Chapter 7
I just realized; we can't control ourselves. Even our own feelings, our own instinct and daydreams. This is our body, our life, but we can't control it all the time. Minsan nga ay nakakagawa pa tayo ng masama dahil 'di natin makontrol ang sarili natin.
The moment our heart beats for someone, we couldn't stop it now. Kung saan siya gusto tumibok, doon talaga siya. Hindi pwedeng turuan na sana sa iba nalang. Sana hindi nalang siya tumibok para sa taong hindi pwede.
Oh, I forgot, he's a ghost. He's not a human.
Why am I falling for a ghost?
I don't know him personally. Hindi ko nga alam kung saan at kailan ang una naming pagkikita. I just knew that from the very first time that I met him, I know, he doesn't liked me.
Simula nang tulungan namin si Lola Riri, parang natipak ang dingding na nakaharang sa'ming dalawa at mukhang doon na nagsimula ang lahat.
Right here, sitting on a cold cemented floor, I witnessed the awkward beating of my heart whenever he's near.
Paulit-ulit na naalala ko ang katagang iniwan sa 'kin ni Duke. He's confused with his own feelings, too. Hindi lang ako nagiisa.
I feel like my crush just confessed me his feelings for me. Kung sa iba pa 'yon, masisiyahan sila't gaganahan. But in my case? I feel like Duke just stabbed me a knife right through my chest. I don't find a single happy inside me. I am more like hurting.
Maybe I am just infatuated with him? Maybe I can still erase this feelings inside my chest?
"Aidee, nakita na ni Danie ang box niya and that's why I'm here to tell you that you don't need to find her box. Mabuti nalang at pumunta agad ako dito. Stop crying now."
Nakakahiya kay Cameron dahil nadatnan niya akong umiiyak. He must be thinking that I'm crying from being locked inside this storage room, which I am thankful for.
Dali-dali kong pinunasan ang luha ko. Cameron offered me his hand which I wholeheartedly accepted. Tumayo ako and smiled at Ron.
"Thanks! 'Buti talaga pinuntahan mo 'ko. Akala ko bukas pa ako makakaalis dito."
Umiling-iling si Cameron at sabay kaming naglakad pabalik sa club room.
"Nakasalubong ko din ang janitor kanina. Sabi niya binalik niya raw ang box para 'di na pupunta sa storage room si Danie."
Ngumisi lamang ako't patuloy na pinunasan ang basang mukha ko. Ayokong makita nila Danie na umiiyak ako. Sapat na si Cameron lang ang nakakita sa 'kin na akala'y umiiyak ako dahil nalock ang pinto.
Lumiko kami sa isang hallway at nakita ang pinto ng club room namin na nakabukas pa ang ilaw, which means nasa loob pa sila at 'di umaalis dahil wala pa kami ni Cameron. Nang makalapit na kami ay akmang bubuksan ko na ang pinto nang hawakan ni Ron ang kamay ko at pinatigil ako.
"I don't want anyone to know that you were crying."
Inilabas niya ang isang puting panyo mula sa kaniyang bulsa at marahang pinunas sa mukha ko. Nagulat ako sa biglang ginawa niya sa 'kin. Nang masigurong wala nang bakas na basa ang mukha ko, ngumiti si Cameron at binalik ang panyo niya sa kaniyang bulsa.
I stared at his eyes. Those familiar pair of eyes... Saan ko nga ba 'yon nakita?
Dahan-dahan kong tinapat ang palad ko sa dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.
Why are you still beating that fast, heart? Bakit?
"Tara na, Aidee."
Natauhan ako nang hawakan ni Cameron ang aking braso at binuksan ang pinto. Nakasunod ako sa kaniya na pumasok at naramdaman ko nalang ang puso kong 'di parin tumitigil sa pagtibok nang mabilis.

BINABASA MO ANG
Melancholy Of Us
Short Story✓ | In a world full of living, Aidee Montes can only see death.