niya habang nakataas pa ang kilay.

Mas babae pa to sakin eh.

"Hindi eepekto sakin yang sweetness mo, manigas ka diyan." pabiro kong sabi

"Talaga lang ha."

"Tara na baba na tayo.."

Palabas na kami ng airport dala ang luggage namin.

"The car's waiting for us, hurry." si Troy na palinga linga pa, hinahanap ata ang kotseng sinasabi niya.

Excited ka boi? Lola mo ata eh no?

Walang ano ano'y may isang lalaking nakasuit ang lumapit samin at nagtanong. "Are you Ms. Gomez?"

Eto na ata yung pinadala ni Lola.

"Me?" sabi ko at turo ko pa sa sirili ko.

"Ay hindi.. Troy ata pangalan mo?"

"Eh kung batukan kita diyan, syempre dapat may pa suspense muna!" inis ako sa lalaking to, pakialamero.. di nalang sumakay sa trip ko.. "Uhm Sir, how did you know?" takang takong ko.

Like hello! Ang dami kayang tao dito, pano niya ako nakilala?

He showed me a pic of me at hiya siyang ngumiti.

"This picture, I guess?" sabi niya sabay kamot ng ulo.

Ugh ang pangit ko dun!

Inis kong tinignan si Troy dahil pinipigilan niya ang tawa niya. Tawang tawa boi?

"Pangit mo dun ah." Komento niya.

"Mas pangit ka, di kita ipapatalo." Inirapan ko nga. Kainis amp. Panira sa mood.

"Can we go now?" baling ko sa lalaki at agad naman itong tumango. Bahagya rin siyang yumuko at itinuro ang sasakyan.

"This way Ma'am, Sir."

Iginaya niya kami sa itim na kotse at siya na rin ang naglagay ng mga gamit namin sa likod.

Pinagbuksan ako ni Troy ng pinto at agad naman akong pumasok.

Nagumpisa na kaming tahakin ang daan.

Dito ako nakaupo sa may bandang bintana, sa left side. I put my earphones on at ramdam kong nakatingin nanaman sakin si Troy.

I Fell Inlove with my Bestfriend Where stories live. Discover now