Hannah's POV"Bakit ka umalis". Iyan lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi niya.
Sunod-sunod kasi ang mga tanong niya.
"Ah ehh umalis ako kasi mag-aaral ako. Yun naman kasi ang pakay ko rito sa Maynila. " Hindi makatingin sa kanyang sagot ko.
"Fuck that reason. Kaya naman kitang pag-aralin ah. At eto pa ang malala, nagtrabaho ka pa talaga sa bar ha. Ano? Masaya ka bang pagtinginan ng mga lalaki yang katawan mo ha? Masarap ba? "tiim bagang niyang sabi sa akin.
**Pak**
Sinampal ko siya ng malakas. Ano tingin niya sa akin. Prosti? Kapak niya.
"Isa ka rin pala sa kanila. Alam mo bang hindi ko ginusto iyon. Para sa pag-aaral ko gagawin ko. Hindi ko kailanman inisip na ibilad ang katawan ko sa maiinit na mata ng mga lalaki. Kaya yang makitid mong utak na nagsasabing malandi ako edi isipin mo lang. Haha hindi naman ako mamamatay. "baling na sagot ko sa kanya.
Wala siyang naging imik sa lahat ng sinabi ko. Akmang tumalikod na ako at palabas ng pinto ng sabihin niyang....
"Subukan mong lumabas sa pintong iyan, sinasabi ko sa iyong hindi ka na makakapag-aral at matupad ang pangarap mo para sa pamilya mo" .Seryosong sabi niya.
Kinabahan ako, sa yaman ba naman niya ay kaya niyang gawin ang sinabi niya. Hindi. Hindi pwedeng maisantabi ko lang ang pinangako ko.
Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng matalim.
"Bakit mo ba ko ginaganito? Inaano ba kita? Wala naman akong atraso sayo ah! "nangingilid na ang luha ko.
"Sa akin wala pero dito? (tinuro niya ang puso niya) dito sobrang laki ng kasalanan mo". Tuloy niyang sabi.
Wala na kong nagawa kundi lumabas nalang ng pinto. Bahala na kung totohanin niya ang sabi niyang iyon o hindi.
Nakasakay na ko pabalik sa inuupahan kong bahay. Iniisip ko pa rin ang naging aksiyon niya kanina. Bakit? Bakit ako pa? Eh hindi naman niya ako kalevel?
********
Dalawang linggo na simula ang paghaharap namin. Hindi ko na siya masyadong inisip dahil alam kong maguguluhan lang ako.
Pagpasok ko sa ikalawang klase ko ay agad na tinawag ng aking guro.
"Miss Reyes, sad to say na nakick out ka na sa paaralan". Hindi ka na pwedeng magpatuloy.
"Bakit ho? Wala naman po akong kasalanan ah." naluluhang turan ko.
"I'm so sorry". Malungkot na sabi niya.
Paano na ngayon. Isa lang naman ang alam kong gagawa nito. Yan ay si Russel. Itinuloy niya ang banta niya sa akin. Akala ko hindi niya iyon magagawa.
Hindi ako nag-atubiling puntahan siya. Nakakainis ang taong iyon. Wala naman akong inutang o kasalanan sa kanya. Bakit niya ba ako ginaganito?
Nagdoorbell ako ng tatlong beses.
*dingdong*dingdong*dingdong*
"Oh nagbalik ang naglayas".Taas kilay na sabi ni Manang Fe, ang mayordoma ng bahay.
"Manang nariyan ho ba si Russel? ". Nagmamadali kong tanong.
"Aba wala ka ng galang kay senyorito ah, umalis ka lang kala mo may pinagmamalaki ka na."tuloy na sermon niya.
"Manang sige naman na po. Sabihin niyo na kung nariyan ba ang boss niyo". Nagmamakaawang turan ko sa kasambahay.
"Wala rito si senyorito. Naroon sa kumpanya."Direktang sabi niya.
"Saan? S-aan ho? ". Sabi ko.
"Sa kompanya nga".walang kagatol-gatol na sabi niya.
"Ang ibig ko hong sabihin ay saan ang kompanya niya? ". Naiinis na sabi ko.
"Doon sa RJD group of company sa may Pasay". Sabi ni manang.
"Marami pong salamat manang. Tutuloy na po ako. "Paalam ko sa matanda.
***
Narito na ako sa harap ng kompanyang RJD na sinabi ni Manang Fe.
"Saan ho ang punta niyo ma'am? " Sabi kaagad ng guard.
"Nasaan ang boss niyo ha? Kailangan ko siyang makausap ASAP". Nanggagalaiting sabi ko.
"Ah eh Ma'am mahigpit po talagang ipinagbabawal ang pagpapapasok sa loob. Mananagot ho ako kay sir Russel. " Malumanay na sabi niya.
"Ay manong yung pusa nasagasaan". Pang-iibang usapan ko.
Tumingin si manong sa tinuro ko ay ayon. Nakatakbo ako papaloob at kumaripas upang hindi niya maabutan.
Sumakay ako sa sinakyan ng ibang empleyado rito. Yung elevato r ba yon. Oo narinig ko na iyon.
Nasa ikatlong palapag na ako ng magtanong sa isang empletado rito.
"Ate saan ho ba yung opisina ni Russel? ". Sabi ko kay ateng makapal ang lipstick.
Tinignan niya muna ako ulo hanggang paa.
Nako hindi ko gusto ang tingin nito ah.
"Doon sa 29th floor". Sagot niya.
"Salamat at ate. Saan nabibili lipstick mo? Parang pinapak ka ng langgan sa pula. "Natatawang sabi ko. Nakaganti narin ako sa pagtingin niya sa akin na parang kinikilatis ako.
27th floor
.
.
.
.
.
28th floor
.
.
.
.
.
29th floor
*Ting*Lumabas ako at bumungad sa akin ang nakatayong babae. Maganda siya at makinis. Akal ko ba 29th floor.? Eh bakit babae ito.?
"What do you need ma'am? ". Sabi ng sekretarya yata ito.
"Pwede ba kay Russel". Sabi ko.
"Are you having an appointment with sir? ". Sabi niya pa ulit.
Bakakainis tong babaeng to. Kanina pa ko inienglish.
"Please miss don't you english me. Kailangan ko makausap yang hayop mong boss". Naiiritang sabi ko.
Tumawag siya dun sa parang teleponong nakakonekta sa loob ng office ng boss niya.
"Hello sir, there is one lady here finding you. Her name is (tinakpan niya ang telepono).
"Hannah, Hannah Reyes." walang gatol na sabi ko.
"Hannah Reyes sir, Do I have to let her come in or not? ". Hindi mo alam kung malandi talaga boses nito oh ano eh.
"Get in idiot". Sabi niya sa akin.
Ano raw idiot.? Aba iba rin to eh.
Hindi ko nalang pinansin iyon.
"Oh Hannah what brought you here? " nakasmirk na sabi niya.
"Walang hiya ka. Alam kong ikaw ang nagpaalis sa akin sa paaralan ko. " naiinis na sigaw ko sa kanya.
"Chill my babe. May kondisyon naman ako. Ano payag ka? " chill na sabi niya.
"Tigilan mo ko sa pagtawag mong babe. Hindi ako baboy. At ano naman ang kondisyon mo? ". Naiinis pa ring sabi ko.
"Marry me". Direktang sabi niya.
Itutuloy............
BINABASA MO ANG
I Love My Probinsiyana Girl
General FictionWarning: Under Major revision! Typographical errors were seen in many parts of the story. Lumuwas, nagtrabaho, nagmahal, nasaktan A story of a girl and a boss whose destined to meet each other. A probinsiyana girl and a city boy boss. Posible nga...