<~| B E L I E V E I T O R N O T |~>

18 2 1
                                    

Xander's POV 

Nakahiga ako ngayon sa isang malambot at napakabangong kama ko.Nakatingin sa kawalan at iniisip ang mga nangyari ngayon.Hindi ko namalayang nakatulog na ako.

................................................................................................................................................

Asan ako?Bakit ang ingay at ang daming ilaw?Ang ingay at ang daming tao.Malalanghap mo ang simoy ng napakabahong alak.Ngayon ay nasa BAR ako.

Bakas sa mukha ng mga tao dito ang saya at pagkalasing.Samut-sari ang mga tao dito.May Lalaki,Babae,Tomboy at maging ang mga malalanding bakla.Aalis na sana ako ng may tumawag sa akin, si Jenny.

Ngayon ko lang nalaman na party goer itong si Jenny.Anong oras na at bakit pa nandito itong babaeng ito.

"Xander, anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Jenny sa akin.Halata sa boses niya na marami na siyang nainom.

"Napadaan lang,hinahanap ko kase yung kuya ko ehh baka nandito siya."Palusot ko.

"Nandito nga yung Kuya Shem, ayun oh."Sagot nito habang nakaturo ang daliri sa lalaking nakatalikod.

"Ayy oo nga noh."Ani ko.

"Tara doon muna tayo upo ka, alam ko namang hindi ka marunong maginom kaya dito ka na lang muna."Pagaanyaya niya.Hinatak niya ako at pinaupo sa gitna ng mga kaibigan niya.

"Meet Xander, my only one ultimate crush."Pagpapakilala niya sa akin.Pati ba naman dito sasabihin niya yon?Nakakainis naman.Nakatingin ng masama ang mga kaibigan ni Jenny sa akin, yung tipong kinikilatis nila ako.Well!

"Mukhang nakabingwit ka ng pogi huh."Pagbanat ng isang babaeng nakapula.

"Hindi lang yan pogi, mabait yan tapos matalino."Pagmamayabang ni Jenny.Alam kong matagal na talaga niya akong gusto kaso hindi ko talaga siya gusto.

Inabutan ako ng kaibigan ni Jenny ng basong may laman ng alak.Tumanggi ako at parang nagalit sila.Sinabi naman ni Jenny na hindi ako pwedeng uminom.

Habang abala ang lahat sa pagiinom, napukaw ang tingin ko kay Jenny.May kumalabit sa kaniyang isang Lalaki, mukhang mayaman at may katandaan na.Lumingon si Jenny at nagusap sila nito.Pumasok silang dalawa sa isang pinto.

"Go Jenny!"Sigaw ng mga katabi ko.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang i cheer si Jenny.Ano bang nangyayari?

Nagpaalam muna ako na iihi pero ang totoo talaga ay pupuntahan ko si Jenny.Pumunta ako sa likod ng Room na pinagpasukan nila Jenny.May isang butas sa pader kaya hindi na ako nagdalawang isip pang silipin.

Nakita kong inaabutan siya ng maraming pera.Doon pa lang ay alam ko na ang gagawin.Tinanggihan ito ni Jenny ngunit hindi ata nagustuhan ng lalaki ito kaya sinampal siya.Natumba si Jenny sa higaan at akmang susunggaban ng lalaki si Jenny.Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kay jenny.Kitang kita ko kay Jenny ang takot at kaba, wala akong pwedeng magawa dahil nakasarado ang pinto.Pumunta ako sa pintuan at nagiisip ng pwedeng ipangtigil sa ginagawa ng lalaki.Kumatok ako ng napakalakas ngunit walang nagbubukas ng pinto.Dumako ulit ako sa butas, nakita kong walang malay si Jenny at hubad na lahat ng kasuotan nito.May kumalabit sa akin at may hinampas ako.

................................................................................................................................................

Hinahabol ko ang hininga ko at pawis na pawis.Panaginip nanaman ang lahat.Napansin kong sumasakit na ang tiyan ko kaya bumaba muna ako para kumain.Nakita ko sila Mama at Papa na nonood ng TV.Napansin nila akong bumaba at nagwika.

"Xander, alam mo ba kung nasan ang Kuya Shem mo?"Hindi pa umuuwi at anong oras na baka may mangyaring masama doon."Pagaalala ni mama.Tama nga at wala si kuya dito.Isa lang ang pumasok sa isip ko kung nasan si kuya.Sa BAR.

Sinubukan kong tawagan si kuya pero naka off ang cellphone niya.Nagpaalam ako kila papa at mama na hahanapin ko si kuya.Dali dali akong umalis sa bahay at nagtungo sa Bar.Pagpasok ko dito ay parehas na parehas ang mga nakita ko sa panaginip ko.May kutob ako na mangyayari nanaman ang panaginip ko kaya hinanap ko na agad si Jenny.Nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya at nakita niya rin ako.

"Xander, anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Jenny sa akin.Halata sa boses niya na marami na siyang nainom.

"Napadaan lang,hinahanap ko kase yung kuya ko ehh baka nandito siya."Palusot ko.

"Nandito nga yung Kuya Shem, ayun oh."Sagot nito habang nakaturo ang daliri sa lalaking nakatalikod.

Parehas na parehas ang mga sinabi ni Jenny sa panaginip ko.Dinala niya ako sa mga kaibigan niya at ipinakilala sa mga ito.Nakita ko yung lalaking kumalabit kay Jenny kaya hindi na ako nagdalawang isip pang pigilan siya.

Kinalabit niya ito, dala dala ng lalaki si Jenny at doon na ako gumawa ng hakbang.Humarang ako sa tapat nilang dalawa.Nakita kong nagulat si Jenny sa ginawa ko.

"Pare, Girlfriend ko ang ginagalaw ko."Pagbanat ko.Kinuha ko si jenny at linagay ang aking kamay sa balikat niya.

"Pasensya na pare ang pagkakaalam ko kase ay walag boyfriend ang babaeng kasama mo."Pagsagot naman nito at kinuha sa akin si Jenny.Loko rin pala itong lalaking ito eh.Inagaw ko ulit si Jenny at nagwika.

"Uulitin ko pa ba na ako ang girlfriend nito?Gusto mo ng patunay?"Pagtatanong ko sa lalaki.Kahit labag sa kalooban ko ay hinalikan ko si Jenny para lamang maniwala ang lalaki na girlfriend ko talaga si Jenny.Napansin ko ang pagkagulat ni Jenny at namula ang pisngi nito.Nakit ako namang epektibo ang ginawa ko dahil umalis na ang lalaki at tinigil ko na rin ang paghalik kay Jenny.

"Ano bang ginagawa mo Xander?"Iritang sabi ni Jenny.

"Niligtas lang kita dahil may masamang gagawin sayo yung lalaki nayon.Wag ka ng maarte buti nga natikman mo na yung labi ng "The Only One Ultimate Crush" mo."Pangaasar ko sa kanya.

"Hahaha, sa totoo lang ang lambot ng labi mo.Sa dinami dami ng lalaking natikman kong labi ay ikaw lang ang pinakamalambot."Aniya.Malandi rin pala itong si Jenny.

"Sigue tatawagin ko na si Kuya Shem kase kanina pa siya hinahanap sa bahay."Pagpapaalam ko.

"Salamat pala."Pagpapasalamat ni Jenny habang nakangiti.

"Wala iyon,Sige mauna na ako."Ani ko.

Tinawag ko na si kuya at sumunod narin naman siya sa akin.


Nightmare with YOUWhere stories live. Discover now