Chapter 1

5.2K 53 1
                                    

Hi mga be, First time kong gumawa ng storyy. Kaya sorry po kung hindi maganda ang pagkasulat ko nito. :)

Imagination ko lang po ang Isusulat ko dito Hehehe :)

:)














Vivian Pov*

Ako si Vivian Lyn Morales anak ni Erlinda Aguas, isa lang kaming mahirap na tao. Nung ako ay nagkaisip na, Nagtaka ako kung bakit magkaiba kami ng apilido ni mama. Ang sabi nya sakin, Isinunod nya daw ang apilido ko sa papa ko. Sa kwento sakin ni mama, Si papa daw ay anak ng isang Sikat na mayaman dito sa pilipinas. Tutol daw ang lolo o Tatay ni papa sa relasyon nila ni mama.

Hindi ko nakilala si papa, Dahil 1 year old palang ako ay kinuha sya ni lolo at inilayo nya si papa kay mama.

Ayaw ko na ring makilala o makita ang papa ko, Dahil hindi nya pinaglaban ang pagmamahalan nila ni mama.

Nang kinuha ni lolo si papa, Pinagbubuntis no'n ni mama ang aking kapatid na si Janoh Wes.

Ngayon ang araw ng sabado kaya Wala kaming pasok..

Nag aaral ako sa private school, Selarom University.

4th year college na'ko do'n pero di'ko parin alam kung anong Ibigsabihin ng Selarom

Ang kinuha kong kurso ay accountancy.

Mahilig kasi akong magsolve at favorite ko din ang math, nagtataka ako kung bakit hate ng karamihan ang math samantalang ako favorite ko talaga ang math.
























Araw ng lunis ngayon kaya may pasok ako...

7am-11am ang pasok ko, Gumising ako ng maaga dahil ako ang magluluto ng pagkain naming tatlo.

5:30 nagluto nako ng piniritong itlog, Hotdog. nagsaing narin ako ng kanin.

Ang schedule ni Janoh ay 11am-5pm, 3rd year college sya Ngayon

Nang matapos na akong nagluto, Pumunta ako sa kwarto upang gisingin si mama at Janoh.

"Ma, Gising na. Nakapagluto na ako ng almusal nating tatlo" nakakaawa naman si mama, mukhang pagod sya kakatinda ng mga tinapay sa palengke kahapon.

"Magandang umaga sa'yo aking masipag na anak" masasabi kong maganda si mama, ang Kaso lang naging losyang sya sa pag-aalaga nya sa amin ni Janoh.

"Mama naman, ang aga pa para d'yan. Gisingin mo na din po si Janoh para sa agahan nating tatlo. Ihahanda ko nadin ang damit ko para sa pagpasok ko mamaya" saad ko kay mama.

"Masusunod po 'nay" si mama talaga, haynaku.

Nang matapos na akong nag ayos para sa pagpasok ko. Pumunta na ako sa kusina para kumain nakaming sabay.



"Goodmorning ate" bungad sa 'kin ni Janoh.

"Walang Good sa morning kung Ikaw din naman ang tutumbad sa umaga ko." Biro ko sa kapatid ko hahaha

"Ma oh, si ate!" Nagkunwaring Galit si mama sa'kin

"Vian, wag mong ganyanin ang kapatid mo, tignan mo oh nagbibinata na sya. Satingin ko may liniligawan na 'yang batang iyan" naramdaman kong nagbibiro si mama hahaha

"Mama naman. Bata pa ako para d'yan, Mag aaral muna po ako para sa'yo." 1 year lang ang tanda Ko sakanya, Pero ang galang nya sa'kin


Pagkatapos kong kumain, Nagmadali akong tumakbo sa cr. 6:00 na hindi ko namalayan ang oras. Naligo Ako't nag ayos ng sarili

Pagkatapos kong nag-ayos, Pinuntahan ko sina mama at Janoh na nagkukwentuhan sa maliit naming salas.


"Mama,'Kung Nandito si papa satingin nyo po maganda ba po yung buhay na'tin no'n?" Tinignan ko silang dalawa habang nag-uusap, Kung nandito nga kaya si papa? Maganda ba ang magiging takbo ng buhay namin?

"Hindi ko nga alam anak eh, Dahil matagal ng tutol ang lolo nyo na tatay ng papa nyo sa pag-iibigan naming dalawa" Nakita kong nalungkot si mama sa kanyang Sinabi, Naawa ako Ngayon sakanya.

Ayaw kong makita si mama ng ganito, Parang ako ang mas nasasaktan kapag nakikita ko syang malungkot.

"Ma, Una na po ako." Paalam ko sakanya

"Oh heto 150, Tinapay lang kainin mo anak ah? Wala pa Kasing pera si mama. Mag-iingat ka" Binigay ko ulit ang Pera sakanya

"Mama naman. May Pera ako dito, mga nakuha ko po sa pagtitinda ng tinapay kahapon."saad ko sakanya.

"Hindi kunin mo'to, Isipin mo na lang reward ko'to sa pag aalaga mo Sa'min ng Kapatid mo." Napangiti ako sakanya.

"Maraming Salamat ma, Mag-ingat kayo ah? Pag-uwi ko, Magtitinda po ako ng mga tinapay" saad ko sakanya saka ko hinalikan sa pisngi.

Wait for my revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon