Chapter 8

106 14 0
                                    

Nakaharap si Shinnel sa kanilang salamin habang nag-aayos ng kanyang sarili. Birthday party ng Mama ni Red ang pupuntahan nilang mag-ina kaya't hindi siya mapakali dahil sa naging huling pag-uusap nila ni Red.

Pansin niya na sa tuwing nag-uusap sila ni Red ay nauuwi ito sa hindi pagkakaunawaan nilang dalawa. Shinnel closed her eyes and let out a deep sigh composing herself before leaving her room.

Napansin ng kanyang ina na parang may bumabagabag sa kanya nang bumaba ito kanina kaya't tinanong niya na ito. "Are you okay, Shinnel?"

"Yeah Mom, I'm okay."

Nang makarating ang mag-ina sa venue ay sinalubong sila ni Ral na katabi ng ina nito na sumasalubong sa kanilang bisita.

"Shinnel."

"Oh, hello, dear Shinnel!" bati sa kanya ng ina ni Ral nang mapansin ang presensya nito.

"Hello rin po, Tita. Happy Birthday po ito po gift ko para sa inyo," bati niya rito sabay beso at abot ng inihandang regalo para sa kanyang Tita Erika.

"Shine." Nagningning ang mga mata ni Mrs. Cortez ng makita ang kanyang kaibigang si Shine ang ina ni Shinnel.

"Happy Birthday Erika. You look young parang mas bumabata ka," bati ng ina ni Shinnel sa Mama ni Ral.

"Hay, mahirap talagang maging maganda," biro ng ina ni Ral. "Anyways, come in and Ral please assist them sa loob."

Nang makapasok sila sa loob ay namangha si Shinnel sa motif ng ina ni Ral. Marami ring bumabati sa kanya na schoolmates nila at sinusuklian niya ito ng simpleng ngiti. Hindi naman nakapagtataka na nandito ang iilan sa schoolmates niya dahil nga nasa iisang business world lamang ang mga magulang nila.

"Shinnel!"

Napatingin naman siya sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya at nakita niya ang kanyang mga kaibigan sa 'di kalayuan. Agad naman silang lumapit ni Ral sa kinaroroonan ng mga ito dahil humiwalay na rin ang kanyang ina para makipagkwentuhan sa mga businessman na kilala nito.

"Hello, guys."

"Wow! You're so beautiful," puri sa kanya ni Ariana.

"Ariana, kailan pa 'yan pumangit?" tanong ni Alliyah kay Ariana.

"Sabi ko nga, e."

"Basta Shinnel, you're awesome. Bagay talaga sayong maging Queen," dagdag pa ni Ivy.

"Ay, naku kayo 'wag ganyan. Kayo rin naman ang gaganda."

"Thank you," sabay-sabay nilang saad.

"By the way, Shinnel, ano nga 'yong tinatanong mo sa akin na number?" pag-iiba ng usapan ni Ral.

"Oo nga pala, you even asked me about that." Tumango naman ang iba niyang kaibigan sa pagsang-ayon kay Ivy.

"It's just weird I got a text again last night from that unknown number the same text that person send to me," Shinnel explained to them.

Last night before Shinnel go to sleep she got a message from that unknown number and it says "25" again. It's like a code but she doesn't know what it says. So she messaged her friends to ask who's the person playing with her. Maybe that person is in their circle of friends.

"That 25?" Ariana asked.

"Yes," tipid niyang sagot sa kaibigan.

"Creepy, it gives me chills," Ivy commented while rubbing her arms.

"Then give me that number, let's see if I know the owner. Just message me later I don't have my phone right now," Ral suggested everyones agrees on him.

Last WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon