Chapter 2
Ngayong araw ay busy ang lahat sa pagrerecruit ng bagong miyembro sa kani-kanilang club. Kanina rin ay inalok akong mag-audition sa isang choir na Trill Club, kaso hindi ako talentado kaya hindi ako tumanggap sa flier na binigay nila sa 'kin.
Since Friday naman ngayon, I decided to go to the rooftop where I usually spend time kapag walang pasok. Inilaan talaga ang araw na 'to para sumali sa mga club pero wala akong gana sa ibang club kaya dito na muna ako.
"Apat mata!"
From the edge of the rooftop, nakita ko ang dalawa na nakangiti sa 'kin. Maliban lamang kay Duke at Kurt na palagi namang nakasimangot na 'tila may galit sa mundo.
Umirap ako sa kanila't umupo sa bench para panoorin ang nagkanda-ugagang mga estudyante habang nakilinya sa mga stalls, o 'di kaya ay ang mga club members na nagbibigay ng fliers.
"Bakit 'di ka sumali, Aidee? Ang saya kaya sumali sa isa sa mga club diyan."
Lumingon ako kay Mike at binaling ulit ang tingin sa ibaba. Our school, Waterloo Academy, is full of green natures. Kada lingon mo ay makakakita ka ng mga punong-kahoy, tapos may malaking park na punong-puno ng mg bulaklak at damong pwede mong higaan.
Whenever I feel stressed out, lumalabas lang ako ng classroom at marerelax nalang sa view ng paligid. It wasn't really a populated school, bilang lang ang mga pumapasok dito sa Waterloo. It's a private school, after all.
"Ba't di ka sumali sa Paranormal Club? Matutulungan mo sila do'n, Aidee." Sabi naman ni Keith na pinanood ang nasa ibaba.
Lumingon ako sa kanila't napabuntong hininga. Duke and Kurt are only silent and watching the crowd. Wala si Daisy ngayon, 'di ko alam kung saan pumunta 'yon.
"I don't want to. That club only wants to gain popularity, not by helping the souls that are seeking for their justice and doing their missions."
"Ang sabihin mo, ayaw mo kaming tulungan."
Lahat kami'y napalingon kay Duke nang magsalita ito. His hands are on his pocket, not minding to look at me.
Simula nang makilala ko sila, siya lang ata ang may galit sa 'kin. And I don't know why.
Si Kurt naman, hindi naman siya galit sa 'kin. Sadiyang tahimik lang 'yan palagi habang kasama ang mga naging kaibigan niyang kaluluwa. His guitar's always with him, nakasabit lang sa likod niya.
Natahimik kaming lahat. Napatayo ako't lumapit sa railing ng dulo ng rooftop. Ang malamig na hangin naman ay humahampas sa balat ko't tinatangay nito ang hibla ng buhok ko.
It was a relaxing feeling, indeed. Pero sa sitwasyon kong 'to na gusto ko nang takasan, na gusto ko nang ipasarado 'tong meron ako, ang bigat parin ng pakiramdam ko.
"Tama ka, Duke." Napangiti ako ng mapait habang pinanood ang taga-Paranormal Club na nagbigay ng fliers. Graduate na kasi ang mga old members nila at sina Danie at Joyce nalang ang naiwan bilang leaders ng kanilang club.
"I don't want to help anyone. Even the four of you, pati na rin si Daisy. Gugustuhin ko man, hindi ko pa rin kaya. I'm just a normal high school kid, not a paranormal expert. Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko sa inyo lalo na't nandiyan si Papa, binabantayan ako."
"He doesn't want me to get involved with you, with the spirits asking for my help. Kaya pasensiya na kung hanggang sunod lang kayo nang sunod sa 'kin. I'm sorry..."
I lowered my gaze when I felt the my eyes heated. Nang pumikit ako ay tumulo nang tuluyan ang luha ko kaya agad ko itong pinahid.
"Just look for other people who's willing to help you. That'll all I ask for."
BINABASA MO ANG
Melancholy Of Us
Cerita Pendek✓ | In a world full of living, Aidee Montes can only see death.