Three

6.1K 315 30
                                    

           

"SHOOT."

Kasabay ng pagsara ni Khalil ng pinto ng condo niya ang pagkahulog ng keychain ng babaeng nasa tapat ng pinto ni Nyx. Agad niya itong nilapitan para tulungan. May hawak kasi itong mga paper cups ng inumin sa isang kamay at ilang paper bags sa kabila. Higit pa roon, buntis ito at parang isang sinok lang eh bigla na lang itong manganganak sa laki ng tiyan nito.

"Akin na po 'yung iba n'yong dala," sabi niya bago inabot sa babae ang mga susi.

"Ay, salamat!" Hinayaan nitong kunin niya ang mga paper bags bago nito tinanggap ang keychain.

Napangiti rin siya rito hindi lang dahil sa nakakahawa ang ngiti nito sa kanya pero dahil kamukhang-kamukha rin ito ni Nyx.

"Kapatid po kayo ni Nyx?" tanong niya habang pinapanood na susian ng babae ang pinto.

Napatingin ito sa kanya. "Oo, ate niya ako. Kailan mo siya nakilala?"

"Matagal na po, actually." Ipinaliwanag niya rito kung paano sila nito nagkakilala sa opisina ng mga magulang niya.

"Ah, kapatid ka ni Kaleb!"

Natawa siya. Siyempre si Kuya Kaleb na naman. "Opo. Pero, technically, nagkakilala po kami ulit n'ung isang gabi."

"That's good! Buti may kilala na si Nyx sa mga kapitbahay niya."

"Hindi ko nga po alam na magkapitbahay kami. Naabutan ko lang po siya n'ung isang gabi nga po sa balcony."

Agad niyang pinigil ang sarili bago niya maikwento kung ano ang hinala niyang nangyari kung hindi niya inabutan si Nicoletta nang gabing iyon. Baka mapaanak ang ate nito nang di oras kapag sabihin niya.

Gayunpaman, nanlaki ang mga mata nito. "Nasa balcony siya?" bulalas nito.

"Ah, eh, opo. Nagpapahangin po yata."

Nagmadali ang babae na susian ang pinto. Akala ni Khalil ay sisipain iyong pabukas ng babae pero agad naman iyong bumukas. Pagkatapos ay iniwan siya nitong nakatayo sa labas habang dala-dala ang dalawang Starbucks drinks at isang paper bag na may logo rin ng coffeeshop.

"Nyx! Nyx!" malakas nitong tawag habang nagmamadaling tinungo ang silid ng kapatid. Hindi akalain ni Khalil na puwede palang gan'un kabilis kumilos ang buntis. Pumasok na rin siya sa condo dahil alangan naman kung manatili siyang nakatayo sa hallway. Huminto lang siya sa living room dahil nahihiya naman siyang tumuloy sa loob. Pinanood na lang niyang halos gibain ng buntis ang pinto ng silid ng kapatid. "Nicoletta!"

"Ate, ano ba naman 'yan?" tanong ng iritableng tinig na sinundan ng pagbubukas ng pinto. Suot nito ang malaking T-shirt na suot nito noong isang araw. Pinigilan na ni Khalil na isipin kung may shorts ba ito o wala dahil medyo may kabastusan ang kaisipan na iyon kung dalawang araw pa lang niya kilala ang pinag-iisipan niya. Magulo rin ang buhok ng babae at may ekspresyon ng iritableng batang naistorbo ang tulog.

Sinunggaban ito ng ate nito saka mahigpit na niyakap. Noon napagtanto ni Khalil na malamang ay may alam ito sa pinagdaraanan ng kapatid.

"Wala, nag-alala lang ako sa 'yo," sabi ng ate nito. "Saka na-miss kita."

"Dumaan ka lang dito kahapon ng umaga," sabi ni Nyx pero napansin niyang nakayakap pa rin ito sa kapatid.

"Kung doon ka na lang kasi sa bahay ulit."

Bumuntong-hininga ang dalaga saka bumitaw sa kapatid. "Okay lang ako dito, Ate," pilit nito bago ito nagpa-akay sa kapatid papunta sa dining table.

Kung hindi niya alam na bulag ang dalaga, hindi niya iyon mahahalata dahil nanatiling maganda ang mga mata nito. Bright and expressive, she didn't look blind at all. At kung hindi lang din niya ito nakitang muntik umakyat ng railing ng balkonahe, hindi rin niya masasabing may mas malalim na sugat sa kaluluwa ang dalaga. But that was the problem with depression. You couldn't see it even if it stared you in the face.

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon