NAGPASALAMAT si Khalil kay Lord nang sa wakas ay makatulog na si Nyx. Ngayon lang siya natakot nang ganoon. Akala niya ay inaatake ito ng sakit nito nang magising siyang nanginginig ang babae. Nagbasa-basa siya tungkol sa NMO at alam niyang bahagi ng atake niyon ang kawalan ng control sa ilang bahagi ng katawan. It took him a while before he realized that it wasn't her illness, but a panic attack.
Ilang minuto siyang nakatayo sa tabi ng kama ni Nyx, nakatulala, walang magawa at nadudurog ang puso habang pinapanood ang nangyayari. He felt so f*cking helpless. There was literally nothing he could do. Kahit noong yakapin niya si Nyx, parang mas lalo lang tumindi ang nadarama nito. She held herself like she was afraid she was going to break apart, and she was making sounds of pain he knew he couldn't soothe.
Alam niyang ang mga tunog na iyon din ang ginawa ng puso niya habang pinapanood ito. Ang sakit-sakit sa kanya na panoorin si Nyx na nagkakaganoon, na isipin na nangyari na ito noon sa babae at na mag-isa lang nitong pinagdaanan iyon.
He wanted to punch the wall.
Nang makatulog na ito sa wakas, hindi niya ito makuhang bitawan. Ayaw na niya itong bitawan habambuhay.
Puyat na naman si Khalil nang sumikat ang araw matapos ang ilang oras. Noon lang siya bumangon para ipagtimpla ng kape si Nyx at magluto ng almusal para rito. Naisip niyang huwag na lang ulit pumasok para maasikaso niya ito. Hindi na niya alam kung paano pa niya magagawang iwanang mag-isa si Nyx pagkatapos ng nasaksihan niya.
Naghahain na siya ng pritong luncheon meat nang bumukas ang pinto ng silid ng babae. Naka-shower na ito at nakabihis na.
"Nandito ako sa dining," sabi niya at doon ito dumerecho. Nang maka-upo ito, ipinaghanda niya ito ng pagkain. "Kumusta ang ang pakiramdam mo?" nanunukat niyang tanong.
Hindi ito nag-angat ng paningin mula sa pinggan sa harapan nito. But what she said next knocked the breath from his chest.
"Khalil, I'm sorry. I think we should break up."
Hindi siya nakasagot kaagad. Umalingawngaw lang sa isip niya 'yung linya na iyon. Napansin na lang niyang isinalin na pala niya lahat ng kanin na nasa serving plate sa pinggan ni Nyx kaya ibinaba niya ang pinggan.
Umiling siya, hindi makapaniwala. Ilang beses bumukas-sara ang bibig niya bago siya nakapagsalita. "I don't understand."
"I think I've always known that I wasn't in the proper frame of mind to be in a relationship," anito na walang emosyon ang tinig. "Itong sa 'tin, pakiramdam ko pinilit ko lang. Pinagbigyan ko lang 'yung sarili ko kasi gusto kita."
"Mahal mo ako," mariin niyang pagtatama. "Kaya nagkaroon tayo ng relasyon, Nyx. Kasi mahal mo ako."
Kung hindi iyon ang dahilan kung bakit naging sila, baka magwala siya.
Nag-angat ito ng mukha. Basa ang mga mata nito pero alam niyang buo na ang isip nito. "Yeah, mahal kita. Kaya nga ako nakikipag-break."
"F*ck that!" he exploded. "Mahal mo ako kaya mo ako sinasaktan nang ganito?"
"Mahal kita kaya ayokong madamay ka pa sa sakit ko!" sigaw na rin nito. "Nakita mo ako kagabi, Khalil! That is what being with me is like! After something as beautiful as being with you, something as ugly as that could could happen to ruin everything!"
"Alam ko 'yun, Nyx!" sigaw na rin niya. "Sa tingin mo hindi ko 'yun naisip n'ung sinabi ko sa 'yong mahal kita? Alam kong may dinaramdam ka bago ko pa 'yun sabihin sa 'yo. Tanggap ko 'yun kasi mahal nga kita! Don't give me the f*cked up excuse that you're doing this for me!"
"Who said I was?"
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Khalil, I'm doing this for me. I'm not okay. Alam ko 'yun. Having depression means you're always thinking na pabigat ka sa ibang tao. Kapag kasama ka, it's not just some paranoid idea. Totoong magiging pabigat ako sa 'yo! At ayokong mandamay ng ibang tao. Mahal kita! Mahal na mahal! Kaya kong tanggapin na nahihirapan ako sa lagay ko. Kaya ko 'yung labanan pero hindi ko kaya 'yung alam kong pinapahirapan din kita! I didn't want you to see me last night. I don't want you to see me like that again. And if I can help it, you never will."
BINABASA MO ANG
25th Floor Balcony (Published by Bookware)
Chick-LitCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Trigger Warning: Mention of suicide, mental illness, depression, anxiety, and panic attacks. If you find these topics triggering, please do not read. This book has been published by Bookware Publishin...