Chapter 41

922 19 0
                                    


Andy's Pov

Nakaramdam ako ng konting init sa bandang kamay ko kaya nagising ako.

Pagmulat ko ay nakita kong nakaakap na pala ako kay Troy, nagulat ako kaya tinanggal ko agad ang kamay ko na nakapatong sa katawan niya

Topless pa naman!

Nagising rin si Troy kaya nararamdaman ko nanaman ang awkwardness sa buong paligid.

"U-hm.. g-ood morning?" nasabi ko nalang

Seryoso lang siyang nakatingin sakin pero bigla siyang ngumiti na biglang nakapagbilis ng tibok ng puso ko

Ano bang iniisip nito? May muta ba ako? Ampangit ko ba? Mukha ba akong bruha?

Hinawakan niya ang noo ko dahilan para mapakunot ito

"What?"

"Baka nahawaan kita. Dapat ginising mo nalang ako para dun ako natulog sa sofa."

"May sakit ka."

"I can manage."

"Wala na, tapos na. Nakatulog na tayo at hindi naman ako nahawaan."

"Good."

"Okay ka na?" sabi ko at ako naman ang humawak sa noo niya

Hindi na to masyadong mainit kaya napanatag na ako.

Buti naman

"Can we stay like this a little longer?" out of nowhere na sabi niya

*shookt

Nabigla ako sa sinabi niya at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko

Im speechless

I can't even uther a word!

What does it mean?

Ano nanaman to? papaasahin nanaman niya ako sa wala? sasaktan nanaman niya ako? kasi kung oo, pta ayoko!

"W-hat.." utal kong putol sa sasabihin ko. Ambilis pa rin ng tibok ng puso ko. "w-hat do you mean by that?" kunot noo kong pagpapatuloy.

"I want us to stay like this. I want this back. I want us back Andy." dirediretso niyang sabi na mas lalong nakapagpatibok ng puso ko. Kung mabilis ang cheetah'ng tumakbo well, mas mabilis ang puso ko!

Umupo na ako dahil sa sobrang pagkalito ko

"W-wait troy, let me remind you. There's no us, were just friends." sabi ko habang nakakunot pa rin ang nuo

Litong lito na ako o!Naknamputcha!

"I know. I mean i want to go back to the old us. Yung bestfriends pa tayo."

oooopps, pahiya tayo dun a

Di naman kasi nililinaw ng gagong to! Umasa nanaman tuloy ako!

Sa tingin niya madali lang yun? na ganun ganun na lang yun? pwes dyan siya nagkakamali. Nandito pa rin yung sakit e and the truth na sila na ulit ni Reign, double kill na ako.

"Troy. For now, i can't. Hindi ko pa kaya, hindi pa ako handa at tiyaka nalilito pa ako."

"Then tell me all your thoughts, i'll listen."

ayan nanaman siya, ambait bait nanaman niya

"No need troy, i'ts non of your business and in fact nandiyan naman si Kurt." pilit kong iniiwasan na mas lalong mahulog kaya ako nalang ang lalayo, para sakin naman to e.

"Tsk." sabi niya at nawala lahat ng emosyon na humahari kanina sa mukha niya. "Uuwi na ako."

Pagkasabi niya nun ay kinuha niya ang damit at pantalon niya. Sinuot niya ulit ang tshirt na suot niya kagabi at binitbit naman niya ang kaniyang pantalon.

I Fell Inlove with my Bestfriend Where stories live. Discover now