PINGGAN ang una nilang iniligpit. Naisip daw kasi ni Nyx na pagpalitin ang puwesto ng mga pinggan at mga mugs dahil mas madalas daw itong kumuha ng mug kaya gusto nitong nasa cabinet na mas malapit sa lababo lang ang mga ito.
Inayos din nila ang sala at ibinalik sa closet ang vacuum cleaner. Inayos din ni Khalil ang lugar ng arm chair, center table at sofa sa gustong bagong ayos ni Nyx.
At nang matapos, naupo silang dalawa sa sofa at itinaas ng dalaga ang paa sa mesa. "Ayan, eksakto na. Dati kasi masyadong malayo sa sofa 'yung mesa. Di abot ng paa ko."
"Eh basta ba kasya ka naman sa pagitan ng mesa at sofa na di nababangga 'yung tuhod mo."
"Kahit naman gaano kalayo 'yan, sure akong mababangga ang tuhod ko sa kanya. Hindi ko siya makita, remember?"
Pabiro na ang tono nito kaya napangiti na rin siya. "Basta pagkagaling sa kuwarto mo, derecho na 'yan kaagad sa likod ng arm chair. Ikot ka lang ng kaunti, 'tapos baba mo na 'yung kamay mo para makapa mo na siya. Ikaw naman kasi, ayaw mo pang gamitin 'yung tungkod mo."
"Dito lang naman sa loob ng bahay, magka-cane pa ako? Kabisado ko naman kung nasaan lahat ng gamit."
"Ikaw na nga ang bahala."
She let out a long sigh and he glanced at her. Her head was tilted back against the backrest of the sofa and she had a small, satisfied smile on her face. Gusto niyang haplusin ang pisngi nito at halikan ito sa mga labi pero pinigilan niya ang sarili. Baka biglang ma-motivate ang babae na gamitin 'yung tungkod nito, sa kanya pa nito magamit.
"Kumusta na pala 'yung sinusulat mo?" bigla nitong tanong nang bumaling ito sa kanya.
"Okay lang. Pero matagal pa 'yun. Hindi ko kasi matutukan."
"Baka naman kasi sa kakaalaga sa 'kin kaya wala kang oras magsulat."
"Hindi!" agad niyang sabi. "Sagrado naman kasi ang writing time ko. Kung gusto kong magsulat, hindi mo talaga ako maiistorbo. Kaya kapag nangungulit ako sa 'yo sa balcony, ibig sabihin may oras talaga ako."
"Talaga? Eh parang gabi-gabi mo ako kinukulit sa balcony eh. Ibig sabihin ilang gabi ka nang hindi nagsusulat?"
"Oo, pero kasi tinatamad ako."
"Luh!"
Tumawa si Khalil. "Okay lang 'yun, promise. Babalik din 'yung sipag ko. Naguluhan lang din ako sa sarili kong kuwento. Kailangan ko rin ng break sa kanya."
"Baka layasan ka ng mga characters mo."
"Di 'yun! Saka kung lumayas sila, sige lang. Tingnan natin kung masulat sila nang matino ng ibang writer."
Malakas na tumawa si Nyx. "Ang yabang!"
"O, bakit? Ikaw ba kapag may painting ka na gusto mong gawin, pinipilit mo 'yung sarili mo kahit alam mong hindi mo siya mabibigyan ng hustisya kung ngayon mo siya gagawin?"
"Hmm, oo nga. May point ka."
"See?"
"I can't see."
"Shit. Sorry!"
Tumawa si Nyx. Umayos ng upo ang babae hanggang sa nakapamaluktot na ito sa sofa at nakaharap sa kanya. "Alam mo, naikwento ka ng kuya mo sa 'kin n'un."
"Talaga? Ano'ng sabi niya?"
"Na magaling ka nga raw magsulat. Editor-in-chief ka nga raw ng newspapers n'ung high school at college ka."
"Ah, oo," sabi niya na napapakamot ng ulo.
"He's so proud of you base sa mga kuwento niya. Super close kayong dalawa ano?"
BINABASA MO ANG
25th Floor Balcony (Published by Bookware)
ChickLitCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Trigger Warning: Mention of suicide, mental illness, depression, anxiety, and panic attacks. If you find these topics triggering, please do not read. This book has been published by Bookware Publishin...