Six

4.6K 274 29
                                    

MATAPOS maghapunan, tinulungan lang siya ni Khalil maghugas ng pinggan, pagkatapos ay nagpaalam na ito. Nagpasalamat siya sa binata dahil ang totoo niyon, na-realize niyang na-appreciate niya ang pagpunta nito kahit noong una ay ayaw niya itong papasukin. Wala kasi siya sa mood makipag-usap.

She had been okay for three days, three normal days. Pagkatapos niyon ay unti-unti na namang nadama ni Nyx na bumabagal ang pagkilos niya at mabilis na naman siyang mapagod. Matapos matanggal ang isang gawain sa to-do list, kailangan na naman niyang mahiga at mag-recharge kahit pa napakasimple lang naman ng ginawa niya.

Hindi na naman siya maka-concentrate. Hindi na naman niya maayos ang buhay niya.

Kanina, habang nagpapaantok, nagpatugtog siya ng music dahil masyadong tahimik pero pagkatapos ng dalawang minuto ay pinatay niya iyon dahil naiinis siya sa tunog. Hindi na naman siya makatulog dahil masyado na namang maraming maliliit na bagay ang dumadaan sa isip niya na nagpapanggap na malaking problema.

Noon, kaya ni Nyx na harapin ang mga setbacks ng buhay na nakangiti. Noong college siya, biglang nasira ang laptop niya sa kalagitnaan ng pagsusulat niya ng thesis. Isang oras lang yata siyang nag-panic pero pagkatapos n'un ginawan niya ng paraan at agad iyong nasolusyunan. Ngayon, hindi lang niya makapa kung nasaan ang toothbrush niya hindi na siya makahinga sa anxiety.

Then there was the reverse. Mayroon din siyang mga araw na wala siyang pakialam kung katukin man siya ng kapitbahay dahil nasusunog na ang building. Mananatili siyang nakahiga sa kama. Let death come...

She missed the days when she could actually multitask and solve complex problems by using logic and complete solutions. Hirap na hirap na siya na ang laging sagot ng utak niya sa tuwing may maiisip siyang problema ay "you won't have to face that if you're dead".

I mean, what the f*ck di ba? Pagod na rin siya sa gan'ung walang kwentang suggestion ng utak niya.

Nagpasiya siyang mag-shower at magpalit ng pajama na dalawang araw na yata niyang suot. She had no concept of days anymore and she was currently at the IDGAF phase. Pero nang hindi na naman makatulog kahit pa ilang beses nang mag-tumbling sa higaan, she threw the covers aside and got up. Magpapahangin na lang muna siya sa labas.

Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o hindi na walang bumati sa kanya nang buksan niya ang sliding glass doors. She was half-hoping naroon sa balcony si Khalil kahit pa gusto niya naman talagang mapag-isa.

She really appreciated the guy. Lagi siya nitong kinukumusta, sinisigurong okay siya, na kumain na siya. Alam din niyang nag-e-effort ito para patawanin siya at na i-distract siya. Sigurado naman siyang alam nito ang kalagayan niya and yet he never pressured her into telling him anything. Hinihintay nitong siya ang mag-open ng topic.

The thing is, Nyx wasn't sure she was ready to tell him. Iba pa rin kasi 'yung aaminin mo sa ibang taong sigurado kang may mental health issue ka. May mga tao kasing ang ibig sabihin ng mental health issue ay kabaliwan. Nyx was pretty sure she wasn't crazy. She wasn't stable, sure, but she wasn't crazy. At least hindi... pa? Saka sigurado rin siyang hindi siya bayolente. She wasn't going to snap and kill someone. Sarili lang naman niya ang gusto niyang saktan.

Naupo siya sa bangko sa tabi ng railing at ninamnam ang malamig na hangin sa balat niya. Muted ang tunog ng traffic sa Ayala Avenue sa ibaba kaya hindi 'yun nakaka-irita. Somehow, it was how she liked it.

Nang marinig na magbukas ang pinto sa kabilang unit, napangiti siya. She realized she had been waiting for Khalil to come out after all.

"Huli ka!" biro niya.

"Oy, hindi naman ako magyoyosi ah!" defensive nitong saad.

"Talaga lang ah? Pag malaman kong bumili ka ulit!"

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon