THE HAPPY heat spread across Nyx's body, hindi lang dahil magaling humalik si Khalil pero dahil... magaling humalik si Khalil.
She hadn't been kissed in a long time, not since a diasaster date n'ung college siya. And when the kiss ended, he wrapped his arms around her in a tight hug. She hadn't been held the way he held her, like he never wanted to let her go.
Habang yakap nito, habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat nito, she drew in his heat and his scent, and she was comforted. Mahal siya nito. Sinabi niya ang katotohanan tungkol sa kalagayan niya pero hindi iyon naging problema kay Khalil. He accepted it, and accepted her. She relaxed in his arms and tightened her own around his waist.
"Dito na lang tayo habambuhay," sabi ni Khalil habang nakatungo at nasa buhok niya ang mukha.
"Hindi puwede. Magugutom tayo."
"Abot naman natin 'yung ref kahit di tayo maghiwalay di ba?"
Napangiti siya habang nakasubsob pa rin sa dibdib nito. "Paano kung maubos na 'yung laman 'nyan? Magugutom pa rin tayo."
Pumalatak ito. "So kailangan ko talagang lumabas?"
"Uh-huh."
"Puwede rin namang pa-deliver na lang tayo lagi. Puwede naman akong work-from-home. Saka kaya naman akong buhayin n'ung bayad ng publisher para sa mga nobela ko. Kahit hindi na tayo lumabas na dalawa."
Noon na tumawa si Nyx saka bumitiw dito. "Naka-kiss ka lang nang isang beses, dito ka na kaagad titira?"
"Puwede?"
Sinundot niya ito sa sikmura. Tumawa si Khalil pero kinuha nito ang kamay niya saka siya giniya sa direksyon ng sofa. Naupo sila doon saka siya muling hinila palapit ng lalaki. Sumandal siya sa balikat nito habang yakap-yakap siya nito. Nanatili lang silang tahimik.
Napansin niyang tahimik din ang mga boses sa isip niya. Parang natahimik ang mga ito dahil kay Khalil. Alam naman niyang hindi iyon magtatagal pero ipinagpasalamat na lang niya na magandang muli ang araw niya ngayon. Matagal na kasi siyang walang dere-derechong good days.
"Nyx?"
"Hmm?"
"Okay ka lang ba ngayon? Kumusta ang pakiramdam mo?"
Napangiti siya sa pag-aalala sa boses nito. Tumango siya habang nakasandal dito kaya kumiskis ang pisngi niya sa dibdib nito.
"Good day naman," amin niya. "Saka nitong mga nakaraang araw, hindi sila kasing sama n'ung dati. Wala akong mga bagong episodes."
He continued stroking her hair. "Ano bang mga kailangan mo para maging mas mabuti 'yung pakiramdam mo?" Nadama niyang tumungo ito sa kanya. "I'm sorry. Basic lang kasi talaga ang alam ko sa depression. Alam kong mas malalim saka mas matagal ang epekto niya kesa kapag malungkot lang pero hindi ko talaga alam kung paano ka mapapagaling."
Inangat niya ang isang kamay at kinuha ang kamay nitong nasa balikat niya para pagbuhulin ang mga daliri nila.
"Hindi ko alam kung gagaling pa ako, Khalil," she told him honestly. "Wala naman kasing gamot sa mga sakit ko."
Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Pero puwede namang gamutin 'yung mga sintomas di ba?"
"Well... yeah."
"What can I do? What do you need?"
She looked up at him in half in amusement and half in amazement. Ang sincere kasi talaga nito na kahit hindi niya iyon nakikita, nadarama naman niya sa kung paano ito nagtanong at sa kung paano siya nito hawakan. Wala sa mga sinabihan niya na may depression siya ang nagtanong kung ano ang kailangan niya, kahit pa ang mapagmahal niyang pamilya. Lahat sila may kanya-kanyang opinyon at advice when all she needed was someone to believe her.
BINABASA MO ANG
25th Floor Balcony (Published by Bookware)
ChickLitCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Trigger Warning: Mention of suicide, mental illness, depression, anxiety, and panic attacks. If you find these topics triggering, please do not read. This book has been published by Bookware Publishin...