Twenty

4.2K 270 37
                                    

KUNG akala ni Nyx wala na siyang ilulungkot, nagkamali siya. Dahil sa linggong sumunod sa pagbe-break nila ni Khalil, ni wala siyang energy para umiyak.

Malabo na sa kanya kung bakit siya nakipag-break kay Khalil. It had made sense while she was in the middle of a mental breakdown pero habang tumatagal, lalong lumalabo para sa kanya ang mga dahilan niya.

Nanatili lang siyang matatag na hindi makikipagbalikan dito dahil naiisip niyang nakita siya nitong namamaluktot sa hapdi at umiingit na parang tutang naapakan ang buntot. She had felt him trembling that night as he held her. Kung sa takot man iyon o sa awa sa kanya, alam niyang nasaktan din ito nang makita siyang nagdurusa. She wasn't going to hurt him like that again. Hindi niya kayang gawin iyon sa binata at hindi niya kayang gawin iyon sa sarili niya.

Umuwi siya sa bahay ng mga magulang niya nang ilang araw para maka-bonding ang mga ito at maki-alaga kay EJ. She had also finally told her parents that she had been battling depression for two years now, and that she had been suicidal.

Nag-iyakan sila, lalo na ang mama niya. Pero nalaman niyang hinihintay lang siya ng mga ito na magsabi. She appreciated that they actually understood her situation and that they accepted her. Walang mga tanong gaya ng "sigurado ka?" o kaya ng unsolicited advice gaya ng "snap out of it".

Kinailangan niyang ipangako na manghihingi ng tulong kung sakaling maisip niya ulit ang suicide bago pumayag ang mga ito na pauwiin siya ulit sa condo niya.

Come to think of it, the last time she thought about suicide seriously was the first time she met Khalil outside on the balcony.

Nag-angat si Nyx ng mukha nang may mahinang kumatok sa pinto niya. Tumayo siya mula sa sofa. At kahit alam naman na niya kung sino ang nasa labas, nagtanong pa rin siya.

"Si Khalil," sagot nito.

Pumikit siya at idinikit ang noo sa pinto bago siya huminga nang malalim at binuksan iyon.

"Hi," bati ng lalaki. Dinig na dinig niya sa boses nito ang pangungulila. She'd bet he looked as miserable as he sounded.

Parang siya.

"Hi."

Huminga ito nang malalim. "Tiningnan ko lang kung nandito ka na. Nag-text kasi ako kay Ate Nyrene. Sabi niya umuwi ka na raw."

"Oo." Ano pa bang masasabi niya?

"Kumusta ka na?"

"Okay lang."

Matagal itong tahimik. Kung hindi lang niya naaaninag ang outline nito sa harapan ng puting pader ng hallway, baka isipin niyang umalis na ito.

Nadama niyang kinuha nito ang kamay niya at isinara ang mga daliri niya para hawakan niya ang isang paper bag.

"Nagdala ako ng KFC. Baka kasi hindi ka pa kumakain."

"Khalil—"

"Magkaibigan tayo, Nyx," mabilis nitong sabat. "Hayaan mo na akong gawin 'to."

Tumango siya at hinigpitan ang hawak sa paper bag ng pagkain. "Alright. Thank you."

Nanatili pa rin sila doon, hindi nagsasalita, hindi kumikilos. Hindi niya maisara ang pinto at halatang hindi rin makuhang umalis ni Khalil. Nang kumilos ito, humakbang ito palapit, sinapo siya sa batok saka siya nito hinalikan sa mga labi. She swallowed the sob that rose to her throat. She wrapped her arms around him and kissed him back.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, huminga nang malalim si Khalil saka ito humakbang palayo. "Kumain ka na. Mag-lock ka ng pinto pag-alis ko. Good night, Nyx."

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon