NANG sumunod na mga araw, pilit na hindi pinansin ni Nyx ang pagbabalik ng anxiety niya pero ayaw talagang magpa-awat. Maya't maya niyang naiisip na baka nagtatampo si Khalil pero ayaw lang sabihin sa kanya dahil alam nito ang kalagayan niya. Pero paano naman kung pumayag siyang sumama sa paglabas nito at ng mga kaibigan nito? Ano'ng iisipin ng mga ito kapag makita siyang naglalakad na may tungkod? Paano kung kilala siya ng mga ito? Ngayon lang malalaman ng mga tao na nabulag siya kaya siya huminto sa pagpipinta. Paano? Paano? Paano?
At dahil doon nga, nagsimula na naman siyang ma-pressure, mag-alala, mag-overthink at malungkot dahil sa sinapit niya.
Ang nakakatulong lang sa kanya ay ang focus niya sa gift niya para kay Khalil at sa surprise birthday dinner nito sa Friday. Kapag doon siya nagtuon, hindi niya maiisip ang mga kakulangan niya.
Nagdahilan siya kay Khalil nang Thursday ng gabi na gusto niyang maagang matulog dahil masama ang pakiramdam niya. Ayaw pa sanang umuwi ng lalaki dahil nag-alala ito lalo para sa kanya pero napilit naman niya ito.
Hindi naman siya natulog. Hinintay lang niya ang 11:50 ng gabi, saka siya nag-text dito para tingnan kung gising ito.
Tumawag ang lalaki.
"Bakit? Okay ka lang? Masama pa rin ang pakiramdam mo?" Puno ng pag-aalala ang tinig nito.
"Ha? Hindi! Okay lang ako." Bumangon na siya mula sa kama at lumabas ng silid niya. "Gusto ko lang kasi na ako ang unang bumati sa 'yo ng happy birthday."
Tumawa ito. "Akala ko naman kung ano na."
"Nakatulog ka na ba?" tanong niya habang inilalabas mula sa ref ang cake na pinabili niya kay Kuya Eric. Idinaan iyon kanina ng bayaw bago ito umuwi.
"Hindi. Nagsusulat ako."
Natigilan si Nyx. "Oops. Okay lang bang istorbohin kita?"
Tumawa si Khalil. "Oo naman. Ikaw pa!"
She grinned. "Aww. I love you. Sige, hmm, punta ka na lang dito. May surprise ako."
"Sige! Sandali lang."
Nasa pinto na siya nang kumatok si Khalil. At nang buksan niya iyon, agad niya itong niyakap.
"Happy Birthday!"
He hugged her back. "Thank you."
Nang tuluyan niya itong papasukin, nadinig niya ang masaya nitong tawa. "May cake ako!"
"Yup! Pero ikaw na ang magsindi ng mga kandila kasi baka kung ano ang masindihan ko." Inabot niya rito ang lighter na kinuha niya rito para tulungan itong mag-quit manigarilyo. "Pero ibalik mo 'yung lighter."
Tumawa ang lalaki at tinanggap iyon. Narinig niya ang click ng lighter nang sindihan ni Khalil ang mga kandila sa cake nito. Pagkatapos ay inakbayan siya nito.
"Mag-wish ka na, then blow the candles."
She felt him take a deep breath, held it for a few moments, then bent down to blow the candles. She smiled up at him.
"Happy Birthday, Khalil."
Hinalikan siya nito sa mga labi. "Thank you."
"May isa pa akong gift."
"Talaga? Ano 'yun?"
Itinuro niya ang art studio niya. Noon natigilan si Khalil. That was because she painted his portrait. Sana kamukha ng painting niya ang lalaki, at na magustuhan iyon ni Khalil.
"Ang guwapo ko talaga sa 'yo," biro nito pero tahimik ang tinig.
"Guwapo ka naman talaga, inside and out." Siya ang gumiya rito palapit sa painting. "Okay lang ba? Nagustuhan mo?"
BINABASA MO ANG
25th Floor Balcony (Published by Bookware)
ChickLitCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Trigger Warning: Mention of suicide, mental illness, depression, anxiety, and panic attacks. If you find these topics triggering, please do not read. This book has been published by Bookware Publishin...