<~| S H O C K S! |~>

7 5 0
                                    

Xander's POV

Nakaramdam ako ng kaunting hiya dahil sa nalaman ko sa mga nangyayaring nananaginip ako.Tila hindi maipinta ang pagkagulat ko ng malaman kong niyakap ko siya habang umiiyak.Sobrang nakakahiya ang naging kilos ko.

"Pasensya na William kanina, sa naging galawan ko.Hindi ko alam dahil sa panaginip na gumugulo sa isipan ko."Pagpapaumanhin ko.Nakita ko naman na ngumiti siya ng bahagya.

"Wala yon, ako nga tong dapat humingi ng tawad dahil nabasa ka pa."Nakita kong nag pout siya.Mas mabuti nga yon na binuhusan niya ako kesa sa lamunin ako ng masamang panaginip ko.

"Ano na palang gagawin natin mag aalas dose na ng hating gabi?"Pagiiba ko ng usapan.Parang hindi ko ata kayang matulog dito sa library.Hindi kasi ako sanay na sa ibang bahay o ibang lugar natutulog, na ho-home sick ako.

"Edi matulog!"Pilosopong sagot niya.Totoo naman ehh.Kesa naman sa hintayin namin ang umaga.

Naghanap kame ng pwede naming gawing higaan.May nakita akong isang pinto at pagpasok ko dito ay isang kwarto.Tamang tama ay may higaan.Tinawag ko si William at sinabi ang tungkol sa nakita ko.Natuwa naman siya dahil may tutulugan na kaming dalawa.Dinala niya ang mga gamit namin sa kwarto at humiga na.Nakita ko naman siyang naka tulog agad.Pero ako hindi kaya ng mga mata kong pumikit.Nagisip-isip muna ako ng kung ano ano mang bagay pero hindi talaga kaya.Hindi ako dinadapuan ng antok.

William's POV

Ramdam ko na hindi makatulog si Xander.Siguro akala niya ay tulog na ako.Pero nagpapanggap lang ako.Magkatalikod kameng natutulog.Ayoko siyang harapin dahil sa hiya.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob na humarap.Pinagmasdan ko ang kaniyang mga Matang naka pikit.Tila may umuugong na siya kaya malalaman mong mahimbing na ang tulog.Pawis na pawis siya kaya minabuti kong punasan ang kaniyang noong basang basa.Sa pagpunas ko tila na pa hinto ako.

Umangat ang ulo niya at nagtama ang aming mga labi.Anong nangyayari sa tibok ng puso ko?Parang sasabog.Ilang sigundo rin ang tinagal ng mga labi naming magkadikit.Hindi ako makapaniwala na magaga niya ito.

Bumakas ang kaniyang mga mata tila nakikita ko ang mga tanong sa kaniyang mata.Kung mag re-response ako sa halik niya.Hindi ko alam ang gagawin kong hakbang.Kakawala ba ako? o Haharapin ang katotohanan?

Wala na akong nagawa.Sinagot ko na ang kaniyang paghalik sa akin.Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa.Gulong gulo ako sa mga nangyayari.

Ilang segundo lang ang itinagal nito at nagbalik na ang lahat.Tumalikod ako sa kaniya dahil sa hiya.

"William? So-sorry may nagtutulak sa akin na gawin iyon.Parang may sumapi sa akin.Pinilit kong iwasan pero malakas siya.Pasensya na William."Pagpapaliwanag niya.Humarap ako sa kaniya nakikita ko na tumutulo ang luha niya.

"Ok lang.Nangyari na eh.Wag mo na lang sabihin kahit kanino ang nangyari.ilihim na lang natin at kalimutan." Mahinahon kong sagot.Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha  gamit ang damit ko.

Tumigil ang kaniyang pagiyak.Ito rin ang dahilan kung bakit kami nakatulog agad.

Xander's POV

Nagising ako ng alasais ng umaga dahil sa maiinit at nakakapasong tirik ng araw na dumadampi sa aking mga mata.Pagkabangon ko ay wala na si William.Baka umuwi na siya at naunahan na ako.Naalala ko na saturday pala ngayon at nakita kong nasa labas ang librarian.Lagot ako neto!

Dali dali kong niligpit ang pinaghigaan ko.Minabuti kong walang kahit isang gusot upang hindi malamang dito ako natulog.Nang matapos ako ay pumunta na ako sa labas.Nakita kong abala ang mga estudyanteng may schedule ng saturday sa pagbabasa.Nakita kong lumingon sa akin ang librarian.

Dali dali akong tumakbo sa pintuan upang makaalis agad at makaiwas sa pagtatanong.Mabilis naman akong nakatakbo at himala walang sagabal na humarang sa aking dinaraanan.

SUCCESS!

Umalis na agad ako sa school at sumakay na ng tricycle.Hindi ko inaakalang nag aantay rin ng masasakyan si Ford.

"Balita ko hindi kayo naka uwi ng bahay ni William huh?"Nakakagulat na sabi nito.Bakit niya alam?

"Ahh yun ba?Nasaraduhan kase kame kagabi sa library kaya hindi kame nakauwe."Pagsagot ko naman.Nakakita kame ng isang tricycle na pwede naming sakyan kaya pinara ko na ito.

"Tara." Paanyaya ko.Sumakay naman siya at tumakbo na ang tricycle.

Nightmare with YOUWhere stories live. Discover now