Melancholy 1

1.3K 71 30
                                        

Chapter 1

Kung sa bahay ay buntot nang buntot ang kaluluwa ni Mama sa 'kin, sa paglabas ko naman ng bahay ay isang batang babae na makulit ang palaging nakasunod sa 'kin. 

Maputla ang kaniyang balat, naka-pigtail ang buhok at may bahid na dugo ang kaniyang kulay puting damit.

She's jumping with full of joy habang sumasabay sa 'kin. Wala namang bakas ng dugo ang kaniyang katawan kaya nagtaka ako kung bakit may dugo sa damit niya.

How did this little girl died? 

"Ate Aidee! School ka na?"

Like what I did to other ghosts na nakikita at kinakausap ako, hindi ko siya pinapansin. Sanay na ako sa kakulitan niya. Ewan ko kung hindi pa ba siya nagsasawa sa 'kin sa pagiging snob ko lalo na sa mga kagaya niya.

There are lot of people who can see them too. Pero ewan ko lang kung bakit sa 'kin pa talaga sila sunod nang sunod at nanghihingi ng tulong.

Am I that special?

Sabi kasi ni Mama nang maging kaluluwa na siya, may something raw sa 'kin na iba sa mga may third eye na tao. I don't know what that is. Maybe that's the reason why they're asking for my help.

It's because I'm special.

"Sayang Ate Ai, 'no? Patay agad ako kaya di ako naka-school."

Everyday, every ghost that I've encountered, every ghost that talks to me and asking for my help, I ignored them. Everyday. Every minute and every second. Hindi ko sila pinapansin.

Pero dahil sa sinabi ng batang multo na 'to ay nahinto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid. Maaga pa naman, alas-kwatro pa ng umaga. Hindi naman gaano karaming tao dito sa Barangay Fatima. Wala pa akong nakikitang taong naglalakad sa kalsada naming hindi sementado. 

"Daisy, you don't have to say that."

Humarap ako kay Daisy at bahagyang yumuko sa kaniya para magkalebel ang mga mata namin. I know this is a wrong move to talk to a ghost like her. Sabi ng Papa ko, I don't need to get involve with them. Except sa kaluluwa ng Mama ko.

"Daisy, He has a reason why people died. Why He chose you to die early. Please don't mention it again, ha? He has a plan to you, and to the people who died."

I saw sadness all over her face. Nakayuko siya at nilalaro ang teddy bear na palagi niyang dala. Kagaya ng damit niyang may bahid ng dugo, meron ding dugo ang kaniyang laruan pero hindi niya pinapansin 'yon. 

Sa tuwing umaalis ako sa bahay, I expected her to wait for me outside our red gate. Hindi siya pumapasok sa loob dahil nandoon si Mama, tailing me around the house.

And now, katulad na niya ang mga pusang gala. Wala siyang pernamenteng lugar. I don't know kung saan siya pumupunta tuwing gabi. Daisy is such an affable kid. Happy-go-lucky na bata. 

And she didn't remember a single memory from her past.

"Pero Ate Ai. Nakakalungkot din kasi na kaluluwa na ako. Nakakainggit din kasi yung mga batang kagaya ko na pumupunta sa school, Ate Ai."

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya lalo na nang makita ang mga batang masayang naglalakad habang nakauniporme at may nakasukbit na bag sa kanilang magkabilang balikat. I felt guilty for not helping Daisy. 

Gusto ko mang tulungan ang mga multong humihingi ng tulong mula sakin para makaalis na sila dito sa lupa, hindi ko pwedeng gawin. Wala mang third eye si Papa, nararamdaman naman niya na may multo sa paligid lalo na sa mga umaaligid sa 'kin.

Melancholy Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon