One

12.1K 431 38
                                    

           

BUMALIKWAS si Nyx sa kama at bumangon. Dumadagundong ang puso niya at mabilis ang paghinga. Hinila siya ng kamalayan mula sa kadiliman ng isang panaginip patungo sa tunay na bangungot ng buhay niya.

Inabot niya ang lamp sa sidetable, hindi pinapansin ang tunog ng mga kung anong bumagsak sa sahig nang matabig niya ang mga iyon. Narinig niya ang click ng switch ng lamp pero nanatiling puro anino ang nakikita niya.

Naging hikbi ang mabilis niyang paghinga at nagsimula siyang mangatal. Niyakap niya ang sarili habang naka-upo sa gitna ng kama niya, nakatuon ang wala nang silbi niyang mga mata sa alam niya ay bintana sa tapat ng kama niya. She gasped in pain between heart-wrenching sobs as the battle inside her own mind raged on. Self-pity, loathing, anguish, hopelessness, they all spewed like poisoned acid through her veins to make every part of her body hurt.

Nicoletta Ysadora "Nyx" Cervantes was a world famous painter. "Was". Because she wasn't a painter anymore. How could she be when she was blind?

Her last masterpiece sold for close to five million dollars. Minsan nang nag-agawan ang presidente ng US at ang Prime Minister ng Canada para sa isa sa mga paintings niya. But that was in the past. She couldn't paint anymore.

At twenty, she was diagnosed with neuromyelitis optica spectrum disorder, a condition where her immune system attacks her own cells, mainly in the optic nerves and spinal cord.

It took two years for the disease to completely rob her of her eyesight pero hindi pa rin nakapaghanda si Nyx. It was the hardest two years of her life. She was fighting an illness that will destroy everythig she was knowing she couldn't win.

Nawalan siya ng pag-asa, ng interes sa lahat ng bagay kabilang na ang pagpinta na alam niyang bumubuhay sa kaluluwa niya. Nawalan siya ng interes na makipagkita at makipag-usap sa mga tao, na lumabas ng bahay, na bumangon.

Nawalan siya ng ganang mabuhay.

Para saan pa? Habambuhay na siyang ganito. Bulag, walang silbi, pabigat sa mga magulang, at sa ate at kuya niya. She couldn't see an end to it. 

Except—

Huminga nang malalim si Nyx habang patuloy siyang nilulunod ng mga madidilim na kaisipan. It would pass. It usually did after twenty minutes of insanity.

Two weeks ago, matapos kumbinsihin ang pamilya na natalo na niya ang depression niya, lumipat siya sa condo na ito para mamuhay na mag-isa. Sabi niya para matuto siya maging independent. But of course, it was also because she didn't want any of them to be the first to see her body after—

Hinigpitan niya ang yakap sa sarili. Yiim-bagang niyang hinayaang tumulo ang mga luha niya habang pilit inaalo ang sarili. It didn't work. It never did.

The worst part was no one ever saw. No one wanted or needed to see this.

Nyx knew the exact point when the pain would lessen. Nadarama niya sa isip niya. Matapos ang mga walang tunog na hikbi muli na siyang nakakahinga nang maluwag. Ganoon naman iyon lagi. Twenty minutes where she fought a war inside her own mind to be followed by a period of total exhaustion. She was used to it but she so tired of it. So tired of the demons inside her head, so tired of fighting to live, fighting to die.

Maybe it was finally time.

Tinuyo ni Nyx ng mga palad ang basang mga pisngi kahit pa hindi naman humupa ang mga luha. Pagkatapos ay itinulak niya ang kumot sa isang tabi bago siya tumayo mula sa kama.

Kinapa niya ang sidetable para kunin ang phone niya na inilagay niya sa ibabaw ng unan. Matagl na niyang na-record ang video na gusto niyang mapanood ng pamilya niya na nagpapaliwanag kung bakit niya gagawin ang gagawin niya. Nanghingi na rin siya ng sorry.

At the back of her mind she knew they'd be broken-hearted but they'd heal. They'd move on. Their lives would continue without her. Mas makabubuti para sa mga ito na wala na siya. There was no healing for her.

Depression lies. Depression lies. Depression lies, sigaw ng bahagi ng utak niyang lumalaban pa. Iyong bahagi ng isip niyang nagsasabi sa kanya na mali ito at na kaya pa niya at na kasalanan ito kay God.

But she ignored the sane part of herself. The sane part of herself didn't know what it was talking about. It accepted the pain. She was so f*cking tired of the pain.

Kabisado naman na niya ang bago niyang bahay. Hindi niya kailangan ng tungkod o ng guide. Dumerecho siya sa sliding glass doors ng silid niya palabas sa balkonahe.

Malamig ang hangin sa mukha niya at hinipan niyon ang buhok niya. Iniusli niya ang mga braso hanggang sa mahawakan ng mga kamay niya ang railing.

Inilarawan sa kanya ng ate niya ang view sa labas noong una nilang tiningnan ang unit. From her balcony on the 25th floor, tanaw daw ang kahabaan ang Ayala Avenue sa ibaba, ang mga sasakyan, ang mga taong nagmamadali papasok sa kani-kanilang mga opisina na abala sa kani-kanilang mga buhay. At sa gabi, maganda raw ang kinang ng mga ilaw sa mga gusaling nakapalibot sa building niya, ang mga ilaw sa kalsada, mga ilaw ng sasakyan.

Ngumiti siya noon kahit pa nadurog ang puso niya. Pangarap niyang tumira sa isang high-rise building dahil mahilig siya sa ganoong uri ng view. Sayang at di na niya makikita. Siguro poetic justice na rin. She would die where she had wanted to live.

Humawak siya sa railing at lumapit. Ninamnam ang malamig na simoy ng hangin. She was scared. Of course she was. She had no idea what was on the other side. Kaya nga siya inabot ng dalawang taon bago niya nakita ang sariling nandito. What was going to do wasn't something you just do. Dati akala niya it was the escape of the weak. Now she know it also took a considerable amount of courage. She comforted herself with the knowledge that it will all be over soon.

She started to pull herself up and prepared to fly.

"Hi."

Tumili si Nyx. Bumitaw siya sa railing at hinarap ang pinanggalingan ng masayahing tinig ng isang lalaki. Hindi siya makahinga at kinailangang hampas-hampasin ang naninikip na dibdib dahil parang naipit ang muscles niyon at hindi na makatibok ang puso niya.

For the love of God, she was having a heart attack!

"Sorry, sorry! Nagulat kita!" tawa nito na walang kaalam-alam na pinigilan nga siya nitong kitilin ang sariling buhay pero dahil iyon sa ito ang gustong pumatay sa kanya sa gulat.

Kinailangan niyang marahas na lumunok nang ilang beses para makahugot ng malalim na hininga bago pa siya mag-black out.

Buwisit! Madilim na nga ang pangingin niya, mas lalo pang magdidilim dahil sa kakulangan ng oxygen!

"Are you alright?" Mas lumapit ang tinig.

"Do I look alright to you?" sikmat niya na matinis pa rin ang tinig.

Hindi kaagad sumagot ang lalaki. But when he did, his voice was soft. "Honestly? No."

Sa di niya maipaliwanag na kadahilanan, nanlaki ang mga butas ng ilong niya sa pagka-insulto kahit pa alam niyang totoo naman ang sinabi nito. A person who just went through twenty minutes of hell inside her own head will not look alright.

Nagpatuloy ang lalaki.

"You're beautiful, but you don't look alright," he told her softly. It was his tone that got to her. The words were cliche and corny, and depending on who's saying them, could be creepy. But there was something in his tone. It was filled with concern and sinserity.

"Do you want to talk about it?"

She stared unseeingly at the spot where she estimated he was. "No."

Pagkatapos ay tumalikod na siya, pumasok sa silid at isinara ang glass door sa likuran niya. She stumbled toward the bed, slid back beneath the covers and pulled her comforter over her head. Sumilid sa mukha niya ang telepono niya at sumara ang nanginginig niyang mga daliri niya palibot doon.

Whoever that guy was, she had no idea if he had saved her or if he just prolonged the agony.

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon