Blake's POV
"blake balik na tayo baka nandun na si shamille at tsaka mag gagabi na oh"sabi ni aaliyah sakin
"sige tara na"sabi ko sa kanya
nasa likod niya lang ako at nag se cellphone ako habang naglalakad.
biglang nag text si mama.
"nak,anong oras na oh,umuwi ka na pag tapos na kayo wag magpapa abot ng 9 ha,ingat"
rereplayan kona sana pero walang signal dito
"Aaliyah sandali lang ha maghahanap lang ako ng signal nagtext kasi si mama eh"sabi ko kay aaliyah na ewan ko kung may narinig.
tumigil siya sandali at nagsintas ng sapatos
nagsimula na ako maghanap at yun gotcha!nakahanap na rin
"sige po ma,uuwi na din po ako maya maya,ihahatid ko lang po si aaliyah sa bahay nila tsaka po ako uuwi"
reply ko kay mama
ilang sandali ay nagreply din si mama
"sige anak,ingatan mo si aaliyah ha"
hay si mama talaga
"syempre ma,ako pa.iingatan ko talaga yung mahal ko."
haha kinikilig ako sa sarili kong sinasabi.normal ba yun sa lalaki?
hindi ko na inintay na magreply si mama at binalikan ko na yung mahal ko.
at bumalik na ako kung nasan ko iniwan si aaliyah kanina
"shit.."napamura na lang ako at bigla akong kinabahan.wala si aaliyah kung san ko siya iniwan kanina.
ang tanga ko,baka hindi niya narinig yung sinabi ko.hindi pa naman niya kabisado papunta dun sa court.
"shit shit shit"ano nagawa ko.aaliyaj nasan ka na.
inikot ko ba lahat ng nadaanan ko at di ko parin siya makita.napasandal na lang ako sa puno at sinabunutan ko ang mga buhok dahil sa inis.nakatulog ako.
sa sobrang tahimik meron akong narinig na umiiyak.si aaliyah na ata yun.
tingin dito,tingin doon,tingin sa kaliwa halos mabali na leeg kakatingin kung nasan aaliyah.
at nakita ko na siya.nakatungo at umiiyak.lalapitan ko na sana siya pero may sinabi siya,hindi ko maintindihan sobrang gulo ng sinasabi niya ng bigla...
nagising na lang ako sa takot,panaginip lang pala.
at nagising na ako sa realidad at may narinig na akong umiiyak.
sinundan ko kung saan nanggagaling ang iyak
at nakita ko siya.si aaliyah.
"blake nasan ka na....."
sigurado akong si aaliyah yun kasi nakita kong pinunasan niya ang mata niya ngunit hindi niya yata ako napansin.
lumapit ako at niyakap ko siya.
"sorry aaliyah"yan na lang ang nasabi ko.parang nadudurog ang puso pag nakikita ko siyang umiiyak.
"nandito na ako,wag ka na umiyak....mahal ko."
YOU ARE READING
Win or Die (ON-GOING)
Gizem / GerilimWin the game or else they will take your life. "Volleyball is Life" pano kung dahil sa volleyball maraming buhay ang mawawala. kaya kayang ipanalo nila aaliyah ang laban?sundan ang kanilang kwento dito sa "Win or DIE" highest rank:#86 in horror star...