Chapter 5

123 29 15
                                    

Nang magising si Shinnel ay bumungad ang sinag ng araw na tumatama sa kanya. Dahan-dahan naman siyang umupo at iginala ang mata sa paligid. Inaalala niya kung ano ang nangyari kahapon.

Why am I here in my own room?

Sa pagkakaalala niya ay nahimatay siya kahapon. Bigla namang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at bumungad sa kanya ang ina.

"Anak, nagising ka na pala," gulat na sambit ng kanyang ina.

"Paano ako nakarating dito, Mommy?" tanong niya agad sa kanyang ina.

"They just called me that you're in the clinic. And the nurse told me that someone brought you there," paliwanag nito sa anak na sobrang nag-aalala sa kalagayan niya.

"Again?" bulong niya na hindi naman narinig ng kanyang ina.

"Pardon?" Umiling na lamang siya bilang sagot sa kanyang ina. "Kumain ka na lang." Inabot nito ang breakfast na hinanda para sa kanya.

"Opo."

Nagsimula naman na siyang sumubo ng pagkain at hinayaan ang inang ayusin ang kalat nito sa kanyang study table.

"Tinawagan ko na pala ang mga friends mo, sabi ko sa kanila hindi ka muna makakapasok dahil sa asthma mo." Napatigil naman siya sa pagsubo at tiningnan ang ina sa sinabi nito.

Liningon naman niya ang orasan sa tabi ng kama at nakitang maaga pa kaya't inuubos niya ang pagkain kahit puno ang kanyang bibig.

"Papasok po ako," sambit niya kahit may pagkain ang kanyang bibig at patakbo niyang kinuha ang mga gamit nang hindi pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang ina.

Hindi niya rin alam kung ano ang nasa isip niya at nasabi niyang papasok siya. Ang alam niya lamang ay gusto niyang sulitin ang bawat araw na mayroon siya.

Mabilis siyang nakapag-ayos at hindi na rin siya pinigilan ng kanyang ina. Naabutan niya pa ang mga kaibigan sa tapat ng hall na malapit sa kanilang silid.

"It's our fault, too. Hinayaan lang namin siya dahil ngayon na lamang namin siyang makakasama sa panonood," narinig niyang sambit ng kaibigan na si Ariana.

"Hindi kaya."

"Shinnel!" sabay-sabay nilang banggit sa pangalan niya at agad na sinalubong siya ng yakap ng mga kaibigan.

Ito ang rason kung bakit gusto niyang pumasok at hindi niya rin itatanggi na isa si Red sa mga dahilan. Wala namang mangyayari kung nakahiga lang siya buong maghapon sa kaniyang kama. Mas mabuti nang may gawin kaysa sa humiga at sayang naman ang oras tumatakbo rin 'yan kahit walang humahabol.

"Ba't ka pumasok?" tanong agad ni Ral sa kanya.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" Hindi naman na ito nagdalawang isip pa at agad na niyakap ang kaibigan.

Humiwalay agad si Ral sa yakap nila at tiningnan ang kaibigan ng masama.

"What?" tanong niya rito.

"My question Shinnel, I'm waiting," pagpapaalala sa kanya sa tanong nito.

"Bawal na ba akong pumasok ngayon?" biro niyang tanong sa mga kaibigan.

Kita niya na seryoso ang mga mukha nito ngunit nakuha niya pang magbiro sa mga kaibigan. Naalala niya ang unang beses na nangyari ito at ayaw niyang makita muli ang mga pag-aalalang tingin ng mga kaibigan.

"Bawal dahil nilalagnat ka pa," sagot naman ni Ivy.

"Wala akong lagnat," Shinnel defensively said. Lumapit naman sila sa kanya at hinawakan ang leeg at noo nito.

Last WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon