Twenty-Two

3.9K 301 37
                                    

BUMUNTONG-HININGA si Nyx nang magising siya kinabukasan. She had mixed feelings. Nagising siyang nasa mga bisig ni Khalil ulit. She had no idea how much she missed being there.

Nauna itong bumangon sa kanya para dalhan siya ng almusal—pizza na dala nito kagabi na hindi nila nakain dahil sa pagod at puyat niya—pagkatapos ay bigla na lang siya nitong binuhat.

"Khalil?"

"May nabasa ako," sabi lang nito habang buhat-buhat siya. "Maganda raw ang vitamin D sa mga taong may depression."

Ibinalot niya ang mga braso sa leeg nito. "Nabasa ko rin 'yun pero wala naman yatang sapat na scientific—"

"Okay lang 'yun. Wala namang masama kung susubukan natin."

Narinig niya ang pagbukas ng glass doors saka nadama ang init sa labas sa balat niya. Naupo si Khalil sa bangko at inupo siya nito sa kandungan nito.

"Kailangan bang gising ako habang pinapaarawan mo akong parang halaman?"

"Hindi naman. Pero kung gusto mong magpadilig, mas gusto kong gising ka. Aray ko!" hiyaw nito nang kurutin niya ito.

"Dilig na naman kasi ang nasa isip! Bakit? Tayo na ba ulit?"

"Nag-break ba tayo?" nagtatakang tanong ni Khalil bago ito tumawa. Hinalikan siya nito sa noo saka inayos ang hawak sa kanya. "Sige lang kung inaantok ka pa. Tulog ka muna ulit kung gusto mo."

"Hindi ka ba mangangawit?"

"Mararamdaman mo naman kung nanginginig na 'yung mga braso ko eh."

Bumungisngis siya at inihilig ang pisngi sa balikat nito. Gising naman na ang diwa niya kaya makikipagkuwentuhan na lang siya. "Ano'ng gusto mong ulam mamayang gabi?"

"Mag-uuwi na lang ako. Dadaan ako d'un sa tindahan ng masarap na pares. Di ba gusto mo n'un?"

"Okay," sabi ni Nyx. "Pero uwi ka kaagad pagkabili mo ah."

"Wow, kung maka-request! Bakit? Tayo na ba ulit?"

"Nag-break ba tayo?"

Tumawa ito at pinanggigilan siyang parang teddy bear. Bumuntong-hininga siya at hinigpitan ang yakap sa leeg ni Khalil. "Ang sarap pala magpa-araw ano?"

"Oo, saka sabi d'un sa research na nabasa ko, marami raw sa may depression ang may vitamin D deficiency rin. Wala namang masama kung subukan natin. Kung mapatunayan na hindi siya direktang nakakatulong sa depression, maganda pa rin naman sa katawan ang vitamin D. Kaya ibibili kita ng supplement sa weekend. Inumin mo ah. Saka araw-araw na tayo magpapa-araw dito."

Ngumiti siya kahit pa nakapikit. "Gumanda na kaagad 'yung mood ko. Hindi ko sigurado kung 'yung vitamin D o 'yung morning cuddle mula sa 'yo 'yung dahilan pero thank you."

"No problem. Pagkatapos magpa-araw, dilig naman ah. Para may fertilizer." Tumawa ito nang hampasin na naman niya. "Teka, ikot ka na para pantay ang luto mo."

Umayos siya sa pagkakaupo sa kandungan ni Khalil para ang kabilang bahagi naman ng katawan niya ang maarawan. Then she settled in his arms again, and listened to the steady, comforting beat of his heart.

SHE kept herself busy after he left. Magaan talaga ang mood niya. Naroon pa rin ang pag-aalala niya tungkol sa pagdating ni Frankie mamaya pero hindi 'yung hindi siya makakilos sa anxiety. She was handling it.

Nakalinis na siya, naka-shower at nakabihis nang dumating si Frankie nang hapon an iyon. Binati siya nito ng isang mahigpit na yakap.

"I'm so happy you called," anito.

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon