Prologue

1.8K 66 38
                                        

Prologue

Naranasan mo na bang makakita ng mga kaluluwa?

Tingnan mo sa iyong likuran, baka may babaeng umiiyak ng itim na likido at humihingi ng tulong mula sayo.

Sa gilid mo, may batang nakatunganga sa iyo habang ikaw ay takot na takot na. Ang kaniyang mukha ay kasing puti ng nyebe at mangitim-ngitim ang ilalim ng kaniyang mga mata.

Sa paanan mo, may makikita kang maputlang balat ng paa pero walang ulo ang may-ari no'n. Nakasuot ng pang-madre at may hawak na rosaryo.

Buksan mo ang inyong cabinet, bubungad sayo ang matandang lalakeng butas ang mata habang paulit-ulit na sumisigaw gamit ang kaniyang nakakapangilabot na malamig na boses.

Buksan mo ang iyong drawer at bubungad sayo ang putol na kamay na may-ari sa babaeng hindi mo pinatuloy sa iyong tahanan.

Silipin mo ang labas ng bintana, may dalagang nakatayo doon na may napakahabang buhok at nakasuot ng kulay puting bestida. 

Pumunta ka ng banyo. May lalakeng nakabitin ang leeg sa isang lubid. Dilat ang mga mata at maputla ang balat. Lumalabas ang dugo mula sa kaniyang mga mata at mapupula ang kaniyang mukha.

Magingat ka sa iyong dinadaanan dahil baka may mabangga kang nilalang. Tahimik lang 'yan sila pero kapag nagagalit ay wagas.

Huwag kang magingay sa tuwing sasapit ang gabi dahil sila ay naghahanap ng matutuluyan pansamantala.

Lahat ng 'yan, nakita na ng mga taong may third eye. Lahat ng yan, sanay na ako. At dahil sa third eye, kasing lamig ng boses ng mga kaluluwang nakasalamuha ko ang pakikitungo ko sa ibang tao.

"Ai? Hindi ka pa ba matutulog?"

Napabuntong hininga ako nang pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko ay nandoon na si Mama, nakatayo sa gilid ng kama ko habang nakangiti.

"Magbibihis lang po ako, Ma."

Kasama ko nga ang pamilya ko. Si Papa, ang mga kapatid kong si Kuya Jefferson at Ate Ivonie. Pati na din ang kaluluwa ng Ina kong sa loob ng limang taon ay hindi pa rin umaalis sa tabi ko. Sa tabi naming lahat.

"Alam mo naman na mahal na mahal ka ni Mama, diba Ai? Ikaw ang paborito ni Mama."

I ignored her. She's my Mom but she's long dead now. Her skin is as blur as a ghost that I've seen since my existence. In sixteen years.

"Ma, hindi mo pa ba nakikita ang puting liwanag?"

I've been asking her that for five years. Araw-araw. Ako na yung nagsasawa. Yung ibang kaluluwang nakikita ko sa ospital ay agad nilang nakita ang puting liwanag. It's either they are going to heaven or to hell. It's either their souls can be at peace or they will suffer more.

I'm a nerd talking with ghosts.

~MELANCHOLY~

Ps: Sorry for the lame horror-wannabe. 'Di kasi ako marunong magsulat ng medyo creepy (horror) pero depende kung nagustuhan niyo. This story was inspired by my very own daydream.

Melancholy Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon