Chapter 5
Tahimik akong naglalakad patungo sa storage room ng Waterloo Academy's canteen. Dala ko ang isang tray para kumuha ng ingredients na iluluto ni Mrs. Miller.
Mrs. Miller owns one of the stalls here in Waterloo Academy canteen, sa kaniya rin ako na-assign na magtrabaho for a week.
Waterloo Academy opened a job for the students this semestral break. Luckily, I got accepted to work with Mrs. Miller's famous chicken wing stall. Open rin ang academy para sa mga outsiders, mamasyal at tingnan ang kabuoan ng campus.
Every year, especially during vacations, open palagi ang Waterloo Academy para sa mga hindi taga-rito. Para na rin makakuha ng maraming estudyante na magpaenroll dito kapag nagustuhan nila. Waterloo is one of the most famous schools in our city, and I'm proud of it.
Hinanap ko ang maliit na room ni Mrs. Miller sa storage room. Each room has the numbers on its door, ang nakalagay sa susi na hawak ko ay number fourteen. Binuksan ko ang pinto nang mahanap ko 'yon matapos kong iunlock ang doorknob using the keys, of course.
Nang makapasok ay kumuha ako ng ilang mga kailanganing ingredients na nilista ni Mrs. Miller. Pinagpawisan pa ako sa kakahanap hanggang sa may nasagi ako sa likod ko, nahulog ang isang box mula sa ibabaw ng lumang drawer.
Dali-dali kong niligpit ang laman nito at nang pulutin ko ang isang lumang papel na maayos na nakatiklop ay natigilan ako.
It was an old newspaper. I smelled the scent of old paper. Ang ibang bahagi nito ay naputol na ngunit naiwan ang isang article na nakakuha ng atensyon ko.
The title's written in a bold and big letters. It was positioned at the center with a blur photo below. I started to read the whole article.
My hands trembled. Nanlamig pa ako sa pwesto ko't hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Takot? Lungkot? Galit sa ginawa ng mga taong 'to?
I can hear whispers from the ghost. Their stares are giving me goosebumps. Pero dahil sanay na ako, hindi na ako natatakot sa presensya nila.
But what makes me feel scared was from the article I've read. Tuloy-tuloy ang hikbi ko't pilit kong kumalma by punching my own chest.
Napasandal ako sa drawer na nasa likod ko. Dahil sa ingay ng hikbi ko ay mas lalong lumapit sa akin ang mga kaluluwang kanina pa ako pinagmamasdan.
"Hija, tama na ang iyak..."
Hindi ko pinansin ang malamig na boses ng matandang babaeng may suot na puting bestida at may puting mahabang buhok na umupo sa harap ko. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko para iwasan ang namumula niyang mga mata.
God... Mike doesn't deserve to die that way. He is a very good man that I've ever met. Even Mrs. Miller, she doesn't deserve to lose a child. Kahit hindi ko pa masyadong kilala ang mama ni Mike ay alam kong napakabait ni Mrs. Miller.
I can always see Mrs. Miller cooking her most famous chicken wing. Nagtatrabaho siya nang maayos at kahit pagod, nagawa pa niyang ngumiti at batiin ang lahat ng mga bumibili sa kaniya. She's a very great mother and a kind woman.
Binalik ko ang newspaper sa lalagyanan. Tumayo ako't lumabas bitbit ang pinakuha sa 'kin na mga ingredient.
Sumikip pa ang dibdib ko habang paakyat ako ng hagdan. Bago tuluyang makarating kay Mrs. Miller ay pinunasan ko muna ang luha ko't siniguradong hindi mahahalata na umiyak ako.
I thought that helping them is easy. Those souls. Pero hindi ko aakalain na mabigat rin pala ang trabaho na 'to. I need to be brave and stop being such a weak. I need to get used to every reasons behind their death. I can easily be affected, emotionally and physically, but I chose this and I have to be brave.

BINABASA MO ANG
Melancholy Of Us
Proză scurtă✓ | In a world full of living, Aidee Montes can only see death.