Chapter 25

181 5 0
                                    

Pagod na si Shinnel. Pagod na siyang lumaban pa. Ito na siguro ang oras na pinakahihintay niya. Lahat ng mga alaala niya ay dadalhin niya hanggang sa dulo mapait man ito o maganda.

Ariana once told her, "Alam mo ba kung bakit nasa huli ang pagsisisi? Because people do not appreciate what they have until they lost it. Stop loving that guy it might break your heart. Hindi ka tanga para gawin ang mga bagay para sa isang tao na wala namang pakialam sa'yo. Wake up! You are human, too at nasasaktan din."

Tinatawanan niya lamang noon ang sakit na nararamdaman niya dahil naniniwala siyang may magandang plano ang Diyos para sa kanya. At ito na siguro ang plano niya para sa kanya.

Siguro ayaw na niya itong mahirapan. Siguro ayaw na niya itong masaktan. Siguro gusto na niya itong makasama.

Handa na ako, Lord.

Natakot naman sila nang biglang may isa pang lumabas sa loob at parang hindi ito mapakali.

"Doc! Doc! Kailangan po ang personal doctor ng pasyente sa loob." Napatingin naman ang lahat sa dalawa.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ng ina ni Shinnel na nanginginig na sa mga oras na 'to.

"What happened to her?" tanong pa ni Ken.

"Nurse, ano'ng nangyayari sa loob? Ano?!" tanong ni Red na hindi na mapakali, nagulat din ang mga ito sa pagsigaw niya.

"Nasa masamang kalagayan po ngayon ang pasyente, nag-aagaw buhay na po siya. Pasensya na po kailangan ko na rin pong bumalik sa loob," professional na saad ng nurse kahit napagtaasan ito ng boses.

Bigla namang nanghina ang ina ni Shinnel sa narinig na balita. Pinaupo naman ito ng kaibigan sa malapit na bench.

"Kasalanan mo 'to, e." Akmang susugurin na ni Ken si Red nang pinigilan ito ng kanyang Tita.

"Ken! Hindi maayos ang lagay ng pinsan mo kung gawin mo 'yan." Napaatras na lamang ang binata at ibinaba ang kamaong nasa ere.

"Cousin? Pinsan mo si Shinnel?" Alliyah, Ivy and Ral asked in unison.

"So, she really lied to us? Is that her way to push us away from her?" hindi makapaniwalang tanong ni Ivy, tumango naman ang kaibigan nilang si Ariana.

"You knew?"

"I promised to her. I don't want to broke it." Nilapitan ito ng dalawa at niyakap. Hindi na napigilan pa ni Ariana ang mga luhang kanyang kinikimkim.

Nang dumating ang sinasabing personal doctor ni Shinnel ay pinakiusapan ito kung maaaring pumasok sa loob ang ina ni Shinnel. Pumayag naman ito dahil kailanagn ni Shinnel ng kahit isang support system at ang ina niya ang may kakayang bigyan siya nito.

Napansin naman ni Mrs. Cortez na tahimik ang anak nitong si Red samantalang ang isa nitong anak ay yakap ng nobya nito habang umiiyak. Nilapitan niya si Red at nakita ang mga butil ng luha nito. Naramdaman ni Red ang pamilyar na yakap kaya't sinuklian niya ito.

"Ma."

"Ssshhh... calm down. You know her, she's been fighting for almost her life. You need to trust her," pagpapakalma nito sa anak.

"Tell me, she will live longer, right? Please tell me, kailangan ko ng sagot," mahinang pakiusap nito.

"Red..."

"If only I knew, I would have shown her that I love her even before. I would have fought for her even though there were hindrances. Natakot rin ako, e. I thought she was just playing with me, my feelings hanggang sa nararamdaman ko na, totoo na ang lahat. Am I that stupid? Mas pinairal ko ang takot kaysa sa pagmamahal ko sa kanya?" Shocked is evident on everyone's face when Red confessed his real feelings for Shinnel.

"And I know, Ral likes her at nang malaman ko na iba ang gusto ni Ral, I thought that was my chance. Remember the time I asked you about going to Canada, pumunta ako sa Canada para sundan siya. It was because of her but nothing happened. I was the one who brought her multiple times to the infirmary and I was a stupid for not noticing that something is happening to her," pagkwe-kwento niya, tahimik namang nakikinig ang iba.

"Stop blaming yourself, Red. Wala naman yang maitutulong sa mga nangyayari ngayon, e," sabi ni Ariana.

Bumitaw siya sa yakap ng ina at hinarap ito. "Ma, kahit sabihin kong mahal ko siya, hind p'wede. Why did you set me up to an arrange marriage with someone?"

Habang sa loob naman ay nagkakagulo dahil sa pagflat line ni Shinnel. They are trying to revive her. Shinnel's Mom can't look the sight of her daughter in that state.

Siguro kailangan ko ng pakawalan ka. Hindi man tayo ang para sa isa't isa pero tandaan mo minahal kita ng sobra-sobra at ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw at ikaw lang talaga, mahal ko. Pero kailangan ko ng bitawan ka.

Lumabas ang ina ni Shinnel sa loob, malungkot itong nakatingin sa lahat habang umiiyak ng todo. Hindi niya kayang makita ang anak na nag-aagaw buhay kaya't lumabas na lamang ito.

Lumapit ito kay Red at inabot ang isang papel. Isang ngiti lamang ang ibinigay pa nito sa kanya pagkaabot ng papel.

Dear Red,

Panigurado kapag nababasa mo 'to ngayon wala na 'ko. Don't worry, until the end mahal pa rin kita kahit hindi mo 'ko mahal. Lahat ng sana ko natupad except sa pinakagusto ko sa lahat at iyon ang makasama ka hanggang sa huling hininga ko. Sorry sa lahat ng pangungulit ko sa'yo. Sinubukan ko namang pigilan, e pero wala, mas malakas ang pagmamahal ko sa'yo kaysa sa puso kong nanghihina na dahil sa sakit ko. May Celebral Aneurysm at Congeative Heart Failure ako kaya lahat ginawa ko para mapansin mo, hindi ko lang alam kung ano ang papatay sa akin. Remember the sunset date? I consider it as our date at 'yong first natin 'yong sinamahan kita sa shop namin. Alam ko lahat ng iyon ay hindi naging maganda ang kinalabasan sa huli pero nabawi 'yon dahil date natin. Ayoko sanang sumuko kaso naalala ko 'yon pala 'yong araw na dapat wala na ako sa mundo. Binigyan kasi ako ng doctor ko ng choice if I want to live longer then pumayag ako pero I missed the chance because of our date. Pero hindi ko iyon pinagsisihan, naging masaya ako so okay lang. 'Di ko alam kung kailan ako mawawala pero asahan mo 'di mawawala ang pagmamahal ko sa'yo. Sorry talaga kasi minahal kita. Thank you for everything.

P.S. Mahal kita, Red Cortez. Mahal na mahal. Malaya ka na.

Nagmamahal,

Shinnel Castro

After reading the letter, lumabas ang doctor and declared Shinnel's...

"Time of death, 6:00 pm."

Eksaktong oras nang paglubog ng araw nawala si Shinnel. Sunset proved that endings can be beautiful, too but for Shinnel, sunset is her memory that she fought for her life 'till the end.

Lahat ay nagulat at naluha sa narinig. Hindi makapaniwalang wala na siya. Wala na si Shinnel.

"How can you do this to me? Why did you leave me? Hindi ko man lang sa'yo na sabi na mahal kita. I'm sorry, Shinnel. I'm sorry, baby," umiiyak niyang saad at sinuntok pa nito ang pader.

Lumapit ang ina ni Red sa kanya. "Son, I don't want you to misunderstood, but Shinnel is the one you supposed to marry with."

Those lines that broke Red's heart into pieces and that he will remember for the rest of his life.

Dito na nga siguro nagtatapos ang kanilang kwento. Kung kailan kaya na, hindi na p'wede pa. Kailangan nating tanggapin na sa buhay may mga bagay na hindi p'wedeng ipagpilitan.

"Sana'y hindi makalimot ang pusong napagod dahil mananatiling ikaw ang mahal kahit saan man magpunta at magmahal ka man ng iba. Ikaw pa rin ang tahanan na aking uuwian. At kung kailan p'wede na, sana p'wede pa. Kung hindi man natupad ang iyong kahilingan, baka sa pangalawang pagkakataon hiling ko ang tuparin. Bibilang ng isang libong bituin kung kapalit nito'y ikaw at ako, sa huli."

Last WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon