Hannah's POV
nasesense kong may mangyayari ngayon na hindi ko alam kung mabuti ba o masama. Well, I've got this kind of feeling since I was in grade shool. Lahat ng nasesense ko nagkakatotoo.
"Mommy are we gonna meet lola? Your mother? "tanong ng anak ko.
"Yes babyboy. But be kind and be polite to her ha. She's good anyways. " sagot ko sa anak ko.
Ngiti lamang ang isinagot sa aki ng aking anak.
--
Nakaalis na kami sa hotel at akmang papara ng taxi ng biglang may humintong isang masda car . Maya maya iniluwa ng sasakyan si..... Si....... Si...... O my hindi pwede ito......... Bakit sobrang mapagbiro ang tadhana.. Kung sino pa ang ayaw mong makita siya pa ang pagpapakita. Ito siguro ang kutob kong mangyayaring hindi maganda.......
Agad ko namang tinakpan ng aking buhok ang aking mukha para hindi niya ako mapansin at dali daling pumasok sa lobby ng hotel ay nag-iisip ng parsan upang saan makalabas ng hindi makakasalubong ng hayop na ama ng anak ko.
Binuhat ko si KK. "shhhhhh KK, don't speak. " sabi ko lamang.
"Why mommy? And why we go back eh sabi mo aalis na tayo" takang tanong niya.
"Basta obey mommy ha. Wag kang lalayo sa akin. " sabi ko at tumango naman siya..
Hindi ko talaga alam ang gagawin dahil malapit lang siya sa amin.
"Miss where is Jon? " baritonong boses niya na hindi ko makakalimutan.
"Yes sir in his office, this way sir. " malanding sabi ng babae.
Haysssss nakahinga ako ng maluwag. Sobrang liit kang talaga ng mundo para sa amin. Sabi ko sa aking isip.
Dali dali kaming umalis sa hotel na iyon.
Habang lulan ng taxi papuntang terminal ng bus. Hindi ko pa rin makalimutan ang mukha niya. Walang pinagbago. Napakagwap-----oh my gassss hannah. No way. Hindi,...... Hindi....... Hindi.......... Panget siya.
Muling tumibok ng malakas ang puso ko katulad ng kaninang nakita ko siyang lumabas sa kanyang sasakyan.Ayokong mag krus ang landas namin. Never in a million years lalo pa't may koneksiyon pa kami sa isa't-isa, ang blessing na kailan man ay hinding hindi ko pinagsisihan-ang aking Kk.
**
Ito na ang araw na magkikita kami ng aking ina. After 2 years. Hayyyyy napakabilis talaga ng panahon.. Ngayon hindi ko na makilala ang lugar namin. Ang dami ng pinagbago ultimo daan na maputik noon ay sementado na.
"Mommy are we near to lola's house? " mainipin talaga tong anak ko na to.
"Yes, baby" iyan lang ang tanging naisagot ko sa kanya.
Habang papalapit ako ng papalapit sa aming bahay ay siyang lakas ng kabog ng aking dibdib. Yung tipong lulukso na sa loob ng katawan ko.
*tok tok tok*
Makailang katok ko ay pinagbuksan ako ng aking ina. Halata mo sa kanyang mga mata ang pagkasabik at pangungulila.
"Hannah-h? " mautal utal na banggit niya.
"Oho ina'y ako nga ho" naiiyak na talaga ako at mahigpit na niyakap ang aking ina.
Dahil dito nakalimutan ko na kasaman ko pala si khayden.
"Ana---kk si-sino siya? " halatang may paghikbi sa boses ni nanay.
"Nay apo niyo siya. Apo niyo ho nay, si Khayden" tahasang sabi ko ng wala ng pagligoy.
"P-epero paano. Hindi ko maintindihan. Ipaintindi mo naman. " sabi niya lang.
"Mahabang kwento inay. Kulang ang isang araw para matapos ito. Pwede ho ba kaming tumuloy? " sabi ko na lamang.
"Oo naman bahay mo to" ganting sagot niya.
"Hi po lola. " bati ng aking anak na nahihiya pa.
"Apo, apo ko" sabay yakap ni nanay kay khayden.
Alam kong tuwa ang namumutawi kay inay pero hindi ko pa rin maialis ang point na nagtatanong siya kung bakit, kung paano at kung sino.
Sana ganoon lamang kadali ang magpaliwanag. Ang ipaliwanag na nangyari ang lahat sa hindi inaasahang pagkakataon.
Itutuloy.......
BINABASA MO ANG
I Love My Probinsiyana Girl
General FictionWarning: Under Major revision! Typographical errors were seen in many parts of the story. Lumuwas, nagtrabaho, nagmahal, nasaktan A story of a girl and a boss whose destined to meet each other. A probinsiyana girl and a city boy boss. Posible nga...