Napagpasyahan namin na sabay kaming maglalakad papuntang parking lot, corny diba!? Parehas kasi kaming may dalang sasakyan, kaya ganon.
"Vivian, tapos ka na ba sa Portfolio sa taxation?"
Mag-aayos na sana ako, kaso bigla akong itinanong ni Wesley about sa project sa taxation.
Tumingin ako sakanya, tumango ako at ngumiti.
"Uhm, yes. I'll just arrange the papers."Sagot ko.
Inayos ko ang mga gamit ko, ipinasok ko ang libro sa loob ng aking bag. Tumingin ulit ako sakanya at nagpaalam.
"Una na'ko,"Nakangiting paalam ko.
Lumabas ako at naglakad na. Papunta ako ngayon sa isang bench dito sa school na malapit sa puno ng narra. Dito ang usapan namin ni Darius na magkita.
Uminit ang ulo ko ng makita si Anastasia na papalit sa kung naroon ako. Nakangisi ito sa akin, wow ha. Ano nanaman kaya ang balak ng alimaw na 'to.
"Hi Vivian! Musta, namiss kita. Kamusta nanay mong pokpok?" Nagtiim bagang ako sa sinabi nyang 'yon, kaya naman ngumisi din ako sakanya. Hinding hindi ako magpapatalo!
"Ayos naman, kamusta naman papa mong rapist? nanay mong malandi? Ano pa nga ba, kamusta naman ang pagiging criminal mo?"
Gusto nya akong sampalin dahil sa galit pero naunahan kona sya agad. Sya ang nauna tapos sya ang talo, ulol!
"How dare you! Papabagsakin kita, Vivian!" Duro nya sakin.
Ngumisi ako sakanya ng malapad. I think this is my best and last revenge to her. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag ko at i-dinial ang numero ni papa.
"Hello pa, gusto ko lang pong humingi ng pabor." Ani ko agad.
"Yes, what is it?"He asked.
Tumingin muli ako kay Anastasia, ang mukha nya ngayon ay nagtataka dahil sa ginagawa ko.
"Gusto ko lang pong gawin nyo ang lahat para mapabagsak ang mga Villanueva, as soon as possible."
Wala pang ilang minuto may narinig akong tumawag sa cellphone ni Anastasia.
"Hello dad? What?! What happened, ba't bigla nalang silang nag back out?... Nevermind.." Nangigil syang humarap sakin, napatawa tuloy ako.
"Ano, kala ko ba papabagsakin mo'ko? Nauna pa ako ha. Galing ko talaga!" Pumalakpak pa ako.
She messed to the wrong person. Tumawa ako ng tumawa. Well, successful ang paghihiganti ko sakanya. Buti nalang talaga!
Tumingin ako sa kanya with pangunguya at akmang sasampalin nya ako ngunit may humawak sa kamay nya, kaya naman nakalipad lang sa ere ang magaspang nyang mga kamay. De javu, parang naulit na ang scene na 'to ha. Ah, noong nasa room ako.
"Darius.. Yung company namin, nalubog na.. And it's her fault! Please, help us." May paawa at paiyak effect pa si ate! Aba bongga naman!
"Bagay mo," Napahalakhak sya.
"What? Wala ka man lang utang na loob kay mommy at daddy? Ang bait nila sayo, Darius! And then what? Bagay sakin? What the hell are you talking about!"
"Well, you and your gang killed my sister. Hm, quits na kami nila tita and tito. Get out of my way, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong tutukan ka ng baril at patayin."Nakangisi ngunit bakas parin ang pagkaseryoso ni Darius sa sinabi nyang 'yon."At kapag nakita ko pa ang pagmumukha mo, I will not hesitate to kill you,"dagdag nya.
BINABASA MO ANG
Wait for my revenge (Completed)
Teen FictionMabait akong tao, Pero kapag pamilya ko dinamay nyo. Makikita nyo ang tunay na aso. - Hope you enjoy this story :)