Chapter 2

2.2K 65 8
                                    


-SCHOOL-

Andy's Pov

Papasok na ako ng room ng biglang may tumapik sa balikat ko and guess what? si Troy.

Naiinis ako sa kanya, bahala siya.

Andy wag mo siyang papansinin

WAG!

"Sorry na" with matching paawa face

Di moko madadala diyan

"Libre kita ng sundae" with wide smile pa ugh

My gosh sundae!! Pano ko ba yan tatangihan??

Kailangan kong maging cold sakanya.. syempre kunwari may tampo pa ako

"Sige" pinanindigan ko ang pagiging cold ko

"So.. bati na tayo?"

"May sinabi ba ako??" mas cold ko pang sabi at pinagtaasan ko pa siya ng kilay

"Sungit naman!! Edi walang sundae." pangiinis niya

Kaya kong bumili pero sayang din yun. Libre.

Aalis na sana siya pero bago pa siya makalayo hinila ko siya sabay niyakap.

"Oo na bati na nga." i kissed him on his left cheek (no malice) pero para sakin meron ata?

"Tara na?"

Akmang aalis na kami ng biglang may nagsalita.

"Hep! Hep! Where are you going?" sabay kapit sa braso ni Troy.

Ano ka gurl tuko? Panira naman to ng moment.Palagi niya nalang bang pipigilan ang lakad namin?

"For your information magbobonding lang muna kami ni Troy and please kulangot wag ka masyadong maarte?? pwede pakibawasbawasan nakakairita na eh."

"Can you please stop calling me kulangot, ewwww!!" nandidiri niyang sabi

Yan ang bagay sayo.

"Eh kung ayaw ko KU.LA.NGOT!!"

Ang baboy pero sige na nga.

Grabe tawa ko nun, grabe parang nakatikim ng tae si Samantha ang sama ng mukha!!

Si Troy naman pinipigilan ang pagtawa.

Di na nakayanan ni Samantha kaya ayun umalis.

"Oh ano uloy pa ba??" tanong ko

"Tuloy na tuloy.."

FASTFORWARD..

Magdiditch nalang ako ng class tutal may alam naman na ako. Pwera nga lang sa Math, mas lamang lang naman sakin ng isang paligo si Troy.

Seriously, I'm not that good in Math. Troy's the one who's good at it.. since then. Maybe that subject is just a piece of cake for him.

Pumunta ako sa garden. Hinahanap ko earphones ko pero di ko mahanap.

"San na ba yun??" para akong tanga dito nagsasalita magisa

"Nasa puso ko"

"Ayy palaka!!" sino bang palaka ang nanggulat sa pinakamagandang nilalang sa mundo at papatayi..

"Ako mukhang palaka?? sa gwapo kong to??"

May mas yayabang din pala sakin..

"Pwede na rin" yabang kala mo naman kung sino

By the way, he's Kurt. Kurt Lopez, Troy's twin brother. Sobrang layo ng pangalan diba?? hayaan niyo na may mga topak din kasi mga magulang nila, just like my parents. Obvious naman na nagmana ang mga anak!! Sila lang na dalawa ang anak ng mga Lopez kaya ayan alagang alaga.

Hindi kami masyadong close ni Kurt kasi bata palang kami, pumunta na agad siya ng states dahil sa sakit niya sa puso. Almost 10 years siya dun so obviously 7 years old palang siya nang dinala siya sa ibang bansa. Hindi rin siya palalabas ng kwarto noon dahil nga sa sakit niya kaya mas naging close ako kay Troy. Pero si troy wala namang sakit. He's perfectly fine. Sakit niya lang ata na magkagusto sa mga taong walang kwenta haha. Pareho silang abnoy kaya bagay sila..

Pero mas bagay kami-- jk.

I know that we're just friends and I really really respect that at kahit kailan naman di ako nun magugustuhan. I'm not he's type and he's not my type either?? We're like siblings.

Pero hanggang dun lang ba talaga??

Pag nakikita ko yang si Kurt naaalala ko yung isa sa pinakaworst na nangyari sa buhay ko!!

Pinagkamalan niya akong magnanakaw nung natulog ako sa bahay nila!!

-
FLASHBACK-

Iminulat ko ang mga mata ko. Sobrang uhaw na uhaw na ako.

Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang orasan sa side table and it says that it's just 1:30 in the morning.

Dito ako natulog sa kwarto ni Troy dahil ang init init dun sa guest room!!

Ang hot ko na nga tapos mainit pa sa tutulugan ko baka masunog na ako nun.

Tinignan ko si Troy na nasa tabi ko lang. Sus himbing naman ng tulog nito, sakop na sakop buong higaan. Sobrang galaw pa, di na nagbago.

Oo simula pa dati natutulog na kaming magkatabi. Pinapayagan naman kami ng mga magulang namin kasi yun na ang nakasanayan namin at wala namang malisya. At isa pa wala akong balak gahasain ang bestfriend ko.

Bumaba ako para kumuha ng maiinom

Nauuhaw ako!!

Dahan dahan kong binuksan ang ref. Feeling at home naman ako kasi syempre this is my second home!!

Kumuha ako ng tubig pero nakakita ako ng ice cream!! Agad namang kumislap ang mga mata ko kaya nahulog yung bote ng tubig.

Tangina!!

May bigla nalang akong naramdamang palo sa ulo ko at..

Pagkagising ko kinwento sakin ni Troy ang nangyari. Mga 7:30 na ako nagising.

Tawa ng tawa naman tong mokong na to. Pinukpok lang naman ako ni Kurt ng baseball bat niya. Sobrang sakit.

May narinig daw siyang mga yapak kaya siya lumabas ng kwarto niya at nung nahulog daw yung bote ng tubig, agad siyang tumakbo sakin at agad na pinalo ng baseball bat.

"Sorry Andy.. I didn't know that that was you!! Sino ba kasi tanga ang bababa ng ganong oras?? I'm sorry, I'm really really sorry.."

He checked my "bukol" at sobrang nakakahiya yun sa part ko. Kahit na papano eh babae pa rin naman ako.. And I have this weird feeling in my chest.. I don't know I can't explain..





-- Some of the parts are edited.

I Fell Inlove with my Bestfriend Where stories live. Discover now