Andy's PovIlang linggo na rin ang lumipas at wala pa ring pinagbago sa buhay ko
Wala ng troy na gumugulo sa araw ko at feeling ko mas okay na rin yun
Mas malaya ako at mas masaya?
Pero may kulang pa rin e. Di ko masabi kung sino, ano at bakit? Okay naman na ako a pero bat parang may kulang?
Yung tipong di kompleto ang araw ko kasi may hinahanap hanap ako. Yung tipong nandiyan naman si Kurt pero di pa rin sapat.
Naging busy na rin si Kurt sa babaeng dinedate niya. Isa lang yun kaya nakakamangha. Dati rati iba ibang babae ang pinaglalaruan niya pero ngayon, naknamputcha loyal na ang gago.
Di ko pa man nakikilala si girl pero alam kong okay siya, kaya nga siya nagustuhan ng bestfriend ko e. Alam ko kung ano ang gusto niya sa babae kaya nasisigurado kong okay at maganda ang ugali nung babae, kung sino man siya.
Swerte siya sa bestfriend ko kasi super caring niya, malambing, maalalahanin, basta lahat lahat nasakanya. Mapangasar nga lang. Pero okay na rin yun kesa naman araw araw kayong naglalambingan, that's gross.
Kung wala lang akong nararamdaman kay Troy e kay Kurt ako babagsak. Crush ko naman siya dati pero hanggang dun lang yun, bestfriends lang talaga.
Yes, you heard it right. May nararamdaman pa rin ako kay troy hanggang ngayon. Nothing has changed. Kung ano noon, ganun pa rin ngayon.
Kahit minsan nakakasalubong ko siya ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Wala, awkward lang.
Ilang araw na mula nung huli ko siyang makita kasi busy na kami sa pagpasa ng mga requirements. Patapos na rin kasi ang klase at next week na ang graduation. Todo rin ang practice namin para dun.
Magegrade 12 na kamiiii.
Im not that excited pero panibagong memories nanaman ang mabubuo.
Huling laro nalang namin sa volleyball at mamimiss ko talaga yun lalo na yung mga gago kong kaibigan. Aaminin ko na ngayon lang talaga kami naging close lahat pero maraming magagandang alaala ang nabuo namin.
Hindi man ito ang pinakamgandang taon para sakin pero atleast maraming memories ang nabuo.
Nandito ako ngayon sa bench sa private tambayan namin ni Troy. Hindi naman ako naglalagi dito, paminsan lang.
Nakahiga lang ako habang ang bag ko ang ginawa kong unan.
Nakalugay lang ako kaya di naman masyadong magugulo ang buhok ko. This past few weeks, ganun pa rin ang itsura ko at hindi nagbago. Naka pencil cut pa rin ako na skirt at nagaayos na rin ako ng mukha.
Kinakareer ko na ang pagiging babae.
Umupo ako kasi gusto kong magsound trip, asan kaya yung aerphones ko?
Hinanap ko sa bag ko pero wala.
Tangina naman o, kung kelan hinahanap wala pero pag nandiyan di naman kailangan.
"Asan ka na earphones!" gigil na sabi ko
Hinanap ko talaga ng mabuti pero wala, maliit lang ang shoulder bag ko kaya madali mo yung makikita pero tangina wala!
"Here." sabi ng isang pamilyar na boses
Hindi ko siya makita kasi nakayuko at nakaharap sa bag ko
Inabot niya sakin ang isang earphones at inangat ko ang tingin ko papunta sa kanya
Ayan nanaman yung bilis ng tibok ng puso ko
CALM. DOWN. HEART.
"T-troy." mahinang sambit ko
YOU ARE READING
I Fell Inlove with my Bestfriend
Novela JuvenilAndy Gomez is not that so called "typical girl". She has traits that only few has. His bestfriend, Troy Lopez is well-known for being a playboy. He used a girl just to forget someone. Will their friendship last if one of them confess it's feelings...