Chapter 20

91 3 0
                                    

Matapos kumain nila Shinnel ay hindi na siya nagsayang ng oras para ma-enjoy ang araw na ito. Hinila niya papunta sa iba't ibang rides si Red na pinagbigyan naman siya. Wala siyang natanggap na reklamo galing sa binata sa kahit na anong gustong niyang gawin.

"Red!" tawag niya sa kasama, lumapit ito kahit mukhang pagod na.

"Are you not tired? We almost finish all the rides here," he complained.

"Uy, hindi pa, ah!"

"What do you want now?" iritadong tanong nito.

Si Red lang naman ang source of money nila buong maghapon kaya't halos ito ang paulit-ulit na tanong niya sa dalaga sa ilang beses siyang tinawag nito.

"Cotton candy," inosenteng nakangiting sagot nito, she even tried her puppy eyes to him, again.

And I guess, it works dahil nasa harapan na sila ng bilihan ng cotton candy at nag-aabot na ng bayad ang binata.

"You're eating too much," Red commented.

"Babayaran na lang kita kaya 'wag kang mag-alala," masungit na saad nito nang marinig ang komento ng kasama. Tinapik niya pa ito sa balikat para convincing.

"No need, I can afford to earn more money."

"Wow, successor naman kasi!"

Since si Red ang panganay sa kanilang dalawa ni Ral siya ang papalit sa puwesto ng kanyang ina kapag bumaba na ito sa puwesto. Hindi rin naman hinangad ni Ral na mamahala sa kanilang kompanya kaya ipinaubaya na nito ang pamamahala sa kanyang Kuya.

"And are you."

At dahil nga sa nag-iisang anak lamang si Shinnel sa angkan ng mga Castro, siya na rin ang mamahala ng kompanyang itinatag ng Lolo ng kanyang Lolo.

"Sabi ko nga, e! Kaya siguro meant to be tayo!" masiglang banat nito at kumindat pa sa kasama. Red rolled his eyes and looked away.

Halos malito na si Red sa dami ng gustong gawin ng dalaga. Palubong na ang araw nang mag-aya si Shinnel na sumakay sa pinakahuling rides nila. Ika nga nila, "Save the best for the last."

Ang maganda pa rito ay makikita muli ni Shinnel ang paglubog ng araw kasama si Red. Alam niya na hindi maganda ang huli nilang pagkikita matapos panoorin ang sunset. But watching sunset makes her stronger, calm and hope.

"Red! Ferris wheel tayo!" pag-aya nito, hindi niya na hinintay pa na sumagot ito at hinila niya ang binata patungo roon.

Hindi na makapaghintay pa si Shinnel na sumakay sa ferris wheel kaya nang sila na ang sasakay ay agad itong pumasok bago pa man sabihin ng nagbabantay. Napailing na lamang si Red sa ginawa ng dalaga.

Dahan-dahan naman silang tumaas at hindi ma-explain ni Shinnel ang nararamdaman ngayon. Nakadungaw siya sa bintana nito at walang takot na sumilip sa labas, kita sa mukha ni Shinnel ang pagkamangha sa nakikita niya sa baba.

Napatitig si Shinnel sa kasama na nakatingin sa labas. "Thank you."

"Huh?"

"Sabi ko, I like you," napahagikhik naman siya sa binitawan niyang salita. Hindi naman inalis ni Red ang tingin sa kaharap at nang maramdaman iyon ni Shinnel ay tumigil siya sa kanyang tawa. "Ang ganda ng view sa labas, oh! 'Yong sunset rin nagdala," pag-iiba niya ng usapan.

"Shinnel." Nawala ang ngiti ni Shinnel ng seryoso siyang tawagin ni Red.

Hindi niya kayang harapin ito, ayaw niyang marinig kung ano man ang sasabihin nito. Natatakot siyang baka ito na ang huli. Na kailangan niya ng bitawan ang binata kahit sa simula pa lang ay wala na siyang pinanghahawakan.

Hindi naman natin p'wedeng pilitin ang hindi nararapat. Handa na siya, okay lang na siya ang masaktan kaya niya namang tiisin ang lahat, e.

Kapag tumigil ang ferris wheel na 'to sa tuktok, bibitawan na kita na dapat ay matagal ko ng ginawa.

"Shinnel-"

"Stop!" Shinnel cut him off.

Nakapikit ang mga mata ni Shinnel habang tinatakpan ng kanyang dalawang kamay ang tainga nito. Pinapakiramdaman niya lamang ang kanyang paligid at alam nitong nakatingin sa kanya ang binata. Hindi niya alam kung bakit iniiwasan niya ang sasabihin nito samantalang nais na niyang putulin ang lahat sa kanilang dalawa para wala ng masaktan sa huli. Mabuti't simula pa lamang ay walang namagitan sa kanila. Maybe, p'wede niyang pasalamatan ang binata na hindi ito nahulog sa kanya, na hindi siya nito minahal o mahal.

Nagulat si Shinnel nang maramdaman niyang huminto ang ferris wheel. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay sa tainga at iminulat ang mga mata. Nakita niyang nakatingin pa rin si Red sa kanya kaya't iniwasan niya ito at tumingin sa labas kung nakababa na sila.

Shinnel sighed, nasa tuktok lamang sila ng ferris wheel. Kinain na rin ng dilim ang araw, bigla namang nagningning ang mga kalangitan. Mga makukulay na fireworks ang namayani sa paligid, ito'y nagsisilbing ilaw sa madilim kalangitan.

Shinnel smiled when she saw that up close. "It's beautiful."

"Yes, it is." Napatingin siya sa kasama ng magsalita ito, nagulat na lamang nang makitang nakatingin ito sa kanya. Shinnel kinda feel embarrassed, she's blushing right now. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya hindi ang fireworks ang tinutukoy ng binata.

"Shinnel-" muling sumubok ang binata na magsalita ngunit napatigil ito ng hawakan ni Shinnel ang kamay niya.

It's now or never, Shinnel.

"Red... you played a big role in my life," panimula niya, pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nais bumagsak. Ayaw niya lamang na umiyak muli sa harap ng binata. "At kahit ayaw mong maniwala sa nararamdaman ko sa'yo ay okay lang. Hindi ko naman kailangan ng sagot mo at ang kailangan ko lang ay makinig ka sa mga sasabihin ko. 'Di naman kita pipilitin na maniwala sa ayaw mong paniwalaan. Gusto ko lang na malaman mo sa pagkakataong ito na mahal na mahal kita at 'yon ang hindi ko pinagsisisihin sa lahat ng nangyari sa akin ang mahalin ang isang Red Cortez." Pumatak ng kusa mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"I'm sorry sa lahat ng pangungulit, sa pangungulit at sa pangungulit ko sa'yo. I'm sorry rin kung minahal kita ng sobra at nakulitan ka na sa akin sa lahat ng ginawa ko. Sa lahat ng ginawang pangungulit ko sa'yo, akala ko may magbabago pero wala, e, hindi pa rin magbabago ang pagtingin mo sa akin. Ako pa rin ang nagmamahal sa ating dalawa at ako lang ang laging nasasaktan. Pero 'di ko pinagsisihan lahat ng 'yon dahil sa worth it ka." Nanginginig naman niyang hinawakan ang mukha ng binata kahit wala na siyang lakas para gumalaw pero naabot niya pa rin ang mukha nito.

"Masaya ako na nakilala kita. Masaya ako na minahal kita. Masaya ako na palayain ka na. Sa puntong ito, I'm giving up on you. Pinapalaya na kita. Wala ng mangungulit sa'yo, wala ng mangungulit pa sa'yo at wala ng Shinnel na mangungulit sa'yo. Mahal kita kaya pinapalaya na kita sa pagmamahal ko, sa kahibangan ko. Smile, I want you to be happy kahit hindi ako ang dahilan nito. Don't worry, I'm fine 'di mo kailangang maawa sa akin. Ginusto ko 'to kasi ginusto kita," halos garagal niyang saad.

"Mahal na mahal kita." Sa puntong iyon hindi na niya napigilan pa ang sarili at hinalikan niya ang labi ng binata.

It was a long peck kahit na gumalaw na ang ferris wheel ay walang pumutol sa halik na iyon. Nang maramdaman ni Shinnel na bababa na sila ay pinutol niya ang halik. She rested her forehead to his. Ramdam ng bawat isa ang kanilang paghinga.

"Tandaan mo, mahal kita... that's why I'm setting you free kahit 'di man naging tayo. Maaari ka ng gumalaw nang hindi nag-aalala kung nakasunod ba ako sa'yo. Malaya ka na, mahal ko," huling sambit niya bago bumukas ang cart, agad naman siyang lumabas at iniwan si Red sa loob.

Shinnel wiped all her tears while walking away from him. Gustuhin niya mang bumalik at bawiin ang lahat ng sinabi niya ngunit hindi na maaari dahil wala ring magbabago kung gagawin niya iyon.

For now it's time to say goodbye. It was really heart breaking, ayoko mang gawin iyon pero kailangan dahil ito ang alam kong tama. Maybe, it's already time to stop now but I will never stop loving him, until my last breathe. If anything bad happens, masaya akong aalis sa mundo. It was really a Happy Birthday to me.

Malayo na siya sa kinaroroonan ng binata nanghindi siya makagalaw. Naramdaman niyang unti-unti siyang bumabagsak at ang hulilamang niyang narinig ay ang paghingi ng saklolo ng mga tao roon.

Last WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon