Chapter 21

90 3 0
                                    

Habang magkasama si Shinnel at Red buong araw ang ina naman nito ay halos mabaliw na sa kakahanap sa kanya.

Mrs. Castro tried to call the friends of her daughter but no one answered their phones. Alam nitong mga kaibigan ang kumuha kay Shinnel kaya't ito ang unang tinawagan matapos hindi sagutin ni Shinnel ang mga tawag nito.

Hapon ng napagdesisyunan nito na tumungo sa bahay ng mga ito ngunit wala siyang naabutan doon. Isang bahay na lamang ang hindi niya napupuntahan at ito ang bahay nila Ral, hindi na siya nagsayang ng oras at tumungo na sa bahay nito.

Pagkarating ng bahay nila Ral ay agad itong pinapasok dahil sa kakilala ito ng pamilya nila.

"Shinnel! Shinnel!"

"Tita Shine!" gulat na sigaw nila ng makita ang ina ni Shinnel.

"Nasaan ang anak ko? Ibalik niyo siya, please," pagmamakaawa niya habang halos lumuhod na.

"Tita, Shinnel is safe po," katwiran ni Ariana habang tumatango naman ang iba para sumang-ayon.

"Yes Tita, Shinnel is with Kuya Red," Ral seconded.

"Tangina hindi niyo alam kung ano ang safe at hindi para sa anak ko!" sigaw nito kahit garagal na ang boses nito. "You just ruined everything, may pag-asa pa sana, e, kung hindi lamang kayo nangialam." Nanlumo naman ang mga kaibigan ni Shinnel nang makita ang condition ng ina nito na halos humiga na sa sahig.

"Tita..." Inalalayan naman nila ang ina ni Shinnel na tumayo.

"Please find Shinnel, hindi niyo alam kung ano'ng meron ngayon na kaya niyang isakripisyo ang kasiyahan niya ngayong kaarawan niya," nanghihina nitong saad dahil sa kaiiyak.

"Tita, we're sorry po," paghingi ng tawad ni Ariana at niyakap ito.

"Hahanapin po namin sila Shinnel sa amusement park. Please just stay here po with Mama," ani Ral at nilapitan naman ng ina ni Ral ang kaibigan.

"Find them, don't worry ako na'ng bahala sa kanya. Please be safe," habilin ng ina ni Ral sa kanila.

Agad naman silang lumabas at sumakay sa kotse ni Ral. Hindi na sila nagsayang pa ng oras dahil pati sila ay nag-aalala at kinakabahan na rin.

Pagkarating nila sa amusement park ay naghiwalay-hiwalay sila sa paghahanap sa dalawa. Halos mahirapan sila sa kakahanap dahil sa lawak at dami ng tao. Hindi rin nila sigurado kung saang parte ng amusement park napadpad ang dalawa.

Madilim na ang gabi pero hindi pa rin nila nakikita ang dalawa. Tinawagan din ng mga ito ang dalawa ngunit walang sumasagot. Hindi tumigil sa pagtawag ni Ariana kay Shinnel baka sakaling sumagot ang dalaga nang makatanggap siya ng tawag galing sa hindi niya inaasahan na taong tatawag sa kanya.

Ariana pick up the call, "Hello."

"I found her, don't tell them," the caller said and ended the call.

Napatulala si Ariana, hindi niya alam kung susundin niya ba ang sinabi nito nang maalala niya ang pag-uusap nila noon ni Shinnel sa party.

"Kung may mangyari man sa akin kahit alam na nila ang totoo. Please don't tell them. I might break them, I don't want to feel them the pain."

A tear escaped from Ariana's eyes and decided not to tell them her situation right now.

Ariana immediately go to the hospital where the caller told her. She send a messaged to their friends that they found Shinnel already and she's fine while they are waiting for Shinnel's Mom to arrive at the hospital.

Palakad-lakad sila habang si Shinnel ay nasa loob at chine-check ang kanyang lagay. Ariana can't help but to cry at that moment, thinking that her friend is in critical condition.

Last WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon