Hannah's POV
Wala na sana akong balak umuwi sa Pilipinas. Kaya nga lang, ayaw ko namang tumanda ang aking inang walang nakakasama sa buhay. Alam ko na nangungulila na siya sa akin ngunit wala naman akong magawa.
Isa pa sa kinakabahala ng aking kalooban ay ang posibilidad na magkikita kami ng taong ayaw kong makita. Ang ayaw kong makita ng aking anak.
Sa kabilang banda, alam kong naghahanap ang aking anak ng kanyang ama. Nakita ko kasi siya noong natutulog siya nang tawagin niya ang kanyang ama.
Nag-iimpake ako ng aming mga gamit ng dumating sa kwarto ang aking anak.
"Mommy, are we going to somewhere? Where we are going mom? " confuse na sabi ng aking anak.
"KK do you remember what I've told you the other day? Do you want to see your Lola? " balik na sagot ko
"Yes mom. But are we going to leave tito Kevin here? " nag-aalalang tanong ng aking anak.
"Ummmmmh KK we cannot see what's gonna happen but we surely be back here " paliwanag ko nalang sa aking anak at tumango-tango naman siya.
Lahat ng gamit namin ay maayos na. Malapit na kaming umalis. 2 A. M yung boarding ng plane, kaya maganda ng maagang magprepare.
__
"Kev, malapit na kaming umalis. Tapos maiiean ka na naman dito. " malungkot kong tugon kay Kevin.
" Ano ka ba. Okay lang naman ako. Huwag ka ng mag-alala masyado. Isa pa uuwi ka sa Pilipinas na model pa rin. Kaya may purpose pa rin. Malay mo malipat rin ako roon. " pag-aalo niya sa akin.
Hindi talaga ako mapalagay. Lalo pa't may maliit na supling ang pinag-uusapan dito.
---
Ito na ang oras ng aming pag-alis. We surely miss this place, our adapted home. Haysssss bahala na. Sana lamang ay hindi ko pagsisihan ang pagpayag ko sa kontratang maging model, maging model sa bansang naroon ang pinakakinatatakutan kong nilalang.Ilang oras rin ang biyahe at pinagpasyahan kong patulugin muna si KK.
Habang nasa himpapawid, mataimtim akong nagdarrasal na makalapag kami sa Pilipinas ng maayos. Tsaka isa pa sa naghihila sa aking umuwi ay ang aking nanay. Namimiss ko na iyon. Ito na siguro ang panahon para maalagaan ko na siya. Hindi na kasi siya pabata at gusto ko na rin ipakilala ang apo niya.
Sa sobrang pag-iisip hindi ko namalayang nakatulog na ako.
"ma'am we're here in the land of the native filipina" bungad sa akin ng flight attendant. Actually kagigising ko lang.
"Heyy my son, we're already here. " patapik tapik ko sa pisngi niya. Nagising naman ang anak ko at unti unting minulat ang mumunting mata.
"Good morning mommy" sabi ni khayden.
"Anak it's actually evening. Look it's dark outside". Karga ko na siya habang sinasabi iyon.
Hindi na kami nag-abalang tawagan si nanay upang sunduin kami. Gabi na rin kasi at napagpasyahan kong tumuloy muna sa isang pinakamalapit na hotel, hihintayin lang naming sumilay ang liwanag bago kami magpunta sa aking nanay. Hindi na rin kasi kami makakatulog nito eh, sa sobrang haba ba naman ng biniyahe namin at tulog hindi na siguro kami aantukin. Ganito talaga kapag may jetlag.
Heto na Hannah. Nagbabalik ka na sa lupang sinilangan. Ang lugar kung saan ka nagka-isip at lumaki.
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
I Love My Probinsiyana Girl
قصص عامةWarning: Under Major revision! Typographical errors were seen in many parts of the story. Lumuwas, nagtrabaho, nagmahal, nasaktan A story of a girl and a boss whose destined to meet each other. A probinsiyana girl and a city boy boss. Posible nga...