Matapos ang nakakainis na pangyayari kanina ay tila ang bilis ng oras kaya mabilis ring natapos ang buong klase ko.
Nakakapagod ang araw na ito.Kaya Pumunta muna ako sa library upang magpahangin.Pagpunta ko dito ay nandirito si William.
Kakaway sana ako sa kaniya kaso mas naunahan niya ako hahaha.And awkward.
"Hey! Xander." Pagbati niya saken.Bakas sa mukha niya ang pagod at pagkatamalay dahil rin siguro sa napakahabang diskusyon ng mga nagdaang oras.
"Ayy.Hello bakit ka nga pala nandito at nagiisa?"Tanong ko.Napansin ko rin na kaming dalawa lang ang tao dito kaya tahimik at pwedeng pwede talaga akong magpahinga.
"Nagbabasa lang ng books." sagot naman niya.Medyo makapal ang librong binabasa niya.HORRY PATTER ang binabasa niya."Eh ikaw?Bat ka nandito?"Pahabol na tanong nito.
"Magpapahinga lang sana ehh.Napagod yung katawan ko kanina sa discussion."Pagpapaliwanag ko.Bawal bang pumunta dito kaya ganyan siya mag tanong.Haysst!Umupo na ako sa tabi niya at iniyuko ang ulo sa mesa.
Nang imulat ko ang aking mga mata.Madilim at ang tahimik.Tumatakbo ako papunta sa isang bahay na hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko't patungo ako dito sa bahay na ito.
Hindi ko maintindihan kung bakit kusang bumubuka ang aking mga bibig at may sinasabi.
Nakita ko dito si Mama at Papa.Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nandito at bakit sila nandito.Maya-Maya ay.......
"Anak tumakbo ka na." sabi ni papa at mama.
"Hindi mama at papa, hindi ko kayo iiwan dito." sabi ko
"Malapit na siyang dumating dito anak, baka mahuli ka niya dito at baka mapahamak ka kung mahuhuli ka niya anak." sabi ni mama
"Ayoko nga mama, hindi ko kayo hahayaang mamatay ng kayong dalawa lang.Sasamahan ko kayo.Di ba pamilya tayo?Dahil pamilya tayo, sabay-sabay tayong mamamatay at sama-samang aakyat sa langit." galit na sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.
"Pleaseeee anak umalis ka na, ayaw ka naming mapahamak pa.Mas maganda ng kami na lang kesa tatlo tayong makulong dito at sabay sabay mamatay."Saad ni papa habang umiiyak.
Natahimik kaming tatlo ng may kumatok sa pinto
Tok! Tok! Tok! Tok
"Nandiyan na siya.Magtago ka anak don sa CR at baka mahuli ka niya."Pagaalala ni mama
"Sige po."
At ngayon nakapagtago na ako dito sa CR.Sobrang dilim dito at talagang hindi ako makikita dahil sa sobrang tago at dilim.
"Mukhang gutom na gutom na kayong mga alaga ko huh.Hahaha." Sambit ng isang boses lalaki.
Alam kong siya ang kumakawawa sa mga magulang ko.Wala ba siyang awa?
"Alam mo bang lalaki ka?Napaka swerte mo sa babaeng ito?Makinis ang balat,Maputi, at nakapaganda." Sabi nito at sabay hawak sa hita ng mama ko.
"Hoy! Wag na wag mong hahawakan ang asawa ko.Kung hindi malalagot ka saken kapag naka wala ako dito."Sabi ni papa.
"Weh?Baka makawala ka?Tingnan naten kung sinong maiingit sa gagawin ko."Sabi ng lalaki
Pagkatapos niyang sambitin ang mga litanyang iyon ay dali dali niyang hinawakan ang hita ng nanay ko.Bakas na bakas sa mukha ni mama ang kaba at takot.Pati rin ako ay na aawa kay mama.Gustong-gusto kong umalis dito sa pinagtataguan ko upang ipagtanggol ang pinakamamahal kong nanay.
****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

YOU ARE READING
Nightmare with YOU
FantasySa lahat po ng magtatangkang basahin ito.Wag na kayong magdalawang isip pa. Ilagay na agad sa "Reading List" mo at basahin. Hinding hindi ka bibiguin ng "Nightmare with YOU." At ng author na si <~-|WoofGoesCow|-~> <3