Twenty-Three

3.9K 255 31
                                    

NAKANGITI mag-isa si Nyx habang naglilinis ng work space niya kinabukasan. Mukhang gumagana ang pagpapa-araw at cuddle therapy ni Khalil. Ilang araw nang maganda ang mood niya. Mahirap kasing maging bad mood kung maganda ang gising. Ilang araw nang siniguro ni Khalil na maganda ang gising niya.

Nag-ring ang phone niya at kinuha niya iyon mula sa bulsa ng suot na shorts.

"Hi!" masayang bati ni Ate Nyrene at automatic na napangiti si Nyx. "Hi, Ate! Kumusta na? Kumusta si EJ?"

"Eto, ang bilis talaga niya lumaki!"

Naupo siya sa sofa habang nagkukwento ang ate niya tungkol sa kung gaano katakaw ang pamangkin niya at kung paano puyat ang mag-asawa pero masaya dahil sa bagong baby.

"Miss na miss ko na siya," anito nang makahanap ng tiyempo.

"Ipapasundo kita sa Friday kay kuya mo pagkatapos ng trabaho. Dito ka na mag-weekend!"

"Sige po! Pero, Ate, ano. Okay po ba kung isama ko si Khalil?"

"Ha? Oo naman!" excited na bulalas ni Ate Nyrene. "Dito mo na rin siya patulugin!"

Tumawa siya. "Pero ikaw ang bahala kay Daddy ah!"

"Oo, ako nang bahala sa kanya. Ay, oo nga pala! Kaya ako tumawag, kasi nandito si Connie."

Namilipit ang sikmura ni Nyx nang marinig ang pangalan ng best friend niyang matagal na niyang hindi nakaka-usap.

Noong una kasi, sinadya niyang ilayo ang sarili sa babae dahil pakiramdam niya ay toxic siyang tao at ayaw niyang hawaan ang masayahin at bubbly na si Connie sa mood niya. She had let them drift apart in a misguided attempt to protect her best friend from her. Pero hindi nawalan ng pag-asa si Connie sa kanya at nanatili itong close sa pamilya niya, naghihintay lang daw na matauhan siya.

"Huwag kang mag-alala, nasa kabilang kuwarto naman siya kaya hindi niya alam na kausap kita. Naisip ko lang na sabihin sa 'yo kasi baka gusto mo na siyang maka-usap. Kung hindi, okay lang din. Hindi ko na lang sasabihin sa kanya na tinawagan kita. Naisip ko lang kasi. Saka natuto na ako," tawa nito. "Hindi na kita ulit gugulatin tulad n'ung ginawa ko kay Frankie."

Saglit na natahimik si Nyx para pakiramdaman ang sarili.

Kinakabahan siya. Paano kung awayin siya nito? Pero hindi, hindi ganoon si Connie. Isa pa, na-realize niyang mas nananaig ang pagka-miss niya sa kaibigan kaysa sa takot niyang awayin nito.

"Sige, Ate Nyrene," sabi niya habang pakiramdam niya ay umaakyat sa lalamunan niya ang puso niya. "Pakausap ako sa kanya."

MAHIGIT isang oras silang nag-usap sa telepono ni Connie na noong una ay tampong-tampo sa kanya hanggang sa sabay na silang umiiyak dahil sa pagka-miss sa isa't isa. As usual, mali na naman ang worst case scenario sa isip niya at nasayang lang ang pag-aalala niya dahil siyempre, love siya ng kaibigan niya at agad na napatawad. Sisingilin lang daw siya nito ng mamahaling eat-all-you-can lunch at kape dahil hindi ito nagtiwalang tanggap siya nito kahit ano pa.

Nagkasundo rin silang magkita—ito lang pala ang makakakita sa kanya—sa Saturday pag punta nila ni Khalil sa bahay ng mga magulang niya. Halos mabingi siya sa tili ng best friend nang sabihin niyang may boyfriend na siya. Pinadagdagan din nito ng isang malaking tub ng gelato ang ipapalibre sa kanya dahil hindi niya ito pinayagang masaksihan ang panliligaw ni Khalil.

She wondered what Connie would ask for when she finds out na hindi rin sinabi ni Nyx dito kaagad na hindi na siya virgin. Baka magpabili na ito ng Maserati!

Nang matapos ang tawag, parang nabunutan ng tinik si Nyx. Matagal kasi niyang dinala ang irrational fear niyang makakaabala siya sa kaibigan niya dahil sa kalagayan niya.

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon