Nine

4.2K 330 41
                                    

WALANG choice si Nyx kinabukasan kundi kumilos kahit wala na naman siya sa mood bumangon at makipagkita sa mga tao. Binraso kasi siya ni Ate Nyrene kaya sa condo niya magtatanghalian ang buo niyang pamilya.

Maaga siyang bumangon kahit halos dalawang oras pa lang ang tulog niya. At nang dumating ang mga magulang, ang ate niya at ang asawa nitong si Kuya Eric, naka-shower, nakabihis at naka-ayos na siya ng bahay.

Masaya at maingay ang mga ito. Sabay-sabay na nagsasalita pero nagkaka-intindihan naman. Nanatili siyang tahimik pero ine-enjoy ang presensya ng mga mahal niya sa buhay.

Madalas naman kasi ganoon siya. Sumasakit ang tiyan niya sa anxiety kapag alam niyang may kailangan siyang gawin o kailangang i-meet na wala sa nakasanayan niyang routine. Di bale nang wala naman talaga siyang routine. Pero kung may kailangang gawin na iba sa nakasanayan na niyang pagtambay sa bahay at paghiga-higa sa kama, nawawala na sa ayos ang buhay niya.

As usual, hindi siya ganoon noon, n'ung okay pa siya. Ngayon, tuwing may bagong mangyayari, nilalamon siya ng anxiety.

Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. Philippians 4:6, paalala niya sa sarili.

She sometimes found comfort in the Bible so she memorized her favorite verses.

"Oo nga pala, anak," puna ng mama niya na pinipisil ang braso niya. "Bakit hindi mo in-invite si Khalil?"

Napalingon siya rito. "Paano n'yo nakilala si Khalil?"

"Ikinuwento ng ate mo na may bago ka nga raw kaibigan. Your papa and I have met his parents and his older brother before pero hindi ko maalalang nakilala namin siya."

Hindi niya napigilan ang mapasimangot dahil naalala ang inamin ni Khalil sa kanya na insecurity nito sa kuya nito.

"Mahiyain kasi siya, Mama. Hindi siya madalas sumama kapag may mga event-event kaya baka nga hindi pa n'yo siya nakikilala."

"Well, gusto namin siyang makilala ng Papa mo para na rin ibilin ka namin sa kanya."

She sighed. "Mama, okay lang ako."

Kinuha na nito ang kamay niya at iyon ang pinisil. "We know. Pero hindi mo rin naman maaalis sa 'min ang mag-alala." Her stomach muscles clenched as she waited for her mother to mention that it was because she was blind. Pero hindi iyon ang binanggit ng mama niya. "First time mong mahiwalay sa 'min," pagtatapos nito.

"I'm okay here," giit niya. "Nag-e-enjoy naman akong nakahiwalay sa inyo."

Saka niya inisip ang sinabi. Nagulat siya nang ma-realize na totoo ang sinabi niya. Sa kabila ng maya't-mayang anxiety at panic attacks, kapag normal ang araw niya at wala siyang topak, she was really enjoying being on her own.

"I like being independent kaya, Ate," tawag niya sa kapatid na alam niyang naka-upo sa tapat niya sa mesa. "Okay lang kung hindi mo na ako araw-araw dalawin. Hindi ka na puwedeng mapagod! Ang laki-laki na ng tiyan mo. Mamaya mapa-anak ka nang wala sa oras."

"Okay lang naman. May three weeks pa siya dito sa tiyan ko," sagot ng ate. "Sandali, tapos ka na bang kumain?"

"Yes. Why?"

"May dala kasi kami ni Kuya Eric mo para sa 'yo."

"Oo nga pala!" sabi na rin ng bayaw niya at narinig niya ang tunog ng silyang itinulak palayo sa mesa. "Surprise namin 'to sa 'yo."

Sinundan niya ang tinig ng kuya niya na palayo sa dining table. Matangkad na lalaki si Kuya Eric at sigurado siyang dark-colored shirt ang suot nito dahil medyo naaaninag niya ang lalaki habang kumikilos ito. Instinctive na sa kanya ang maningkit habang may inaaninag. Noon kasi, medyo lumilinaw ang paningin niya kapag naka-squint. Siyempre, hindi na ngayon pero ginagawa pa rin niya iyon kapag may naaaninag.

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon