Chapter 30

1K 29 4
                                    

Andy's Pov

Medyo gumaan gaan na ang pakiramdam ko nung masabi ko ang nararamdaman ko kanina sa Sonya's Garden

Parang nabunutan ako ng tinik nung oras na yun..masaya ako na nasabi ko na yung nandito sa loob ko

I thank Kurt for being here beside me..i thank him for taking good care of me..he's really a good bestfriend

Sana makamove-on na ako sa nararamdaman kong to..medyo napapagod na akong magisip sa mga bagay-bagay

Ayoko naman na halos araw-araw ay problema ang iniisip ko..tulad dati palagi nalang siya ang iniisip ko eto tuloy puros problema nalang dinadala

Sa mga ganto ako nagiging mahina..ito ang mga kahinaan ko..yung mga taong malapit sakin at yung mga taong mahal ko

Kahit na kita mo sa panlabas ko na parang ang lakas lakas ko..na parang wala akong pakialam sa paligid?nagkakamali kayo..tao rin naman ako nakakaramdam ng takot,lungkot,saya,sakit..wala naman akong super powers para ipagtanggol ang sarili ko at magpretend na okay lang ang lahat..na ayus lang..na parang walang nangyari..at hindi nasasaktan

Tao rin naman ako oi..may damdamin..kung tutuusin nga sabi nila im one of a kind..pero aaminin ko..no im not..hindi ito yung totoong personality ko hindi ako to..nagtatago lang ako sa isang katawang tao na kunwari malakas at walang iniindang sakit

Ayoko na nito..gusto ko ng lumabas dito..gusto ko ng mamuhay ng normal yung may nagmamahal sakin at minamahal ko rin..hindi yung ako lang yung nagmamahal ng magisa

..

Natapos ako sa pag-iisip ng nagsalita si Kurt

"Oh ayan na ang bahay niyo"sabi niya at tinuro pa ang bahat namin

"Pasok ka muna"

"Wag na..medyo pagod na rin kasi ako"

"Ganun ba..sige goodnight nalang"

"Send my greetings nalang to your mom"

"Okay..goodnight"

"Goodnight"

Pumasok na ako dala ang mga gamit ko at narinig ko naman ang harurot ng kotse na senyales ng pag-alis niya

Tuluyan na akong pumasok sa bahay at sinalubong ako ni Manang

"Oh hija buti't nakauwi ka na..nagenjoy ka ba"nanunuksong sabi niya

"Si Manang talaga o kung ano ano nanaman ang tumatakbo sa isip"sabi ko at bahagya pang natawa

"Si mom?"

"Naandun sa sala puntahan mo na't makapagkwentuhan rin kayong magina"

"Wala ba siyang trabaho"

"Mukha bang meron hija haha"

"Hahahaha"natawa nalang ako kay manang

"O siya ako nang magdadala nitong mga gamit mo sa taas"

"A sige po..salamat"sabi ko at iniwan si manang

Pumunta na ako sa sala at naabutan ko nga roon si mom na nagbabasa ng magazine

"Mom"masayang banggit ko

"Oh Andyyyy!"

*HUG*

"Kumusta si Kurt"

"Si mom oh si Kurt agad yung kinamusta pano naman ako"sabi ko ng nakanguso at kunwaring nagtatampo

"Ito naman o masyadong matampuhin..by the way how's your vacation with Kurt"

I Fell Inlove with my Bestfriend Where stories live. Discover now