Hannah's P.O.V
Hayyyyyy hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayong araw na to. Dahil ba ito sa aalis na ako? Well, kinakabahan naman na talaga ako. Eh sino naman kasing hindi kakabahan sa mala-peryahang tao sa Maynila di ba? Natatakot ako in a way na wala akong kakilala sa Maynila at hindi ko alam ang tumatakbo sa kanilang isip. Sino ba naman ako kumpara sa mga taga siyudad, isa lang naman akong hamak na probinsiyana.
"Oyyy baklaaaaaaa, bakit naman inilihim mo sa akin ang pag-alis mo! Hindi mo man lang sinabi sa akin. Walang hiya ka, ano ba ko sa iyo? Di ba bestfriend mo ako? " nanggagalaiting turan ni May na bestfriend ko simula pagkabata.
"Pasensiya ka na bakla, hindi ko nasabi sa iyo agad. Alam ko naman na hindi mo ako hahayaang umalis eh. "Sagot ko.
"Paano pa ako hindi makakatanggi sa pag-alis mo eh ngayon na yon? Alam ko naman na para sa pangarap mo naman yan. Sige basta mag-iingat ka roon ha. Mag-text o kaya tumawag ka. Hahahaha basta bakla kapag sikat ka na doon huwag mo kong iisnobin ha. Mawawalan ka talaga ng buhok diyan sa keps mo. Hahahahah". Natatawang tugon niya.
Hahahaha oo naman bakla mayroon namang telepono. Text at tawag okay na. " Sagot ko naman.
"O sige na bakla mag-ayos ka na at ako'y gogorabells pa sa aking raket". Naiiyak na turan ni May.
Lumipas ang ilang oras, nakaligo at nakahanda na ang gamit ko na dadalhin sa pagluwas ko ng Maynila.
Nanay: Anak dito ka nalang. Huwag ka ng umalis. Mamimiss ka ni nanay.
Ako: Ang drama naman ni nanay. Para rin naman po ito sa kinabukasan ko at para na rin maiahon ang buhay natin. Ang dami kaya nating utang. Hahaha
Nanay: Oh sige anak basta't lagi mong tatandaan na iba ang ugali ng mga taga siyudad sa taga probinsiya. Mag-iingat ka roon at kung may problema ka huwag kang mag-aatubiling tawagan kami ha. Mahal na mahal ka namin.
Ako:Mahal ko rin po kayo nay. Hayaan niyo pong baunin ko ang paalalang iyan. Oh siya nay, mauuna na po ako. Nariyan na po ang tricycle na maghahatid sa aki sa bayan.
Umalis akong may lungkot at pagkagalak. Malungkot na maiiwan ko ang mahal ko sa buhay at pagkagalak na makakapunta na rin ako sa wakas sa kapitolyo ng Pilipinas--Ang Maynila.
"Para sa pamilya ko wala akong hindi kayang suungin. Maging ang butas ng karayom ay aking tatawirin makita ko lang an pangarap na matagal ng nakabinbin". Kausap ko ang replika ng aking mukha sa bintana ng bus.
Ilang oras rin ang iniupo ko sa bus. Kapag kuwan ay nakakita na ako ng matatayog na gusali at buhol buhol na daanan na animoy may karera ng sasakyan sa pagmamadali. Ganito pala sa Maynila. Magulo, polluted at higit sa lahat nagmamadali ang mga tao.
"Welcome to the progressive capital of dark cities Hannah. Maging matatag ka". Sabi ko na lamang sa sarili ko.
Itutuloy........
BINABASA MO ANG
I Love My Probinsiyana Girl
General FictionWarning: Under Major revision! Typographical errors were seen in many parts of the story. Lumuwas, nagtrabaho, nagmahal, nasaktan A story of a girl and a boss whose destined to meet each other. A probinsiyana girl and a city boy boss. Posible nga...