EXCITED na excited na umuwi si Khalil.
Walang ibang dahilan, excited lang siya. Lagi naman siyang excited basta pauwi na siya kay Nyx.
Balak niyang ayain ang girlfriend na mag-dinner sa labas. Tutal okay naman na kay Nyx ang maglakad-lakad.
Ilang beses lang itong natalisod noong naglakad sila papuntang Starbucks dahil walang kuwenta ang mga sidewalk na puro lubak pero derecho lang na naglakad ang babae hanggang sa sabihin niyang nasa Starbucks na sila.
Binilang daw ni Nyx kung ilang steps papunta doon. At buti na lang daw ay hindi kailangang tumawid. Mula doon, memorized na rin naman ng babae kung nasaan ang ibang kainan pero siyempre, hindi pa raw ito maglalakas loob na lumabas mag-isa.
Ikinatuwa niya iyon dahil para kaya siyang tatay na pinapanood na matutong mag-bike ang baby girl niya habang kasama si Nyx. Muntik itong may ma-hit-and-run na magbabalot na nakapuwesto sa sidewalk kagabi kung hindi lang niya ito nailihis. Pero alam naman niyang masasanay naman si Nyx.
Umakyat siya sa floor nila na may hawak na flowers. Hindi na niya maalala kung kailan niya ito huling binigyan ng mga bulaklak eh. Sana magustuhan ni Nyx.
Pagdating ng floor nila, dumerecho siya sa pintuan nito at kumatok doon. Kumunot ang noo niya nang walang sumagot. Wala rin siyang narinig na ingay mula sa loob na nagsasabing nasa sala ito o na narinig siya nito.
Nang kumatok siyang muli na mas malakas na at wala pa ring sumasagot, kinabahan na siya.
"Nyx? Nyx!" sigaw na niya bago siya kumilos papunta sa sarili niyang unit. Hindi niya alam kung saan niya nabitawan ang dala niyang mga bulaklak. Napamura siya nang hindi niya mahanap ang susi niya sa bahay, at muli nang mahanap niya iyon pero hindi naman niya ma-i-shoot sa keyhole.
Nang sa wakas ay mabuksan niya ang pinto, hindi na niya iyon naisara nang tumakbo siya papasok sa bahay niya. Agad narinig ang boses ng babae nang buksan ang pinto palabas ng balcony.
"I am so sorry. I know you're hurting right now, but you're going to be okay. I hope that, when you hear my reasons for doing it, you'd understand, and you'd realize that it's for the best."
"Nyx!" sigaw niya na tumakbo palapit sa railing nang makitang nakatayo roon si Nyx. "Shit, Nyx! Huwag!"
"What?" tanong ng babae na nakatingin na sa direksyon niya, hawak ang teleponong nagpe-play pa rin ng video ng sa tingin niya ay isang suicide message.
"Don't do it, please!" pagmamaka-awa niya. "Nyx, please!"
"Khalil, ano'ng pinagsasasabi mo d'yan?"
"Don't move!" sigaw niya bago siya nagsimulang umakyat sa railing. Tumingin siya sa ibaba at muling na-realize kung gaano talaga kataas ang twenty-fifth floor. Pero maliit lang naman ang pagitan ng mga balkonahe nila. He can do this. Kailangan siya ni Nyx!
"Oh, for f*ck's sake!" bulong niya. Inalis niya ang backpack at ibinaba iyon sa bangko sa may pinto niya.
"Khalil, ano'ng ginagawa mo?" tili na rin ni Nyx.
Huminga siya nang malalim saka walang isip-isip na umakyat sa railing.
Angel of God, my guardian dear, to whom is love, commits me here...
Then he jumped.
Natalisod siya nang mag-landing sa kabilang railing pero nakabawi naman agad at nakatayo pa rin nang muli siyang lumundag pababa ng balkonahe at hinablot si Nyx para mahigpit na yakapin.
"Did you—did you just jump to my balcony?" tili nito sabay hampas sa mga braso niya. "What the hell were you thinking, you idiot? Paano kung nahulog ka?"
BINABASA MO ANG
25th Floor Balcony (Published by Bookware)
ChickLitCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Trigger Warning: Mention of suicide, mental illness, depression, anxiety, and panic attacks. If you find these topics triggering, please do not read. This book has been published by Bookware Publishin...