Chapter 24

107 3 0
                                    

Tahimik lamang si Shinnel buong biyahe papunta sa kanilang paaralan, sinundo siya ni Ariana kaya ito ang nagmamaneho para sa kanilang dalawa. Napansin ito ng kaibigan, mula pa man kahapon ay napansin na nito ang pananahimik niya pero mas ramdam ni Ariana ang katahimikan ng kaibigan ngayon. Natatakot siya na baka may plinaplano ito pero hindi lang naman ang pananahimik nito ang napansin niya. Nakita niyang nahihirapang maglakad si Shinnel na ipinagtaka nito.

Samantalang si Shinnel ay nag-iisip ng paraan upang iwasan si Red. Bakit nga ba siya nag-aabalang mag-isip kung una pa lang ay iniiwasan na siya ng binata?

'Wag kang magpakatanga, Shinnel. It was just a mistake.

Nang makarating sila sa kanilang paaralan, tumikhim si Ariana na nakapagpukaw sa atensyon ni Shinnel.

"Oh, nandito na pala tayo." Akmang bubuksan ni Shinnel ang pinto ng kotse nang pigilan siya ng kaibigan.

"Shinnel," seryoso niyang saad. Hindi sumagot si Shinnel at hintay na lamang ang sunod na sasabihin ni Ariana. "Ano'ng problema? Mula kasi kahapon hindi ka na umimik. Atsaka ano'ng nangyari sa'yo? Ba't paika-ika kang maglakad?" tanong nito.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa kaibigan. Kung sasabihin niya bang may nangyari sa kanila ni Red.

"H-huh? Wala," she defensively said, ngumiti naman ito at tuluyan ng lumabas sa kotse.

Hindi niya maitatago ang sakit na nararamdaman at ang lungkot sa mga mata nito sa kanyang kaibigan. Gano'n pa man ay hindi na tinanong pang muli ni Ariana kung ano nga ba talaga ang mali sa kaibigan.

Buong maghapong iniwasan ni Shinnel ang mga kaibigan niya kahit nasa iisang klase lamang sila. Bawat pagkakataon din na nagkikita sila ni Red ay halos kumaripas siya ng takbo sa pag-iiwas na ginawa niya. Hindi siya p'wedeng maging marupok, hindi dahil sa may nangyari sa kanila ay bibitawan na lamang ni Shinnel lahat ng plano niya. Iniiwasan niya rin ang dalawang pares ng mga matang nakamasid sa kanya; Ariana and Ken.

At kung mamalasin ka naman kahit ilang beses mong iwasan ang isang tao, kung gusto ka niyang makausap ay gagawa ito ng paraan. Nasa harapan niya ngayon ang kanina niya pa iniiwasan.

Humakbang ito papalapit sa kanya na siya namang pag-atras nito. "Don't ever come near me," matapang na saad ni Shinnel.

"Shinnel."

Pangalan ko pa lang ang binabanggit pero nanghihina na ako. Ano bang ginawa mo sa akin, Red?

"I said, don't! Stop! Please, 'wag mo na akong lapitan pa. Ako na mismo ang lumalayo sa'yo. Malaya ka na 'di ba? Ayoko na, Red. Ang sakit na," nanginginig na saad ni Shinnel habang lumalayo sa kaharap.

"Shinnel... I'm sorry. Please, let's talk about what happened between us," pagmamakaawa ni Red, humahakbang naman ito papalapit sa kanya.

"Don't be, kasalanan ko naman ang lahat. In the first place ako itong si tanga na umasa at minahal ka kahit hindi naman dapat. At kung ano man ang nangyari sa atin kagabi, kalimutan na lang natin iyon. Alam kong nalito ka lang, hindi mo iyon sinasadya," saad niya, iniiwasan niya ring tumama ang kanilang mata ng binata.

"How can I, Shinnel?"

"But you left. Ikakasal ka na rin 'di ba?" Nagulat naman ang binata sa huling sinabi ng dalaga.

"How did you know?," he bellowed, "Nevermind, tell me you love me. Just tell me you love me and I will not going to marry that person." Nagulat din si Shinnel sa binitawan nitong salita.

What for, Red?

"Tangina Red! Ano'ng mapapala ko kapag sinabi kong mahal kita? Mamahalin mo rin ba ako? Hindi Red. Red, ang hirap-hirap mong mahalin. Pero gano'n pa man minahal kita kahit maubos na ako. Hindi nauutusan ang puso, e. At ayoko nang masaktan pa. Pagod na ako, pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa'yo. About the thing last night, I just got carried away. Just forget it like nothing happened." Ibinuhos niya lahat ng sakit na gusto niyang sabihin sa binata ngunit wala pa ring mga luhang pumapatak kahit gusto na nitong bumuhos.

Last WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon