Chapter 3

151 35 16
                                    

Malayo ang isip ni Shinnel na nasa gilid ng bintana habang tinatanaw sa malayo ang crush niyang kasama ang barkada sa baba. Advantage talaga para sa kanya na malapit sa bintana dahil tanaw mula sa kinauupuan niya ang tambayan ng grupo ni Red.

Kanina lang paggising niya hindi niya alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam niya. Parang naglasing siya na hindi niya alam.

'Please tingin ka naman dito, oh,' dasal niya at bigla naman itong nagkatotoo. Kinawayan niya ito nang mapagawi ang tingin sa kanya pero agad namang umiwas ito.

"Sino na namang tinitingnan mo d'yan?" tanong ni Ariana nang mapansin nitong balisa at hindi ito kumikibo.

"As usual si Red," sagot naman ni Alliyah at sumilip rin sa bintana.

"Bakit kasi si Red pa at hindi na lang si Ral? Alam naman nating lahat na mula pa noon hanggang ngayon may gusto sa'yo 'yong tao. Ang sweet niya pa, hinatid ka niya kahapon kahit may dala ka namang sasakyan," mungkahi ni Ivy.

Ral is her best friend and someone that close to her. Ariana knows that part kung paano at kailan nagsimula siyang magkagusto sa kapatid ng kaibigan niya. They were childhood friends; Ariana, Ral and Shinnel. Ayaw niyang magbago ang tingin niya sa kaibigan, sayang ang ilang taong pagkakaibigan nila kung tatanggapin niya ang binata. Atsaka alam niyang may iba pang mas karapat-dapat para sa kaibigan.

"We're just friends at malinaw pa sa tubig na hanggang friends na lang kami," sagot naman niya sa kaibigan.

"You don't like him?" seryosong tanong bigla ni Alliyah.

"Alliyah, I like him," she bellowed, "as a friend."

Matagal na niyang napapansin na may gusto si Alliyah kay Ral. Hindi porque wala siyang gusto kay Ral, e dahil na sa may gusto ang kaibigan niya rito. Iba lang talaga ang gusto ni Shinnel. Basta team RaLli siya at 'yon ang gustong niyang maging endgame.

Hindi naman na sumagot si Allliyah at umupo na lang sa seat niya.

"Ay, friendzoned."

Kung pwede nga si Ral na lang kaso hindi niya alam kung bakit hanggang sa huli si Red pa rin ang gusto niya. It was all love at first sight. Nainlove si Shinnel kay Red mula noong mga bata pa lamang sila kahit palagi siya nitong sinusungitan at iniiwasan hindi niya pa rin tinigilan ang binata na kausapin.

"Guys!" Gulat namang napatingin ang magkakaibigan sa sumigaw na kaklase. Hindi lamang pala sila kun'di ang buong klase ay napatingin at napatigil sa kanilang mga ginagawa.

"Ang ingay mo na naman James," iritadong saad ni Ivy.

"Ang ingay mo naman James," mapang-asar naman niyang panggagaya kay Ivy.

James is like a radio for them not in a bad way dahil sikat din siya, isa itong Band vocalist sa kanilang school. Si James ang taga-hatid ng balita sa kanilang klase, good news man ito o bad news. Nakakabulabog ang boses nito kaya't magugulat ka talaga sa taas ng vocal range niya.

"Are you mocking me?" tanong niya kay James, napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan at handa ng sugurin si James nang pinigilan siya ni Alliyah.

"Why can't I?" tanong nito pabalik kay Ivy and he put a smirked on his face to tease her.

"Hep! Hep! Nag-aaway na naman kasi kayo, e. Para kayong aso't pusa baka sa huli niyan kayo pa ang magkatuluyan, e," pagsasaway ni Alliyah sa dalawang nag-aasaran at agad namang kinontra ng dalawa ang huling sinabi nito.

"No way!"

Ivy rolled her eyes and go back to her seat. They are glaring each other not minding others watching their little fights again.

Last WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon