<~| M Y S A V I O U R |~>

10 3 0
                                    

Xander's POV

Naglalakad ako sa isang madilim na daan.Masikip at tila may dalawa akong lalaking kasabay.Nasa unahan ko sila medyo na tatanaw ko yung nasa unahan at parang kilala ko siya.Pinagmasdan ko ng mabuti yung lalaki parang si ford ata.Anong ginagawa niya sa mga oras na ito at saan siya galing?Kinikilala ko talaga siya at ng lumingon siya at nakita ko ang kalahati ng mukha niya, tama nga ang hinala ko at si ford nga siya.

Medyo malayo pa ang bahay ko kaya mas minabuti ko ng bilisan ang lakad ko pero may ibang aura ang iskinita na ito.Aura na para bang may masamang mangyayari.Naalala ko yung panaginip ko kagabi sa iskinitang ito at parehong pareho ang mga nakasaad doon.

✔ Si Ford

✔ Iskinita

✔   May lalaking naka all black na sumusunod kay ford

✔ At ako

May iba akong nararamdaman sa mga nangyayari.Baka nga mangyari ang napanaginipan ko.Pero ang hindi pwedeng mangyari ang isang panaginip lamang.Nagulat na lamang ako ng huminto si Ford at lumingon sa taong nakasunod sa kaniya.Kinakabahan talaga ako, paano kung mangyari talaga?Hindi naman siguro masama kung susubukan ko diba na iligtas si Ford? 

Alam ko ang susunod na hakbang nung lalaki kaya mas minabuti kong maghanap ng pwedeng ipang pigil sa pagtutok niya ng baril kay ford.THANK YOU LORD! May nahanap akong mabigat na kahoy na pwedeng ipanghampas sa kaniya.Naghanap muna ako ng tiyempo kung saan itututok na niya ang baril.Naghubad ang ng sapatos para hindi marinig yung bawat hakbang ko.

Ford's POV

Naglalakad ako ngayon sa isang iskinita.Shortcut kase ito sa bahay namin kaya dito na ako dumaan.Nagmumuni sa isang masikip at madilim na iskinita.Pagpasok ko pa lang dito sa iskinita na ito alam ko ng may sumusunod sa akin na dalawang lalaki.Hindi ko kayang lumingon sa likod dahil ayaw kong ipakitang kinakabahan ako.


Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may naaamoy akong hindi magandang mangyayari.Sa paglalakad ko ay huminto ako, tumingin ako sa likod at nakita ko ang lalaking naka all black at wala na yung lalaking nasa likod niya.Nagulat na lamang ako ng tutukan niya akong baril.Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa tanan ng buhay ko ay never akong tinutukan o nakakita ng baril.Nakita kong kakalabitin na niya ito pero......

"PAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!"isang tunog ng kahoy kapag hinampas.

Nagulat ako ng tumumba yung lalaking nagtutok sa akin ng baril.Sa pagbagsak nito ay nakita ko sa Xander.Anong ginagawa niya dito?Siya ba yung lalaking nakasunod sa akin?

"Ayos ba?"Aniya.

Hindi ako agad na ka sagot dahil sa pagkabigla.

"Salamat Xander, kung wala ka dito dapat patay na ako."Pagpapasalamat ko.Hindi ko inaasahang magagawa niya ito sa akin dahil ang alam ko ay galit siya.

"Wala yon, ikaw pa ba?Hindi ko ililigtas?"Pagsagot naman niya. "Tiyaka bumawi lang ako sayo kase niligtas mo din ako nung isang araw sa cafeteria."Aniya.

"Ayyy wala yun basta Quits na tayo."Pagsagot ko rin naman.

"Tara sabay na tayo maglakad.Anong oras na rin baka pagalitan pa tayo ng mga magulang natin."Pagputol niya ng usapan at sabay na kame ng lakad patungo sa aming bahay.

Xander's POV

Hindi ako makapaniwala na nakapagligtas ako ng isang tao na nasa bingit na ng kamatayan.Napakasaya ko kase pinagbigyan ako ni lord.THANK YOU PO.

"Malapit na tayo sa bahay niyo Xander."Sabi ni Ford.

"Ayy oo nga noh, hindi ko namalayan na nandito na tayo."Sagot ko naman.Lumilipad kase ang isip ko kaya hindi ko namalayan na nandito na kame sa tapat ng bahay ko.

"Oh pano ba yan?Pasok ka na."Pagpapapasok sa akin ni ford.

"Ah sigue una na ako."Banat ko naman.Naglakad na ako at binuksan ang gate.

"Xander!"Pagtawag sa akin ni Ford.Nagulat ako dahil papasok na ako sa bahay.

"S A L A M A T !"Pagpapasalamat ni ford habang naka ngiti.May taglay naman pala itong kabaitan si ford at nagawang magpasalamat.Sa una kase akala ko mayabang at walang modo.Pero nagkamali ako.

"Walang anuman."Sagot ko sabay bow."Nagwave na ako at umalis na siya na kasama ang mga ngiti sa labi niya.

Pumasok na ako sa bahay at nagtungo sa kwarto at nagpahinga.


Nightmare with YOUWhere stories live. Discover now